20

480 32 10
                                    

Alexis' pov:

Pumasok na ako sa loob ng kwarto namin. Naalala ko nanaman yung nakita ko kanina.

Nakasimangot akong umupo sa kama namin ni Jane, lumingon ako kay Jane na naka nga-nang natulog.

"Punyetang babae toh, tignan mo may laway pa sa gilid ng bunganga," Mahinang bulong ko sa sarili habang pinagmasdan ang pagmu-mukha ni Jane.

"Jusqu beh, bat ganyan ka matutulog? Pano nalang kaya pag nakita ka ni Nathan-"

Napatigil ako sa pagsasalita nang naalala ko ang sinabi ni Nathan kanina. Ngayun malinaw na sakin na gusto ako ni Nathan, kaso naawa talaga ako kay Jane. Napabuntong-hininga nalang ako.

"Wag kang mag alala beh, hahanapan kita ng pogi." I smiled at her while she's still sleeping.

"Talaga?"

My heart skipped a beat when she suddenly opened her right eye.

"Gaga beh! Kailan kapa gising?" I gasped while holding my chest with my right hand, kasi parang sumabog yung puso ko dahil sa gulat.

"Kanina pa beh!" Tumawa siya at agad na umupo sa pagkakahiga niya at humarap sakin. "Uy basta sabi mo ah, hanapan moko ng pogi.." She playfully raised her brows, up and down habang nakangiti.

"Gaga ka talaga beh, sige na nga!" I rolled my eyes at her then we laughed.

"Uy ano ba ang ingay, Natutulog yung tao eh!"

Napatigil kami sa pagtawa nang biglang nagising ang isa naming classmate. Omg, nakalimutan kong gabi na pala at natutulog na yung iba.

We covered our mouth to hold our laughter and giggled.

"Jane, may sasabihin ako.." naka-simangot kong sabi sa kaniya. "Doon nalang tayo sa labas mag usap. May cafe daw doon, open sila until 2am." I said.

***

"Ano?! Nakita mong nagkiss sila Yumi and Vince sa isang madilim na sulok?!" Jane gasped, hawak-hawak pa ang bibig niya gamit isang kamay.

I quickly placed my index finger to my lips, sinyales na tumahimik siya.

"Ay sorry, sorry..anyways, baka hindi sila yun beh! Madilim naman pala eh, sure akong ibang tao yung nakita mo." She said while taking few sips of coffee on her cup.

"Sigurado ako beh. Kitang-kita ko." I looked down and sighed.

Hindi gaanong karami ang mga tao dito sa cafe ng resort na toh, since 11 pm na ng gabi. Mga lima lang ata ang mga tao dito.

"Pagsabihan mo na kasi yang Yumi nayan!" Lakas na sigaw niya at hinampas ang table, dahilan nang paglingon ng mga tao sa direction namin.

Nilagay ko ulit ang hintuturo ko sa aking labi at nilaki ang dalawa kong mata, sinyales na tumahimik ulit siya.

Agad niya namang nakuha ang ibig kong sabihin kaya inayos niya ang sarili niya at umupo ng maayos.

"Beh, iconfront mo na kasi si Yumi." Naiinip na sabi niya.

Bumuntong-hininga nanaman ako at nilagay ang dalawa kong kamay sa aking ulo at ginulo ang buhok ko.

"Hindi ako maka timing beh!
Palaging bussy si Yumi." I said.

"Mamaya! Mamaya beh. Oo, mamaya!" Siglang sabi niya at tinuturo-turo niya pa ako gamit ang hintuturo niya.

Unexpected roommate[EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon