Chapter 81

84 4 2
                                    

KABADINGAN OPEN DAILY

Friday, Nov 4

11:59

adik sa kape :
pahintay ako saglit, nag-extend si prof grrr

pumasok na ba si Renjun?

@Renjun @Jeno

Gusto ko na mag shift pls :
Yup, dito na kami sa canteen

Kasama namin si Shawn

Bilisan mo!! @Jaemin

adik sa kape :
WAIIITTTT

sugar baby :
tagal naman HAHAHAHA

12:27

adik sa kape :
papunta na akooo shutabels

sugar baby :
tangina mo tapos na kami kumain

adik sa kape :
luh daya eh

~~~

"Oh, nand'yan na si Jaemin."

Hinihingal na umupo si Jaemin sa tabi ng boyfriend niya. Tumawa ako nang samaan niya ako ng tingin.

"Kain na tayo, babe, binilhan na kita ng lunch." sabi ni Jeno at nilapag ang biniling lunch sa harapan ni Jaemin.

"Hala! Thank you, babe. Hindi ka pa kumakain?"

"Hindi, hinintay kita, e. Sina Shawn at Renjun, tapos na."

"OMG! I love you, Jeno!" Niyakap saglit ni Jaemin si Jeno saka ito hinalikan sa pisngi. "Okay, tara na, kain na tayo."

Pinanood ko sila at ngumiti ako. Kung iisip, nagkakilala sila noong Highschool tapos nagkatagpo ulit pagdating ng College sa iisang school. They're meant for each other.

Is Haechan meant for me? Or darating 'yung araw na maghihiwalay rin kami kagaya sa kanila ng first boyfriend niya? Iniisip ko pa lang, nalulungkot na ako.

Desperado lang ba ako? Hindi pa ba siya 'yung nakatadhana sa 'kin? Panandalian lang ba 'tong relasyon namin? Unang boyfriend ko siya at kung maghihiwalay kami, baka hindi na ako pumasok muli sa isa pang relasyon.

"Renjun?"

Nabalik ako sa ulirat nang kalabitin ako ni Yangyang sa braso. "Huh?"

"Okay ka lang ba? Parang ang lalim ng iniisip mo."

"Uhm, okay lang ako."

"Nandito lang ako—kami kung may problema ka. Pwede kang magsabi sa 'min."

Tumango lang ako.
~

jwin. 🔒 @foxscavern

i am too young for him. napakadesperado mo, renjun.

[ 13:12 • 04 Nov 22 ]

-

𝗦𝗨𝗚𝗔𝗥 𝗕𝗔𝗕𝗬 (18+) ❣ 𝘳𝘦𝘯𝘩𝘺𝘶𝘤𝘬.Where stories live. Discover now