CHAPTER 12: SEARCH IS OVER

50K 1K 95
                                    

CHAPTER 12: SEARCH IS OVER

TWAYLEM

''Mauuna na ako sayo ha Renee.. Mag iingat ka sa pag uwi.''

''Sige Twaylem, mag iingat ka rin.'' pag kalabas ko ng kitchen, nag cr muna ako para mag ayos. Pero ng makita ko ang sarili ko.. Nagulat ako sa repleksyon ng sarili ko. Napansin ko rin na pumayat yata ako lalo..

''Kailangan ko yatang bumili ng lipstick.. Namumutla yata talaga ako.'' tinapik-tapik ko yung mukha ko para kahit papaano mag ka kulay ako..

Pagkatapos ko din sa cr, lumabas na rin ako ng restaurant. Pagkalabas ko sa restaurant, bumulaga sa akin  si Danger.

''Ang tigas talaga ng ulo mo. Ang sabi mo papasok ka sa LA pero nag trabaho ka. Ang kulit-kulit mo talaga.'' hinawakan nito ang kamay ko at hinatak papalayo sa tapat ng restaurant.

''Chill ka lang, para din naman sa akin to no..''

''Tss, hindi mo naman kailangang mag trabaho. Umayos ka nga Twaylem.'' inis na sabi niya sa akin..

''Danger, okay lang ako..'' hinawakan nito ang mukha ko.

''Napapansin ko lang Twaylem, bakit namumutla ka?? Hindi kaba kumakain??''

''Kumaka----''

''ahh! Hinde, mamaya pag uwi natin sa bahay.. Akong bahala sayo, ipag luluto kita ng pag kain. Kailangan mong mag palakas.. Tignan mo nga, pumapayat kana.'' Napangiti nalang ako sa reaction ng mukha ni Danger.

Pag kase umaalis ako ng bahay sinasabi ko sakanya na pumapasok ako, hindi kase siya pumapasok sa L.A ngayon dahil tinatamad daw siya.. Kaya ayun.

''Si Danger yun diba? Iba nanaman yung girlfriend niya?'' sabi nung babaeng nakasalubong sa akin.

''Hindi na ako magugulat kung next week umiiyak na yang girl na yan.'' sabay tawa nila. Tinignan ko si Danger at wala itong pakealam.

''Matanong nga kita Danger.. Saan yung school mo bago ka lumipat ng L.A'' tumigil ito sa pag lalakad at tumingin sa akain.

''University of Ondrea.. UO.''

''UO? Galing ka dun??? Bat hindi kita kakilala??'' ngumiti ito..

''Kaya hindi mo ako nakikita, dahil kahit kailan.. Hindi ka lumingon sa akin. Paano mo ako nakikita? Diba?'' tumuloy ito sa paglalakad.

Anong ibig sabihin niya dun?? Bulag ako ganon?? Sama ng ugali ng mokong na to ahh! Sipain ko siya e!

''Anong section kaba nun??''

''Section 2.''

''E kase naman paano ko papansinin yung mga tao dun? E lahat ng tao sa U.O naiinggit sa akin. Queen B*tch ako diba?'' ngumiti lang ulit ito. Para tong timang, pangiti-ngiti, pero gwapo pala siya pag naka-ngiti. Pag kase siryoso yung mukha niya, mukha siyang adik.

LABYRINTH ACADEMY SEASON II LABYRINTH ACADEMY [TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon