EPILOGUE

63.5K 2.4K 1K
                                    

EPILOGUE

Naging maayos na rin kami ni Danita, natauhan na siya. Siguro dala yun ng matinding pagkakabundol niya date. Pero masaya siguro kung natuluyan siya at na dedo, at guess what, Naging mag bestfriend sila ni Zia, ang bestfriend kong doble kara. Hanggang ngayon hindi pa rin kami magkasundo ni Breinleigh, dahil hindi niya tanggap na maaaaaaaas mayaman ako sakanya.

Si Donald at Ava? Well, nagiging lalake na ng kaunti si Donald. Na realize niya kase na gusto niya na si Ava, paanno may nakita si Ava na pwedeng ipalit kay Donald. Si Riyee at Kyd naman, ayun pa rin naghihintayan. Mahihina ang mga radar at mga parehong manhid.

Si Donella at Law naman nagkakamabutihan na, kahit rinding-rindi na si Law sa kaartehan nitong si Donella. Si Mea ayun, baliw parin sa lollipop at dun kay Darth na feeling gwapo.

Si Harper, ayun mahilig pa rin sa libro at masyadong nag papaniwala sa mga Feng Shui salamat kay Kay. Si Jodee, masama pa rin ugali pero kahit papaano napaamo naman ni Dylan. Pero makati pa rin ang kamay!!

Si Britt naman busy sa pag tambay sa bar, may binabantayan yatang wild chick na nag nga-ngalang Carles. At si Venos? Ayun, searching pa rin. Si Shin, bumalik na sa Japan at ipinagpatuloy ang buhay niya. At si Friso? Mama na yung bata na yun. Bigotilyo na nga e..

At oo, si Danger at si Sue nasa next stage na. Sumusunod sa yapak namin ni Yoshida. ^^. Gaya-gaya ng love story.

''Hoy Eskepik! Ano ba bat ang tagal mo?! Malalate na tayo aah!!'' at kami ni Yoshida? Ayun mahal na mahal pa namin yung isa't isa. Papunta na kaming America, dahil doon gaganapin ang kasalanan namin.

OO, ikakasal kami. 

''Oo ayan na!!! E kung tulungan mo kaya ako?!'' pasigaw ko dito.

''Mas malaki pa yung katawan mo sa akin. Huwag ka ng mag reklamo! Kaya mo na yan! Tara na.. Bilisssssssss''

O, siya sa susunod na nating pagkikita. Nagmamadali na kasi si Tao, alam niyo naman yan.. May sayad.

Hanggang sa susunod nating pagkikita...

''Love, Twaylem Fifi!''

''Donald! Panira ka e!!''

''E Fifi naman, ang tagal mo kase! Para nag papaalam nalang dami pang arte!'' dating gawi, isang sapak para sa pinakamamahal kong bestfriend.

''PAALAM!!''

Mula sa Labyrinth Academy Gang,

MARAMING SALAMAT PO SA PAG SUPORTA!

''Ayan ka nanaman e! Sapak ng sapak! Paano kame mag da-date ni Ava?''

''Problema ko ba yun??'' halos maglapasag ito sa lupa.

''Fifi!!!''

''Huwag niyo ng pansinin si Donald, ksp yan e. O siya, aalis na kami..'' *wink* ''Mwuaaaaaaaah!!''

''Hanggang sa susunod nating pagkita, AESHA FLINN a.k.a BLISS TWAYLEM''

''ESKEPIK.'' isa pa tong Tao na 'to e.

''sige na.. Paalam na. May  bubug-bugin pa ako e.''

''Babay!!''

 I LOVE YOU ALL..

BERIMATS! ♥

-FINISHED..

(MARCH 27,2013)

---

Sa totoo lang, dapat talaga tragic to. Kaya lang naisip ko na ayaw kong patayin si Twaylem. Dahil baka pasabugan ako ni FIFI :))

anyway,

Maraming maraming salamat po sa pag suporta sa Labyrinth Academy. Ako din ay nalulungkot, dahil bilang author mamimiss ko ang mga characters sa L.A. Pero siyempre, lahat ng story may katapusan. Wala na pong season 3 ang L.A dahil kahit anong mangyare, si Twaylem at si Tao pa rin ang magkakatuluhan hanggang sa huli.

Nais kong mag pasalamat sa lahat ng Operators ng mga facebook accounts nila at twitter accounts nila. THANK YOU GUYS!!

Maraming salamat din sa lahat ng mga feedbacks at mahahabang messages niyo. Hindi ko man kayo ma replyan, pero nababasa ko naman po yung mga comments ninyo. Nakakataba ng puso twing na bwi-bwisit kayo sa mga characters at naiiyak kayo. Thank you sa pag appreciate ng story ko.

Pasensya na din kayo kung minsan ang tagal kong mag update, madalas kase akong inaatake ng writers block. Kaya ayun, hindi ko pinipilit mag type dahil lalabas na dry at walang buhay ang sinulat ko. :))

Alam ko hindi ito kagaya nung season 1 na maraming nakakatawang chapters, more on drama kase ito. At thank God naman dahil nagustuhan niyo siya. Basta, mula sa mga kuko ko sa talampakan hanggang sa aking puso..

 MARAMING MARAMING SALAMAT PO..

Taos na gumagalang,

Sarah ang batang batibot♥

LABYRINTH ACADEMY SEASON II LABYRINTH ACADEMY [TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon