07

153 87 28
                                    

Wala kaming ginawa buong nag hapon kundi manood, magtawanan, at magkuwentuhan ng kung ano ano. We even rant on each other awhile ago. Sinabi at pinakinggan namin ang mga problema ng isa't isa.

Magsasalita na ako ng biglang bumuhos ang ulan ng sobrang lakas at bigla ding kumulog ng napakalakas. Laging ganyan dito samin kapag tanghali.

"Ang sabi tag-ulan na raw. Pero bakit ang hot ko pa rin?" patanong na sabi ni Lawrence sa kanila.

"Rence, matagal na naming alam na gwapo ka ok?" pamimilosopong saad ni Steve kay Lawrence.

"Hot ung sinabi ko pero sabi nyo gwapo ako. kalma ako lang to!" Natutuwang saad nya.

"Ako din kaya gwapo" pasingit na saad ni Casper.

"Hay nako alam nyo ba abot na dito ung kahanginan nyo" sabi ko sabay irap.

"Sana lumakas pa ang hangin…
Para matangay na sya papunta sa sakin." sabi ko sa aking isipan.

"Malamang mahangin, eh sayo lang naman nakatapat ung electric fan eh" turo ni Ethan sa nakatapat na electric fan sa tabi ko.

Hayst ang hilig mamilosopo putangina mana sa amo. Parang like father like son lang ang gago.

Nagpunta ako sa kusina para magtimpla ng kapeng pampagising sa natutulog na broken kong heart.

#Sa gobyernong tapat ginawa ko naman lahat.

Puta why did I fall in love to the person i have no chance to be with?

So ayun tapos na po tayo maging broken ngayon. Ininom ko na ung kape ko kahit mainit dahil sanay naman ako masaktan. Hay nako.

Bumalik na ako sa sala kung nasaan silang lahat.

"Oy Sandra may next target na ba tayo? sino next target?" tanong ni Kai saken ng makita nya ako.

"Oo nga sino next target? Miss ko na kumain ng laman loob eh. Mantrip kaya tayo?" Pa suggest na sabi naman ni Ali habang nanonood.

Yes. We do eat their body parts. Masarap gawing sahog sa kahit ano. Yan ang ulam namin madalas. Lalo na ung utak at puso ng tao. Na di naman ikaw ang tinitibok nito. de joke pero oo masarap ung utak ng tao. Ginagawa namin yang pulutan kapag nagiinom kami eh.

Kapag gusto namin magulam ng laman loob ay nantitrip kami ng mga tao kung saan. What I mean by that is pinagtitripan namin ung mga taong hindi namin gusto.

Anthropophagy. Cannibalism. Or anything you want to call that but. WE. DON'T. CARE. AT. ALL.

Kumain ka kung gusto mo. If you forced us to stop eating peoples body parts then we'll eat yours. You chose.

"Sandra? Hellooo? Naririnig mo ba kami?" Pagkaway ni Marcus sa harapan ko.

"Lutang yan. Lagi naman." komento ni Lawrence kaya agad ko syang nabato ng gamit na nahablot ko sa tabi ko pero nakaiwas sya.

"Hoy sino kaya sa ating dalawa ang palaging lutang at sabog noh? Di ba IKAW?? Ikaw na pusot ka" pinagdiinan ko talaga ung "ikaw" dahil totoo naman na lagi syang lutang at sabog 24/7.

"Putangina pusot na naman??" Pagmamaktol na saad nya.

"Hoy tama na nga! Tumigil na kayo" paawat na sabi ni Marcus.

"So kelan nga tayo makakakain ng tao? Na fresh. ayoko na ng galing sa ref. Iba lasa non" pasingit naman na saad ni Seph.

"Hmm. Mamayang gabi. Alam ko na kung sinong pagtitripan natin." Saad ko kaya agad na lumiwanag ang mga mukha nila.

"Sino?" sabay sabay nilang tanong habang may kinang sa kanilang mga mata.

"Hmm.. Sila Jane, Florence, Ashley, Alesandra, Aizey kaya? Ok na yon? " pagsusuggest ko sa kanila.

Taste of Hell ( Hell Series #1 ) COMPLETE✔️Where stories live. Discover now