15

473 48 18
                                    


KINABUKASAN ay mabilis akong pumunta sa Starbucks para makipagkita kay Jane.

Pagdating ko sa Starbucks ay nakita ko si Jane na umupo na sa isang table while waiting for me. Agad din naman akong lumapit sa kaniya.

"Uy beh, nandito kana pala, bilis umupo kana at ichichika ko na sayo. I would never forgive her for this. Nag-iinit na talaga yung dugo ko sa Yumi na yon!" Galit na sabi niya.

Pinaupo na ako ni Jane at nag-aantay na ako sa sasabihin niya. Kinakabahan talaga ako ngayun, hindi kasi ako makapaniwalang si Yumi ang nagpost nun.

"Jane, pano mo nasabi na si Yumi ang nagpost nun? Maybe someone threatened her to post that kahit ayaw niya." I said as i nervously took a sip of my coffee.

"Hindi beh! Rinig na rinig ko!" Mahinang sigaw niya sakin.

Mas lalo akong kinabahan sa sinabi niya. Napatigil ako sa pag-inom ng coffee ko.

"What do you mean?" I confusingly asked.

"Ganto kasi yan beh, nasa CR ako nun sa school tas narinig kong may pumasok na mga babae. At first akala ko dalawa lang sila pero tatlong boses ang naririnig ko kaya't i assumed na tatlong babae ang pumasok. Nagtatago lang ako sa cubicle nun tapos..."

My eyes were fixed upon her. I listened to every word she said. May kwenta din pala tong pagka chismosa niya.

"Tapos, i heard a familiar voice, then i realized it was Yumi's. I'll tell you what she said..."

Kinakabahan ako sa sasabihin ni Jane. But i got curious at the same time, i was curious kung ano kaya ang narinig ni Jane kay Yumi.

"She said..girls, itapun nyo yung pagkain niya ha. And make sure matapunan din yung face niya! Mabuti at napicturan ko sila ni Vince pagpasok ng hotel. That bitch Alexis has to know her place. Here's the money.... Ganiyan yung sinabi ni Yumi beh! Hindi naman exactly ganiyan yung pagkasabi niya since hindi ko maalala yung iba pero parang ganon yung narinig ko."

Nangilabot ako sa narinig ko. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako o hindi, baka kasi iba pala ang nagsabi nun at hindi pala si Yumi. Kaya napag isipan kong i confront si Yumi bukas, since may class kami.

"I'll confirm it first by confronting Yumi tomorrow. Baka hindi siya yung narinig mo beh." I said.

"Sure akong siya yon."

***

Maya-maya ay nagpaalam na si Jane na aalis na daw siya at nagmamadali pa since late na siya sa part-time job niya. Nag-abala pa talaga siyang makipag kita sa'kin kahit alam na niyang malalate siya. She's such a good friend.

Tumayo na siya sa kinauupuan niya at biglang nakita namin si Nathan na pumasok sa Starbucks.

"Uy, Jane si Nathan ba yan?" I asked to make sure, sabay turo ko kay Nathan.

Lumingon din naman si Jane sa entrance at bigla siyang ngumisi. Kinilig ang loka.

"Uy, oh my! Si Nathan myloves nga!" Nilagay pa niya ang dalawa niyang kamay sa magkabila niyang pisnge, parang nag ha-hart-hart na yung mga mata niya the moment she saw Nathan.

Palihim nalang akong tumawa habang nakatingin kay Jane na halatang patay na patay kay Nathan. Hanggang ngayun ay nakatitig parin siya.

Tinawag ko si Nathan at tinaas pa ang isa kong kamay para mas nakita niya pa kami.

"Lexi!" He immediately smiled wide after he saw us.

Unexpected roommate[EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon