pasensya kung ang tagal ng update, ang dami ko kasing binago. At sinabayan pa ako ng matinding writers block. Sana magustuhan niyo..
LABYRINTH ACADEMY II:…
TAO
(BACKGROUND SONG PLAYING:HERE I AM BY 4MEN INSTRUMENTAL)
Pagkatapos nung graduation party, dumeretso kami sa isang lugar sa Labyrinth Academy. Kung saan kami naka room, kung saan nabuo ang barkadan kung saan nagsimula ang lahat.
''Ang bilis ng araw no? Parang kailan lang nung halos hindi tayo magkasundo.Parang kailan lang nung binubully niyo akong mag kakaibigan. Pero alam mo? Sa totoo lang, ang dami kong natutunan sa school na 'to.'' sabay lingon sa akin ni Twaylem.
''Nalulungkot ako sa mga oras na 'to, baka kasi ito na ang huling beses na makita ko yung classroom ng black section. Pero siguro, sabi nga nila hindi naman pwedeng habang buhay nalang tayong nasa isang lugar. Dahil sa ayaw at sa gusto natin, mag mu-move forward tayo, para matuto at mag grow.'' tumingin ito ng diretso sa mata ko.
''Tao, pag nawala ako.. Malulungkot kaba? Agad mo ba akong makakalimutan?''
''Hindi kita agad makakalimutan.'' lumapit ako sakanya, at tinignan ko siya ng diretso sa mata.
''Siyempre, malulungkot ako pag nawala ka. Pero hindi mo naman ako iiwan diba?? Lalaban ka, diba?'' malungkot na pagkakasabi ko sakanya.
''Tao, paano ka pag nawala ako?'' bahagya akong napaisip at nalungkot.
''Pagnawala ka, parang nawala na rin ako. Parang namatay na rin ako pag nawala ka, dahil napatunayan ko na.... Hindi pala masaya pag wala ka.''
Humigpit ang pagkahawak nito sa mga kamay ko.
''Sabihin mo nga sa akin na mahal mo ako. Gusto ko yung malakas ha??'' inilapit niya yung wheelchair niya sa tabi ko, at bahagya nitong isinandal ang ulo niya sa balikat ko.
''Twaylem, I love you.'' nararamdaman ko ang pag ngiti nito at ganun din ang pag hikbi niya..
''Isa pa nga, hindi ko kasi masyadong narinig..'' humawak ulit ito ng mahigpit sa kamay ko.
''I love you..''
''Isa pa.. Huwag kang titigil, para kahit nasa kabilang buhay na ako boses mo pa rin yung naririnig ko. Sa ganung paraan Tao, magiging masaya na ako. Kahit boses mo lang ang kasama ko.'' naramdaman kong umiiyak na ito, naramdaman ko kasing pumatak ang mga luha niya sa may braso ko.. Hindi ko nalang ipnahalata sakanya na pati ako ay naiiyak na rin. Kase alam ko pag nakita niya akong umiyak sa harapan niya, malulungkot ito lalo.
At ayoko ng dagdagan pa ang lungkot na nararamdaman niya.
''I love you.. I... Love..'' huminga ako ng malalim at pinag masdan ang mukha nito.
''You.. I love you, please don't leave me..''

YOU ARE READING
LABYRINTH ACADEMY SEASON II LABYRINTH ACADEMY [TO BE PUBLISHED)
HumorWATCH THE PROMOTIONAL VIDEO. NANDYAN SA SIDE :)) PARENTAL GUIDANCE IS ADVICED. Lilipat na ng school si Tao, dahil sa kagagawan ng kanyang aroganteng ama. Magiging ganun pa rin ba ang love story nila? O mag babago, dahil may mga bagong characters na...