VOTE COMMENT :) kayo na bahala
Hanggang Chapter 20-25 lang ito.. Alam ko andami ko pang on going, pero gabi-gabi akong ginagambala ni Tao Yoshida. Tsaka, andami ring nag rerequest ng book two.. Since hindi naman ganun kahaba yung isa..
Ayan.. Another struggles nanaman ang haharapin ng dalawa.. Lalo na't may mga bagong characters na gugulo sa pag mamahalan nilang dalawa.
sorry walang prologue.. ^__________^
CHAPTER 1 : New Beginning
TWAYLEM
Hindi rin nag tagal at bumalik si Tao sa bahay niya, mas komportable daw siya dun kesa sa bahay niya talaga.. Pero madalas nandito siya sa bahay ng mga Gonzales, nang gugulo at nakiki-kain. Kinakausap na rin ako ng daddy niya. Yun nga lang, masungit pa rin siya.. Nabawasan na nga lang pero konting-konti lang..
Anyway, Malapit na kaming mag one year ni Tao. At ang sarap lang ng feeling, dahil sa dami ng pinag daanan namin, pareho kaming hindi bumitaw. Medyo nag mature na din siya ng konte, pero ganun pa rin kami..
Madalas pa rin mag away.. For example ngayon, may date kami.. E ang bagal bagal niyang kumilos! Dinaig pa niya ako.
''HOY YOHSIDA! DALIAN MO NGA DIYAN!'' kinatok ko ng pag kalakas-lakas yung pinto. Actually mawawasak ko na to, konting katok na lang.
''DAHAN DAHAN KA NGA SA PAG KATOK! MAY BALAK KA BANG WASAKIN YUNG PINTUAN!! Matatapos na ako! Nag sasabon na lang ako!!'' palihim akong ngumingiti, dahil may pumapasok na kababalaghan sa utak ko.
Hindi ko pa kase nakita ng maayos yung katawan niya. Hindi kase siya yung tipo ng tao na basta-basta nalang nandidisplay ng katawan niya. Wala namang masama kung manyakin ko siya kahit one time lang..
Mag girlfriend-boyfriend naman kami.. Diba?
''TAO! PASOK NA AKO HA?!!''
''TWAYLEM! HUWAG KA NGA!'' dinig na dinig ko yung na aasar na tono ng boses niya.
''Tulungan kitang mag sabon?? Ayaw mo? Tsaka para mapabilis na rin yang pagligo mo. PASOK NA AKO HAH?''
''SUBUKAN MO LANG PUMASOK AT...''
''At......... ANO?!'' sigaw ko dito..
''KIKISS KITA!'' napa face palm nalang at napangiti.
Binuksan niya na din yung pinto.. Nakabihis na ito, sayang! Bat kasi nag paalam pa ako sakanya na papasok ako? Pwede namang dire-diretso ako..
''Oh, anong tinutunga-nga mo diyan??'' basa pa yung buhok niya kaya pinupunasan niya yun gamit ng face towel na binigay ko sakanya... Yung tingin niya yung parang wala pa ring expression.
''Tagal mo!'' I mouthed. Kunwaring na iirita pero di naman talaga.. Makita ko lang mukha niya, nawawala na yung galit o inis ko sakanya. Ganun ko lang naman siya kamahal..

YOU ARE READING
LABYRINTH ACADEMY SEASON II LABYRINTH ACADEMY [TO BE PUBLISHED)
HumorWATCH THE PROMOTIONAL VIDEO. NANDYAN SA SIDE :)) PARENTAL GUIDANCE IS ADVICED. Lilipat na ng school si Tao, dahil sa kagagawan ng kanyang aroganteng ama. Magiging ganun pa rin ba ang love story nila? O mag babago, dahil may mga bagong characters na...