Chapter 61

71 6 0
                                    

"May sugar daddy ka na, may nanliligaw pa sa 'yo?" gulat na tanong ni Mama pagkatapos kong ikwento sa kaniya 'yung time na ni-setup kami nina Jeno at Jaemin sa canteen atsaka 'yung tungkol sa date namin ni Yangyang bukas.

"Hindi siya exactly nanliligaw pero siguro nga nanliligaw siya."

"Oh dali na, patingin ng picture ng sugar daddy mo atsaka 'yung manliligaw mo."

Nang maipakita ko sa kaniya 'yung mga picture mula sa phone ko ay tumawa siya. Kinunot ko ang noo ko.

"Ano pong nakakatawa?"

Umiling siya. "Wala naman. Naisip ko lang, anak, simula noong umamin kang gay ka, mas gusto ko pang makilala lalo ang aking anak na bakla. Lahat ng saloobin mo, pwede mong sabihin sa 'kin."

Ngumiti ako. Ang weird lang, in a positive way, kahit close na kami ni Mama, pakiramdam ko mas naging close pa kami simula noong nalaman kong tanggap niya ako. Kasi sa wakas, malaya na ako.

Ngayon ko lang napagtanto na ang swerte ko pala.

"Ano ngang pangalan ng sugar daddy mo?"

I pause for a bit. "Lee Donghyuck."

"At 'yung manliligaw mo?"

"Liu Yangyang."

"Kung sino man sa kanila ang piliin mo, sana ay piliin mo kung kanino ka talaga masaya. Kung sino talaga 'yung gusto mo."

"May tanong po ako." Tumango lang siya. "Kung babalik po ako sa bahay ni Donghyuck hyung, okay lang po ba sa inyo?"

"Okay lang sa akin."

"Para po hindi na kayo mahirapang magpaaral sa 'kin."

"Oo, anak, okay lang. Magiging okay ako."

Shit. Sinabi rin 'yan ni Donghyuck hyung. Magiging okay raw siya kahit bumalik na ako rito sa 'min. Pero ang totoo, hinding-hindi siya magiging okay nang wala ako roon.

"Ma, what if sumama ka na lang po sa 'kin?"

Tumawa siya nang bahagya, "Okay lang ako, Renjun. Kung ang desisyon mo ay tumira sa bahay niya, hindi kita pipigilan."

"Thank you po." Niyakap ko siya.

×××

Shawn Liu
active now

22:36

Shawn :
Hello, Renjun! See you tomorrow!

10AM, okay?

Renjun :
Hi. See you, too.

Shawn :
Sleep well ❤️

seen

~

HC
@lee_donghyuck

renjun-ah.

if you're going to come back, you're always welcome in my mansion.

besides, I'm still your sugar daddy, right?

i miss you.

I miss you, too, so much.
-

𝗦𝗨𝗚𝗔𝗥 𝗕𝗔𝗕𝗬 (18+) ❣ 𝘳𝘦𝘯𝘩𝘺𝘶𝘤𝘬.Kde žijí příběhy. Začni objevovat