Chapter 65

79 5 0
                                    

KABADINGAN OPEN DAILY

Sunday, Oct 30

12:03

adik sa kape :
teh @Renjun sasama ka sa halloween party bukas?

sugar baby :
hinde

tinatamad ako, atsaka wala akong costume

adik sa kape :
sayanggg :((

aattend kami ni jeno hehe

joker & harley quinn, pero di pa sure

sugar baby :
parang ang common na nila, hula ko maraming magha-harley quinn at joker bukas

adik sa kape :
di pa naman kami nakakabili ng costume eh

may suggestion ka ba?

sugar baby :
wala HAHAHAHAHA

dejoke, sige mag-iisip ako

adik sa kape :
oks oks

although, okay lang naman kahit di kami naka-couple costume, pero kasi gusto ni jeno matching kami, kasi last year diba hindi kami naka-couple costume

sugar baby :
ahh okie

what if, nick wilde & judy hops?

adik sa kape :
hmm, pwede rin

ano pa kaya?

sugar baby :
what if, jack skellington & sally?

or victor & corpse bride?

adik sa kape :
HALA BET Q YUNG VICTOR & CORPSE BRIDE OMGGG

brb, chat ko si jeno

sugar baby :
HAHAHAHAHA gora

iPhone 13 pro max :
hala may ganyan kayo? bulok naman ng student council namin hmpk

×××

Haechan ♡

haechan.

Binaba ko ang phone ko at sumandal sa sofa. Bumuntong-hininga ako nang malalim.

Mahigit dalawang linggo na ang lumipas simula noong umalis ako sa mansion ni Donghyuck hyung. Honestly, namimiss ko na talaga siya. Nitong mga nakaraang araw, hindi siya mawala sa isip ko.

Kahit nasa kalagitnaan ako ng klase, natutulala na lang ako at naiisip ko siya. Kumusta na kaya siya? Naiisip niya rin kaya ako? Hindi ba siya nabo-bored sa office? Kumusta na rin kaya si Brittany?

Bahagya akong nagulat nang maramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko sa sofa.

Haechan ♡

Haechan? Is that what you call me?

Why are you suddenly texting me?

gusto kitang kamustahin, masama ba?

I'm fine, thank you for asking. I'm busy right now, but you can text me later.

Ang kapal naman ng mukha kong kumustahin siya pagkatapos kong umalis sa mansion niya nang walang paalam. Bumuntong-hininga akong muli at inilapag sa sofa ang aking phone.

"Sino ka-text mo?"

Nagulat ako nang marinig ang boses ni Papa.

"Uhm, friend ko."

Tumango lang siya at umupo sa sofa pero malayo sa 'kin. Kinuha niya ang remote at binuksan ang TV.

Kinuha ko ang phone ko at tumayo mula sa sofa. Maglalakad na sana ako nang magsalita siya ulit.

"Saan ka punta?"

"Kwarto."

Naglakad na ako papunta sa hagdan at umakyat papunta sa kwarto ko. Nakasalubong ko pa si Mama na kagagaling lang sa kwarto niya.

"Oh, bakit?"

"Inaantok ako."

"Ah, sige. Gisingin na lang kita kapag kakain na. Sleepwell, anak."

"Okay po."

Pumasok ako sa kwarto ko at sinara ang pinto. Nilapag ko sa bedside table ang phone ko saka ibinagsak ang sarili sa kama.
-

𝗦𝗨𝗚𝗔𝗥 𝗕𝗔𝗕𝗬 (18+) ❣ 𝘳𝘦𝘯𝘩𝘺𝘶𝘤𝘬.Where stories live. Discover now