𝗦𝗨𝗚𝗔𝗥 𝗕𝗔𝗕𝗬

702 13 6
                                    

TITLE: sugar baby
GENRE: fanfiction
SUBGENRE/S: romcom, crack, epistolary
RATING: mature, 18+
-

Nakatayo sa tapat ng bahay nila si Renjun, sa tabi niya ay isang malaking maleta at isang malaking bag. Nakasuot naman sa balikat niya ang bag na ginagamit niya sa school.

"Ma, Pa! Please, I'm sorry po! Papasukin niyo po ako!" sigaw niya habang umiiyak.

"Wala akong anak na bakla! Lumayas ka rito!" boses 'yon ng kanyang ama.

"Putangina naman." Bumuntong-hininga siya, "Bakit pa kasi ako umamin?" Umupo siya sa harap ng bahay nila at binagsak ang ulo sa maleta.

×××

Lele
active now

20:25

Renren:
chenle!

Lele:
yow~

Renren:
pwede bang makitira dyan saglit?

Lele:
halaaa what happened?

Renren:
diba nag-come out ako kahapon? pag-uwi ko kanina, nasa labas na mga gamit ko

Lele:
what the fuck!

hindi sila invited kapag nagkaroon tayo family gathering. HAHAHA charot

sige lang, punta ka dito samin. sabihan ko si mama na makikitira ka dito

Renren:
sana hindi nakakahiya kay tita :((

punta na ako dyan. thank youuu~ labyu, chenle!

Lele:
no probs! labyu too!
~

Pinunasan niya ang kanyang mga luha bago tumayo. Sinabit niya ang malaking bag sa isa pa niyang balikat at itinaas naman ang handle ng maleta. Hila-hila ito, nagsimula na siyang maglakad palabas ng subdivision.
-

STATUS :
ONGOING

𝗦𝗨𝗚𝗔𝗥 𝗕𝗔𝗕𝗬 (18+) ❣ 𝘳𝘦𝘯𝘩𝘺𝘶𝘤𝘬.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon