Chapter 84

68 4 0
                                    

KABADINGAN OPEN DAILY

15:40

sugar baby :
jaeminnn !! sayo na lang churros ko, sakit sa ngipin huhu antamis

@Jaemin Na

adik sa kape :
yayyy

mamayang uwian ko na kunin

sugar baby :
okie

Gusto ko na mag shift pls :
Renjun, saan niyo binili yun?

sugar baby :
sa coffee shop jan malapit sa school

Gusto ko na mag shift pls :
Di ko pa talaga napupuntahan yun, ang mamahal kasi ng kape dun

Tara babe @Jaemin doon tayo next date

adik sa kape :
sigiii

wait lang ha, may klase kasi aq rn HAHAHAHA

Gusto ko na mag shift pls :
Okie

sugar baby :
brb na rin, magre-ready ako for the next class

see u later

Gusto ko na mag shift pls :
May klase na rin ako mamaya

See you, guys

18:18

adik sa kape :
saan ka na teh? @Renjun

dito na kami sa exit

sugar baby :
WAIT

PABABA NA

adik sa kape :
bilisan mo, mag-ala The Flash ka na HAHAHSHSHAHA

sugar baby :
Gaga HAHAHAHA

eto na talaga bababa na

~~~

"Hoy, nililigawan ka ba ni Yangyang?"

Nagulat ako sa tanong sa Jaemin habang naglalakad kami papunta sa terminal ng jeep.

Nagkibit-balikat ako, "Probably."

"Ah. Kaya ka nilibre?" tanong naman ni Jeno.

"Hindi ko alam. Sinabi ko na sa kaniya na 'wag na manligaw."

"Mhm. Maybe you should talk to him about it, you know."

Lumingon ako kay Jaemin at tumango. "Bukas."

Habang naglalakad kami ay may bumusinang kotse malapit sa 'min. Napatigil kami at lumingon sa kung nasaan 'yon.

Kotse ni Donghyuck hyung.

Ibinaba niya ang bintana niya at tinawag ako. "Renjun-ah!"

"Hyung!"

"Sakay na! We're going out."

"Huh? Nakabalik ka na pala sa sugar daddy mo?" gulat na tanong ni Jaemin.

"Hehe." Nag-peace sign ako. Hindi ko pa nga pala nasasabi sa kanilang dalawa, si Chenle lang ang nakakaalam. "See you tomorrow!"

Ngumuso si Jaemin at tumango. "See you!"

Naglakad ako papunta sa kotse at agad na sumakay. "Saan tayo pupunta?" Nagsuot ako ng seatbelt.

"Mall. I'm buying you some new clothes."

Nanlaki ang mga mata ko, "Really? Yey!" Ngumiti ako nang malapad. "Pero kain muna tayo, please."

Tumingin siya sa 'kin nang matalim. Napalunok ako. "By the way, Renjun. Is that Shawn guy courting you?"

"Huh?"

"You heard me."

"I don't know."

"Why did you go on a date with him?"

"It's not a date. Inaya niya lang akong kumain since vacant niya kanina."

"Sina Jeno at Jaemin, vacant din ba nila that time?"

"Uhm, si Jeno lang. May klase si Jaemin."

"So, then, bakit hindi niya rin inaya si Jeno? Hmm?" He raises an eyebrow. Oh no, he looks hot.

"I don't know, hyung. Please, stop scolding me." Gusto ko nang umiyak.

He chuckles, "I'm not scolding you, honey. I was just asking."

"Nagselos ka?"

"Well, I did. Because why would you go out with someone else when you already have a boyfriend?"

"Hyung." Ngumuso ako. "Hindi ko alam kung nanliligaw siya. Sinabi ko na sa kaniya na 'wag. Sinabi ko na sa kaniya na friendship lang ang mabibigay ko sa kaniya."

Hinawakan niya ang kamay ko, "Hey, I got it. I'm sorry that I look like I'm scolding you. I'm not mad, 'kay?"

"I promise, Yangyang's just a friend."

Tumango-tango siya, "Yes, I know."

"Ikaw lang ang gusto ko, Haechan. Wala akong pakialam kung gaano pa kalaki ang age gap natin. I like you so much, hyung."

Ngumiti siya, "You called me Haechan again."

"Oh, I'm sorry—"

"It's okay. I like it when you call me by my nickname. Of course, you can call me Haechan, I already told you that when we first met, right?"

Tumango ako, "Right." Ngumiti ako pabalik. "Tara na, hyung! Nagugutom na ako."

"Okay, okay, let's go."
-

𝗦𝗨𝗚𝗔𝗥 𝗕𝗔𝗕𝗬 (18+) ❣ 𝘳𝘦𝘯𝘩𝘺𝘶𝘤𝘬.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon