11

535 58 18
                                    

KINABUKASAN, ay naunang umalis si Jane upang papasok ng school. Kaya ako, si Nathan at Vince nalang ang naiwan dito sa apartment.

"Lex, sabay tayo papunta school!" There was excitement in Nathan's eyes.

"Sige sure-"

"No, mauna kana don, she'll stay here muna. I have something to tell her." Agad na pagputol ni Vince.

Agad namang nalungkot si Nathan sa sinabi ni Vince.

"Bakit? Ano ba pag-uusapan niyo?" Tanong ni Nathan kay Vince.

"Oo nga, ano nga ba ang pag-uusapan natin, Vince?"

Curious na tuloy ako. Importante ba'tong pag-uusapan namin?

"Basta." Tipid niyang sagot, inaayos niya ang kaniyang uniform habang nakatingin sa salamin.

Sinenyanas ko na si Nathan na mauna nang umalis, at agad naman siyang umalis. Sinabihan ko nalang siya na susunod ako sa kanya pagkatapos namin mag-usap ni Vince.

Kinakabahan tuloy ako ngayun. Ano ba kasing sasabihin niya? Tungkol 'san ba 'toh?

"Vince, ano nga pala yung sasabihin mo?" Curious kong tanong habang hinahawakan ko ang aking mga daliri dahil sa kaba.

"Wala." Sabi niya habang kinuha na yung bag niya at papunta na sa door ng apartment.

"Huy, anong wala? Sabi mo-" Napakunat ang aking noo.

"Let's go, sabay na tayong pumunta ng school."

Ha? What's with this guy? Nalilito na talaga ako kay Vince. Minsan nagiging cold, minsan naman ay sweet. Hays, ewan ko nalang talaga sa lokong 'toh.

Inopen na niya yung door ng apartment at sinenyasan niya ako na ako unang lumabas.

"Labas," Walang ekspresiyon niyang utos habang binuksan ang pintuan.

"Anyare sayo? May nakain ka ba?"

His brows furrowed. Agad din siyang lumakad paalis at iniwan ako. Oh, bakit? May nasabi ba'kong mali? Nakakapagtataka lang kasi yung trato niya sakin lately eh.

"Huy, teka lang! Antayin mo'ko! Hoy, Vince!" Tawag ko sa kanya at agad naman siyang hinabol, ang bilis naman maglakad netong kupal na 'toh.

***

"Magpapa simple party ako mamaya sa house ko, who wants to come?!" Sigaw ni Yumi sa classroom namin at agad namang nag sitaas-kamay ang mga classmates namin. Most of them were boys, mukhang excited na excited pa nga eh.

"Yumi, pwede ba kaming sumama ng tropa ko?" Sabi nung isang lalaki at agad din namang nagmamakaawa ang kaniyang mga kasama. Classmates ko din sila.

"Yes sure, everyone can come!" Masayahing sabi ni Yumi.

Sasama din daw si Jane, pero hindi ako sure kung sasama ako. Nandodoon kasi lahat ng classmates ko, and for sure yung iba galit pa din sa'kin about nung post na nilalandi ko daw si Vince. Vince told me that he would clear things up at iexplain niya daw sa lahat na hindi ko siya nilandi at mas lalong hindi ko siya pinilit to sleep with me, pero sinabihan ko siya na hayaan na. Ano ba kasing sabihin niya sa lahat? Na roommates kami at naiwan susi namin sa apartment kaya't nag hotel nalang kami? Mas lalong maiinis ang mga die-hard-fans niya sa'kin at baka mapatay pa'ko pag sinabi niya yun. Mga inggitera kasi.

Nakaupo lang ako at katabi ko ang seatmate ko na si Yumi na panay invite ng mga kaklase para pumunta sila sa party niya. Ang laki pa ng ngiti niya, halatang excited din siya.

Unexpected roommate[EDITING]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt