Chapter 73

75 5 0
                                    

"Ma!"

Pagkapasok namin ay nadatnan namin si Papa na nanonood ng TV.

"Oh. Pa, nasaan po si Mama?"

"Magandang hapon po!"

"Kusina." Tumingin siya saglit kay Donghyuck hyung, "Magandang hapon din sa 'yo."

"Anak, sandali, tapusin ko lang 'to!" Narinig ko ang boses ni Mama mula sa kusina.

"Tara, upo muna tayo sa sofa." Tumango si Donghyuck hyung at umupo kami sa kabilang gilid ng sofa na inuupuan ni Papa.

"Sino 'to? Hindi siya 'yung lalaking kasama mo noong nakaraan, 'di ba?"

"Uhm,"

Lumingon sa 'kin si Donghyuck hyung at tinignan ako nang nagtataka. "Who was it?"

"Tama po kayo, hindi po siya 'yon. This is Donghyuck, my other friend."

"Hey, sino 'yon?"

"Shawn. Yangyang. 'Yung sinabi ko sa 'yong nireto sa 'kin si Jeno."

"Ah, okay."

"You know, sabi niya pamilyar ka sa kaniya. Aksidente niya kasing nakita 'yung wallpaper ko dati na picture mo."

"Really? Ano kamong full name niya?"

"Liu Yangyang."

"Liu? Hmm, that sounds familiar. Maybe one of our employee."

"Oh. Baka anak siya ng isa sa mga employee niyo."

"Right." Bigla niyang kinunot ang noo niya, "Wait, sabi mo 'dati'? So, hindi mo na 'ko wallpaper?"

Tumawa ako nang bahagya. "Is that much of a big deal?" nakangisi kong tanong.

"Nope. Just asking."

Ngumuso ako. I wanted him to say yes.

Napansin naming tumayo si Papa mula sa kinauupuan niya. "Tawagin niyo na lang ako kapag dinner na."

Tumango ako, "Okay."

Pagkaakyat niya sa hagdan ay sumunod namang lumabas ng kusina si Mama.

"Anak!" Umupo siya sa isang sofa. Tinignan niya saglit si Donghyuck hyung. "Oh. This must be... Lee Donghyuck, right?"

Ngumiti si Donghyuck hyung at tumango. "Good afternoon po! Nice to meet you."

"Thank you for taking care of my son."

"It's nothing po."

"So, paki-explain sa 'kin kung anong ginagawa niyo bilang sugar daddy at sugar baby."

What the fuck. "Ma!"

"Bakit?"

Lumingon ako kay Donghyuck hyung. Napansin kong namumula 'yung tainga niya. "Uhm, as a sugar daddy, I provide him anything he wants and needs when he couldn't afford them. While he, as a sugar baby, serves as my emotional support. But I can be his emotional support as well.""

Bumuntong-hininga ako.

"Hindi kayo gumagawa ng kahit anong sexual na activity, tama?"

Kinagat ko nang bahagya ang gilid ng labi ko nang makita siyang lumunok. "Tama po."

"Okay. Natutuwa ako na maganda ang dulot niyo sa isa't isa."

Tumingin ako kay Mama at inisip kung paano ko ba sasabihin sa kaniya na gusto kong bumalik kay Donghyuck hyung.

"Ma,"

"Yes, 'nak?"

Lumunok ako. "Naalala niyo po 'yung napag-usapan natin noong nakaraang araw lang?"

Biglang lumungkot ang kaniyang mukha. Gusto kong umiyak. "Oo naman, Renjun. Okay lang. Magiging okay ako."

"Please, ipangako niyo pong magiging okay po talaga kayo."

"Wala naman akong magagawa kung 'yon ang gusto mo. At isa pa, alam kong nasa tamang edad ka na para magdesisyon nang sarili mo. Nirerespeto ko kung anong gusto mo. Basta, anak, nandito lang ako palagi."

Bumuntong-hininga akong muli at lumunok para pigilan ang mga luhang nagbabadyang tumulo. "Salamat po, Mama!"

"Wala 'yon. It's okay."

Lumingon ako kay Donghyuck hyung at nakitang nakatingin na pala siya sa 'kin. Ngumiti ako. "Guess you don't have to wait for two days."

Ngumiti siya pabalik. "Sasama ka na sa 'kin mamaya?"

"Mhm." Nilabas ko ang dalawanlibo mula sa bulsa at lumingon kay Mama. "Nga po pala, pinapabigay ni Donghyuck hyung. Gamitin niyo po sa pang-araw-araw."

"Hala!"

"Tanggapin niyo po, please. It's the least that I can do to help you."

Dahan-dahan niya itong kinuha. "Salamat! Sakto na siguro 'to sa isang linggo. Salamat talaga, Donghyuck."

"Walang anuman po."

"Renjun,"

"Huh?"

"Mas gusto ko siya kaysa kay Yangyang."

Tumawa ako.

"By the way, nanliligaw ba sa 'yo 'yon?"

"Hindi."

"Oh siya, tara't kumain muna bago kayo umalis."

"Sige po. Tawagin ko lang si Papa sa taas."

Tumayo kami mula sa sofa at naglakad ako papunta sa hagdan habang sila ay sa hapagkainan.
-

𝗦𝗨𝗚𝗔𝗥 𝗕𝗔𝗕𝗬 (18+) ❣ 𝘳𝘦𝘯𝘩𝘺𝘶𝘤𝘬.Where stories live. Discover now