25

414 24 4
                                    

It's saturday afternoon, pasimpleng nag scro-scroll lang ako sa facebook nang biglang may tumawag sa cellphone ko.

I rub off my eyes para maklaro kung tama ba ang pagkabasa ko.

"Azilei_Cassandro.." Basa ko sa pangalang tumatawag sa phone ko.

"Ehem, ehem.." I cleared my throat and tested my voice before answering the call.

"Hi po ate," Bati ko kay ate Azi.

Pangalawang tawag palang toh ni ate Azi sa'kin, pangalawang pag-uusap pa din namin. But i think she knows that me and her brother are romantically invloved.

[Hi loves! Dito ka na mag dinner sa bahay. Do you have time?] She invited me, her tone was very bubbly and lively.

She talked to me like she knew me her entire life, i'm not weirded out or anything, nanibago lang. Nagdadalawang isip pa ako sa sasabihin ko. May time naman ako...pero nakakahiyang maki-kain sa kanila.

[Sorry, feeling close ba ako? Excited lang akong maka bond yung girlfriend ng brother ko eh..hehe,] She shyly giggled.

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat, "Ah, hindi pa po kami mag shota ni Vince.." I clarified, sinabayan ko pa ito ng mahinang tawa. Ang awkard!

[Hindi pa?] Nagtatakang tanong niya.

"Opo, hindi ko pa siya sinagot," I awkwardly giggled.

[Oh, he's courting you pa pala? Etong si Vince maka kwento sa'kin about you parang girlfriend kana niya eh..] She laughed.

"Kinuwento niya po ako sayo?" Curious na tanong ko, with a mix of excitement.

[Omg yes! He won't stop talking about you, love. Ikaw nalang ata ang tanging lumalabas sa bunganga ng kapatid ko.]

My mouth slowly rose into a smile, i shut my lips together to stiffen my smile. "Ano po'ng kinukwento niya sa'yo tungkol sa'kin, ate?" Curiosity struck me.

[Kukwento ko sa'yo pag papayag ka dito mag dinner.] She made a deal.

After a few seconds of thinking ay pumayag na ako, "Hmmm...sige po!"

***

I am tapping my fingers on my lap habang nakaupo sa jeep. It's currently 6pm and i'm on my way to ate Azi's house. I was consistently exhaling to calm myself, kinakabahan kasi ako since ito ang first time na pagkikita namin ni ate Azi.

"Para po," Sigaw ko nang nakarating na ako sa lugar na sinabi ni ate Azi. 

Literal na napanganga ako nang nakita ko kung gaano kalaki ang gate sa harapan ko.

"Putang-inang gate yan, mas malaki pa sa buong bahay ko." Mura ko, namangha talaga ako kung gaano kalaki ang gate ng bahay nila ate Azi.

Mabilis kong hinulbot ang cellphone ko at tinawagan si ate Azi para tanungin kung tama ba tong napuntahan ko. "Ate, tama ba tong lugar na sinabi mo?"

[Yes dear, nasa labas ka naba ng gate?] She asked.

"Eh ate...parang mansion naman tong pinuntahan ko eh, sure ka po ba na dito?" Mahina akong tumawa habang taas-babang pinagmasdan ang gate sa harapan ko.

The gate was a see-through, wrought iron; 15ft tall and about 16ft wide. Kita ko sa labas kung gaano kalaki ang mansion sa loob ng gate.

[Yes dear, it is a mansion. Wait, palabas na ako.] She said upon ending the call.

Unexpected roommate[EDITING]Where stories live. Discover now