Chapter 130

63 2 0
                                    

"Mini pancakes for my lovely boyfriend." Naglapag si Donghyuck hyung ng plato ng mini pancakes, na may nakalagay nang dalawang tinidor, at maliit na mangkok na may lamang maple syrup sa center table at umupo sa tabi ko.

Napanganga ako habang nakatingin doon sa pancakes. "Hala! Ang cute!" Tumawa ako at humarap sa kanya. "Thanks, hyung!"

"Sure. What beverage do you want?"

"Mhm, tubig na lang, hyung."

Tumango siya, "Right away, my baby." Tumayo siya at naglakad ulit papuntang kusina. Ngumiti ako bago kumuha ng tinidor at tumusok ng isang pancake saka ito sinawsaw sa maple syrup.

Pagkatapos kong sumubo ng isang pancake ay kinuha ko ang remote ng TV para mag-scroll sa Netflix.

Bumalik si Donghyuck hyung na may dalawang isang pitsel ng tubig at dalawang baso pero hindi pa rin ako nakakapili ng panonoorin.

Bumuntong-hininga ako. Napansin niya ito habang inilalapag ang pitsel at baso sa lamesa. "What's the matter?"

Ngumuso ako, "Hindi ko alam kung anong panonoorin."

Bahagya siyang tumawa dahil sa sagot ko. Tinignan ko siya habang nakanguso pa rin. "Mag-rewatch na lang tayo."

"Okay, pero ano?"

Kinuha niya ang remote at pinindot ang 'My List' sa account niya. "Anong gusto mo d'yan?"

"Hindi ko alam."

"Do you wanna watch 2gether the series again?"

"No."

"Mhm, how about Ghost Doctor?"

"Huwag series. Movie lang muna."

Tumango siya. "Studio Ghibli?"

Ngumiti ako at tumayo. "Sige, sige. Panoorin natin 'yung Howl's Moving Castle, paborito ni Chenle 'yon."

"Okay, Studio Ghibli is it, then." Pinanood ko siyang pindutin at i-play ang nasabing palabas habang kumukuha ako ng pancake.

Habang nanonood at kumakain, napansin kong bumababa ng hagdan si Brittany. Naglakad siya papunta sa 'min at kumuha ng isang pancake nang hindi nagpapaalam. "Penge, ha."

"Nakakuha ka na, e." Tumawa lang siya at umupo sa kabilang sofa.

"Sweet niyo naman." Sinamaan ko lang siya ng tingin at tumawa naman siya.

Nakaakbay sa 'kin si Donghyuck hyung habang nakahiga ang ulo ko sa braso niya.

×××

Brie ☁️ @brittany_lee

hays, sweet ng parents ko, nagsusubuan pa ng mini pancakes 😔 when kaya me lord pls ☹️

[ 16:02 • 03 Dec 22 ]

~

Jeno @bentetres_ljn

Imbes na mag-review, natulog na lang. Pasalamat ka cute ka.

[ 16:12 • 03 Dec 22 ]

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

[ 16:12 • 03 Dec 22 ]

~

chenle @simp4howl

buti na lang tapos na exam namin hihi :>

[ 16:13 • 03 Dec 22 ]

Jeno @bentetres_ljn: Ah, ganon?

chenle @simp4howl: joke lang hyung hehe ✌️ goodluck sa exam niyooo!!

~

jisung @park_andyyy

Sarap matulog.

[ 16:20 • 03 Dec 22 ]

chenle @simp4howl: feel at home yern?

-

A/N

next na po ang epilogue :(( salamat sa pagbabasa ng bulok na librong 'to hehe

𝗦𝗨𝗚𝗔𝗥 𝗕𝗔𝗕𝗬 (18+) ❣ 𝘳𝘦𝘯𝘩𝘺𝘶𝘤𝘬.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon