Chapter 83

73 3 0
                                    

"Renjun! Renjun, may naghahanap sa 'yo."

Minulat ko ang mga mata ko nang maramdamang may tumatapik sa balikat ko at may tumatawag sa 'kin. Binangon ko ang ulo ko mula sa desk at lumingon sa kung sino man 'yon.

"Huh, bakit?"

"May naghahanap sa 'yo. Nasa labas."

Luminga-linga ako bago mag-stretch. Kinusot ko rin ang mga mata ko saka kinuha ang phone ko mula sa bulsa ng pantalon ko. Alas dos na. Nakatulog pala ako.

Tumayo ako, kasabay ng pag-alis ng kwarto ko. Naglakad ako papunta sa labas at luminga-linga hanggang nakita ko si Yangyang na nakaupo sa hallway.

"Yangyang!"

Lumingon siya at nang makita ako ay tumayo siya. Naglakad siya papunta sa 'kin habang nakangiti.

"Hi, Renjun! Wala kang klase?" Umiling ako. "Tara!"

Kinunot ko ang noo ko, "Anong tara? Saan?"

"Canteen. Vacant din kasi namin. Tara, libre kita."

"Sige, tara sa canteen. Pero 'wag mo na akong ilibre."

"Pero gusto kitang—"

"Okay lang. Ako nang bibili ng sarili kong pagkain."

"May pera ka na ulit?"

Nirolyo ko ang mga mata ko sa tanong niya. "Mayroon."

"Nonetheless, ililibre pa rin kita."

"Yangyang! Huwag na sabi, e."

"Please?"

"Ayoko. Huwag mo 'kong ilibre."

"Sige na kasi, Renjun!"

"Hindi."

"Hoy! 'Wag nga kayong maharang-harang sa daanan. Mga mag-jowa talaga oh." May isang estudyante na dumaan sa gitna namin.

"Hindi ko siya jowa!" sigaw ko.

"I mean, I can be your jowa."

"Shut up!" Iniwan ko siya at nagsimulang maglakad papunta sa hagdan.

"Renjun, wait lang! Sorry!"

Binilisan ko ang pagbaba pero naabutan niya pa rin ako. Inakbayan niya ako pero agad kong inalis ang braso niya sa balikat ko. Inunahan ko ulit siya at tumakbo pababa.

"Dahan-dahan, baka mahulog ka."

Nakarating ako sa baba at tumigil para habulin ang hininga ko. Lumingon ako at nakarating na rin siya rito sa baba.

"Sige, libre mo na lang pala ako."

Ngumiti siya nang malapad, "Yes!"

Naglakad na ako at hindi siya hinintay. Pero naabutan niya ako at inakbayan akong muli.

"Ano ba!" Inalis ko ang braso niya mula sa balikat ko.

"Sorry."

~~~

Shawn @yangyangliu

with @yellow_jun <333

[ 15:01 • 04 Nov 22 ]

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

[ 15:01 • 04 Nov 22 ]

nana 🐰 @minnietokki: HALA CHURROS!! PAHINGEEE 😭

Jeno @bentetres_ljn: Gago nag-date kayo?

~

renjun. @yellow_jun

it's not a date.

[ 15:38 • 04 Oct 22 ]

-

𝗦𝗨𝗚𝗔𝗥 𝗕𝗔𝗕𝗬 (18+) ❣ 𝘳𝘦𝘯𝘩𝘺𝘶𝘤𝘬.Where stories live. Discover now