01

1K 63 11
                                    

DISCLAIMER:
This is a work of fiction. Any resemblance of the character's names of someone you know are purely coincidental.
This story is unedited, so if there's any errors in spelling/grammar, i deeply apologize.

________________________
CHAPTER 1

"Eto oh, gift," Jane handed me a box.

"Para san 'toh?" I asked confusingly.

"Syempre kasi diba mag mo-move out kana mamaya. Omggg! I'm so happy for you! Bibisitahin talaga kita palagi." She said excitedly. May pa palakpak pa'ng nalalaman ang loka.

Mas excited pa ata siya kaysa sa'kin, excited din naman ako. After how many years ay makakapag move-out na'ko and be independent. Na a-awa na kasi ako kay mama palagi nalang akong nag re-rely sa kanya.

"May roommate ka bang kasama, Alexis?" Jane asked.

"Oo meron daw, babae naman daw 'yung roommate ko kaya okay lang sa'kin." I answered.

Masyadong mahal kasi yung room na walang roommate eh, hindi ko afford. But I don't mind, as long as babae.

"Ahh goods 'yan, para na din hindi ka mabo-bored 'noh. Ang boring kaya kung mag-isa ka lang sa apartment."


Jane had also decided to live independently 2 years ago, may dalawang roommate daw siya at medyo malayo 'yung apartment niya sa school namin. I just got lucky at may nakita pa'kong available room sa apartment na hindi masyadong malayo sa school namin.

"Mr. Cassandro, congrats, you got a perfect score again on our last quiz." Our adviser handed the paper to him.

"Congrats, Vince!"

"Wow! Congrats on getting a perfect score again."

Bati ng mga classmates namin sakanya.

"Perfect nanaman siya, sanaol." Jane whispered.

Vincent Elijah Cassandro.
Top student ng school namin, I can't deny that he's got insane visuals as well. Girls would go crazy over him. But come on, he's not all that. Aanhin mo yung looks at talino mo kung basura naman 'yung ugali.

"Thank you, ma'am." Vince said upon receiving his paper and went back to his seat.

After that, the bell rang, school just ended.

"Mauna na ako Jane, ah. Mag a-arange pa ako sa room ko sa apartment." I said and hurriedly arrange my books and held it with both hands since my bag is full already dahil sa projects.

"Sige go, gusto mo ba bisitahin kita? Tutulunga kita sa pag u-unpack." Jane offered help but I politely declined. I can do this all by myself, hindi naman ganun kadami i u-unpack ko.

Nasa labas na ako ng school at napag desisyonan ko na maglakad patungo sa apartment na titirahan ko, okay na'to para exercise- I can save money at the same time.

"Ay hala 'yung phone ko! Wait baka nasa bag ko lang." I then checked my bag looking for my phone while walking.

My heart jumped out when I bumped into someone dahilan ng pagkahulog ng mga libro ko sa sahig.

Bwiset! Sino ba 'tong bumangga sa'kin!

"Can you watch where you're going?" A low, baritone-voice greeted my ear from behind.

I turned around to look who it is.

Bwesit, siya nanaman. Why do I always get in trouble with this guy? I remember last week nahulog project ko at nasira dahil nabangga niya ako. And I also remember when I spilled my coffee all over him dahil nabangga ko siya, Sinasadya niya ba 'to?

"Ikaw nanaman?!" We both said at eachother, at the same time.

"Bulag ka ba? This isn't the first time that this has happened, paulit-ulit nalang!" Inis na sabi niya, his brows met and his eyes were piercing into me.

"First of all, hindi ko naman ginusto na makabangga ka. Secondly, hindi ka pa nga nakapag sorry sa'kin nung hinulog mo project ko ah!" I raised my voice at him, syempre hindi ako magpa-pasindak.

"You didn't even said sorry when you spilled your coffee all over me, tumakbo ka lang pa-alis and acted like nothing happened!" He raised his voice back, I can hear the anger in his voice.

Emergency kasi 'yun eh, kailangan ko pang ipasa project ko dahil hindi na tatanggapin ni Ms. Echavez if submitted late. Kaya tumakbo na ako kaagad and I left him behind. Hays, bonak ka din, Alexis.

"Oh, edi sorry! Hindi ko naman sinadya 'yun, eh!"
I sounded insincere pero bahala na, hindi niya naman deserve yung 'sorry' ko.

Nag iinit na ang ulo niya habang nakatingin sa'kin. Ang mga mata niya...parang pinapatay na ako sa imahinasyon niya. Agad din naman siyang nag iwas ng tingin at naglakad una. Iniwan niya lang ako at ang mga libro ko dito sa sidewalk.

"bwiset," Inis na bulong ko sa sarili. Nagdadabog akong kinuha ang mga libro ko sa sahig habang kinausap ang sarili. "ang pangit ng ugali, grabe!"

Habang padabog na kinukuha ko ang mga libro ko sa sahig, may anino ng isang tao ang lumapit sa'kin. I looked up habang naka tirik ang mata, ang init kasi ng araw.

Nagulat nalang ako nang nakita ko si Vince na nakatayo sa harapan ko. Ba't siya bumalik? Baka naguilty?

Gamit ang isa niyang tuhod, lumuhod siya at tinulungan akong kunin ang libro ko. Napatulala nalang akong nakatingin sa kaniya. Tinutulungan niya ba talaga ako ngayon? Aba't himala?!

"I dropped my book," Sabi niya niya't hinarap sa'kin ang libro na kinuha niya sa sahig.

Napunta ang atensyon ko sa libro na hinahawakan niya. Oo nga, hindi sa'kin ang libro na 'yan.

"Bumalik lang ako para kunin 'toh, if you think I'm helping you, think again." Tumayo na siya at tumalikod, naglakad agad siya palayo.

Aba!

"H-Hoy!" Tumayo ako at sinagawan siya. Patuloy lang siya sa paglalakad at hindi manlang ako binigyan ng pansin. Bastos talaga!

Unexpected roommate[EDITING]Where stories live. Discover now