09

581 50 23
                                    


"Alexis, wake up! Malalate na tayo anong oras na!"

Nagising ako sa sigaw ni Vince. At kinuha ko kaagad yung phone ko na nasa gilid ko lang para tignan yung oras.
8:04 am?! Oh no, Late na kami!

"Omg! Omg! Omg! Bat hindi mo'ko ginising, Vince!?" Tumayo na ako at agad na nagligpit ng aking bag, wala na'kong time maligo.

"I just woke up recently, nakalimutan ko mag set ng alarm kagabi."
Nag-papanic nadin siya at iniligpit na yung blankets at unan.

"Wag mo nayang ligpitin! Ang mga staff na bahala dyan, dali na umalis na tayo!" Sigaw ko sakanya at daling-daling lumabas ng room.

"Wait, i'll call the landlord first and ask for spare keys." Lumabas nadin siya ng room at agad tinawagab ang landlord.

"Hello po, goodmorning, may i ask if may spare keys kapo ba sa room 200? I am very sorry to bother you..." His voice was very soft and gentle, regardless the panic that he was feeling.

I can't help but smile of how respectful he is. Hindi niya man lang sinigawan yung landlord, he even apologized for calling early in the morning. Ang bait din pala.

"Good news. Meron daw." He said upon ending the call and slid his phone in his pocket.

"Yes! Mabuti naman! Tayo na bilis!" Sabi ko sa kanya at agad na tumakbo sa elevator. Sumunod naman siya sa'kin.

***

Finally! Nakarating na kami sa gate ng school. Sabay kaming pumunta patungo school. Naglakad lang kami since hindi naman ganun kalayo yung school at apartment namin. Lunch na pala since it's 12:15 pm na. Hays pano koto i-explain kay Jane? For sure magtatanong yun.

Sinabihan ko si Vince na ako mauna pumasok para hindi mahalata nila na magkasama kami pumasok. Baka makita pa ako ng mga die-hard-fans niya na magkasama kami ta's bigla akong sabunutan, omg! Wag! Ayokong masabunutan.

Pumasok na ako at si Vince naman ay nasa labas pa ng gate. I was confused kung bakit tinitignan ako ng mga students sa hallway. Patuloy pa rin ako sa paglalakad, maya-maya ay nagbulungan na sila habang tumitingin sakin. What's wrong? Anong meron? May dumi ba sa mukha ko?

Nakarating na din ako sa classroom ko. Pag pasok ko ay wala masyadong students since nasa Cafeteria silang lahat dahil lunch time na. But i saw a few of them fixing their gaze upon me. Tuluyan na akong pumasok sa room at nakita ko si Jane kaya't i quickly went to her.

"Beh, may dumi ba sa mukha ko? Pinag titinginan kasi ako ng mga tao eh." Sabi ko kay Jane.

"Huy girl! Ano 'tong post na nakita ko??" Jane asked confusingly. Gulat na gulat pa ang pagmumukha neto.

"Huh? Anong post ba, beh?" Tanong ko sakanya habang naka baba ang dalawa kong kilay.

"Look, tignan mo." She placed her phone infront of my face.

Agad kong kinuha yung phone niya at tinignan ng maayos yung post na tinutukoy niya.

Omg! This can't be happening! Agad na nanlaki yung mga mata ko sa nakita ko, bigla akong kinabahan sa kung anong mangyare next.
May nag picture kasi sa'kin kasama si Vince nung nag check-in kami sa hotel. May caption pang nakalagay.

Look who it is! For sure the girl threatened Vince to sleep with her. Vince isn't the type of person who'd sleep with anyone, specially at sa hotel pa! This girl is so malandi talaga. Isn't this girl Alexis Cruz?

Unexpected roommate[EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon