Chapter 100

51 5 0
                                    

Pagpasok ko sa mansion, bumungad sa 'kin si Brittany na nanonood sa Netflix mula sa Android TV nila.

"Nasaan si Donghyuck hyung?" tanong ko habang nagtatanggal ng sapatos.

Lumingon siya sa 'kin at nagkibit-balikat, "'Di pa po nakakauwi. Nakakain ka na po, Kuya?"

"Hindi pa." Nilagay ko ang sapatos ko sa shoe rack.

"Tara, kain na po tayo."  Tumayo siya mula sa couch.

"Sige, sunod ako. Magbibihis lang ako."

Tumango siya at ni-pause ang pinapanood niya. "Okay po. Bilisan mo, ha."

Umakyat ako sa kwarto ko at nilapag sa tabi ng kama ang bag ko. Pagkatapos ay ni-lock ko ang pinto at naghanap ng maisusuot sa cabinet. Nang makahanap ay agad akong nagpalit ng damit.

Bumaba na ako sa dining table at doon ay nakaupo na si Brittany. Umupo ako sa tapat niya habang siya naman ay kumukuha na ng kanin.

"Kuya." Kumukuha na siya ngayon ng ulam na sinigang na baboy.

"Huh?" sagot ko at kumuha na ng kanin.

"Ano nga ulit course mo?"

"Architecture. Ikaw ba, anong gusto mong course sa College?"

"Biology po."

"Wow, that's nice. Anong major balak mo?"

"Hindi ko pa po alam."

"Okay lang 'yan. Grade 11 ka pa lang naman, e. Take your time!"

"Thanks, Kuya Renjun."

Tumango ako at nginitian siya bago kami magsimulang kumain.

×××

Habang ginagawa ko ang plate ko sa aking study table ay biglang may kumatok sa pinto. Kasunod ang pagbukas nito at hindi ko na kailangang lumingon para malaman kung sinong pumasok sa kwarto.

"Baby!" Randam kong papalapit siya habang sa makarating siya sa likuran ko. "Hey, what's that?" tanong niya pagkatapos halikan ang pisngi ko.

"Homework."

"Amazing!"

Tumawa ako nang bahagya at inilapag ang lapis ko sa ibabaw ng sketchbook. Umikot ako para humarap sa kaniya. "How are you, Hyung?"

"I'm good, baby. How about you?"

"Pagod."

Ngumuso siya at ginulo ang buhok ko. Sinamaan ko siya ng tingin habang inaayos ang buhok ko. "Bukas na ulit 'yan. Kailan ba deadline n'yan?"

"Sa Friday."

"Oh, Wednesday pa lang ngayon."

"Eh, tatapusin ko na ngayon para wala akong isipin bukas."

Ngumiti siya at tumango, "Fine, if you say so. I'll go to my room now. Huwag kang masyadong magpuyat, 'kay?"

"Opo."

Hinalikan niya akong muli sa pisngi bago kumaway at umalis ng kwarto ko. Ngumiti ako at bumuntong-hininga. Umikot akong muli at kinuha ang lapis para ipagpatuloy ang dino-drawing ko.
-

A/N

yey! 100th chapter <333

also, hi! i came back from my grave just to update HAHAHAHA chz. kumusta?

𝗦𝗨𝗚𝗔𝗥 𝗕𝗔𝗕𝗬 (18+) ❣ 𝘳𝘦𝘯𝘩𝘺𝘶𝘤𝘬.Where stories live. Discover now