14

463 48 7
                                    

Binungad ako ni Nathan ng napakalaking ngiti, kitang kita ang kaniyang malalalim na dimples sa kaniyang pisnge. He looked very happy and excited to see me.

"Lexi! I've missed you!" Nakangiting sabi niya.

"Hello Nathan, ba't ka pala napa punta dito sa apartment?" Tanong ko ni Nathan na nasa labas pa ng pintuan.

"Eto kasing si Vince, eh! Biglang pinatay 'yung telepono kagabi, nag-alala tuloy ako sayo." Halatang naiinis at may halong pag-alala sa pagmumuka ni Nathan.

Ang cute ni Nathan, parang bata lang na nagreklamo kasi hindi binilhan ng laruan. Napatawa ako sa sinabi niya at kinuha na yung dala niyang pizza.

"Wow, may dala pang pizza! Thank you, Nathan!" Sabi ko habang tinitignan yung box ng pizza.

I could literally smell its aroma, kahit hindi ko pa binuksan. Nagugutom tuloy ako.

"Pasok ka na Nathan, upo ka muna don sa sala." Ngumuso ako sa couch.

Agad siyang pumasok at inilapag ang coke sa sahig. Pumunta naman ako sa kitchen upang tanggalin ang pisi sa pizza box gamit ang gunting.

"'San ba si Vince? Umalis ba siya?" Biglang tanong ni Nathan habang nanonood ng TV sa sala.

"Looking for me?" Agad na lumabas si Vince sa kaniyang kwarto at nakabihis na ng pantaas.

Hays, salamat at hindi na hubad ang loko. I suddenly felt shy dahil bigla kong na-alala ang nangyari kanina sa kwarto niya.

"Uy, Vince nandyan ka pala sa kwarto mo....Dyan ka nalang." Ani Nathan na naiinis padin kay Vince.

I let out a chuckle as I was opening the pizza. Nakakatawa talaga tong si Nathan. Halatang ayaw nakita ang pagmumukha ni Vince.

"What are you even doing here? Umalis kana nga." Inis na sabi ni Vince na nakatayo parin sa labas ng room niya. His brows furrowed as he said that.

"Hoy ikaw! Ba't mo pinatay 'yung telepono kagabi? Tsaka anong pinagsasabi mong istorbo ako, ha? Ano bang ginagawa nyo at ba't naging istorbo pa ako?" Inis na reklamo ni Nathan and he even pointed his index finger kay Vince.

Bigla akong napa lingon kay Vince.

Sana wag sabihin ni Vince kay Nathan na naghalikan kami kagabi..

Vince didn't answer Nathan's question. Vince looked at me instead at hindi maitago ang ngiti niya. Pagkatapos ay yumuko si Vince and he chuckled.

Bigla akong nahiya kasi naalala ko naman ang nangyari kagabi.

"Hoy! ba't ka ngumingiti diyan Vince? Anong ginagawa niyo kagabi?" Curious na curious na si Nathan at napatayo na.

"N-Nathan tulungan mo nga ako dito, ikaw na mag open sa isang box ng pizza. Dali!" I said to change the topic.

Baka ipagkalat pa ni Nathan kay Yumi kapag nalaman niyang nag halikan kami ni Vince, hindi pwede! Nakakahiya!

***

Naka upo na kami ni Nathan sa couch at kumakain na ng pizza. Nanonood kami ni Nathan ng horror, para may thrill naman, ang boring kapag romance.

Si Vince naman ay nasa loob ng kwarto niya. Pumasok siya ule sa kwarto niya kanina pa. Ewan, matutulog ata.

Dumikit ako kay Nathan kasi ramdam kong may paparating na jumpscare. I used my hands to cover half of my eyes, para hindi ako masyadong magulat.

Kita kong lumabas si Vince sa kaniyang kwarto and he took a glance at us. Pero wala na'kong pake sa kaniya kasi nga natatakot na talaga ako sa pinapanood namin.

Unexpected roommate[EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon