20

64 45 0
                                    

Pagkagising namin ay agad na akong nagluto at kumain. Mag gegeneral cleaning sana kami ngayon kaso tinamad na kaya bukas na lang tutal sabado naman bukas.

Nagwawalis ako ng sala ng may kumatok sa pintuan kaya itinigil ko muna ito at kinuha ang kutsilyo ko.

Binuksan ko ang pinto at nakita ko si Everett kasama ang mga kaibigan nya na may dalang bulaklak at chocolates pati na din ang sandamakmak na tupperwear na nalalaman ng mga laman loob.

Nagtataka naman akong tumingin sa kanya kaya napatawa sya ng mahina bago nagsalita.

"I'm courting you. And yes I like you. I really really like you for a long time. You don't know how much I like you- no I love you. I'll do anything to make you mine " nakangiti nyang saad.

"Pasok muna kayo" pina pasok ko muna sila at ang mga kaibigan nya na din ang nag lagay ng mga tupperwear sa lamesa bago lumabas.

Iniwan naman ni Dash ang hawak nyang bulaklak at chocolates sa maliit na lamesa dito sa sala bago tuluyang nagpaalam na aalis na.

"So pwede ba kitang ligawan?" Tanong nya. Tangina- ano ba tong ginagawa nya? Hindi pa ba to panliligaw?

"Hindi pa ba to panliligaw" pilit tawa kong saad.

"Oo nga noh hehe. Alam mo ba matagal na kitang gusto. Simula pa nung nag enroll ka dito. Ang ganda ganda mo kase" sabi nga sabay ngiti pero napairap naman ako sa sinabi nya.

"Well if you only like me just because I'm pretty, just leave me alone. Hindi ko kailangan ng lalaking sa itsura lang bumabase. You should probably stop courting me" mataray kong sabi sabay tayo pero agad nya akong nahila sa braso.

Hindi naman sa ayaw ko sa kanya pero may iba naman kase akong nagugustuhan.

Natumba at napaupo ako sa kandungan nya kaya agad akong tumayo pero nakayakap sya ng mahigpit sakin.

Hindi ko makuha ung kutsilyo ko sa bulsa dahil hawak hawak nya ang dalawa kong kamay.

Biglang namang bumaba sila Marcus kaya naman sinensyasan ko sila na tulungan ako.

Patakbo silang lumapit bago sya pinagsusuntok at pin aalis sa dorm namin.

Alam ko na kasunod neto...

"ANONG GINAWA SAYO NON? BAT NANDITO YON SA DORM?? Naglilinis lang kami sa taas tas pagbaba namin ayon aabutan namin??" Hindi malakas pero hindi din naman mahinang sigaw nilang lahat. Sabi na eh.

"Nagaayos lang naman ako kanina eh. May kumatok kaya pinagbuksan ko. Pag bukas ko may mga dala na syang pagkain tas liligawan nya daw ako. Sinabi nya kung bakit nya ko nagustuhan kaya medyo na galit at pin aalis ko sya. Tatayo na sana ako non tapos hinila nya ko kaya nalaglag ako sa kanya" mahabang pagpa paliwanag ko.

Minsan ng nangyari yan dito at alam kong di sila titigil kakadada tungkol jan kaya naman sinabi ko na. Para ko na silang kuya pero nahulog ako sa isa sa kanila. Alam kong parang kapatid din ang turing nya sakin pero hindi ko mapigilan eh. Hindi ko mapigilan ung nararamdaman ko para sa kanya.

Narinig ko naman silang bumuntong hininga bago lumapit sakin at niyakap ako.

"Don't worry we'll protect you hm" bulong ni Ethan.

Kahit maloko at siraulo yan, sumeseryoso yan kapag ganito ang usapan.

Pinutol ko na ang yakapan session namin dahil nangangalay na ung paa ko kakatayo.

Dumiretso ako sa kusina at niluto na lang ang mga dala nila. Nilagay ko sa ref ung iba para hindi masayang.

Isinawsaw ko sa itlog ung atay bago nilagyan ng breeding mix at ibinabad sa kumukuoong mantika.

Natapos na akong magluto kaya naman umakyat na ako at tinawag ko na silang lahat para mag meryenda.

Agad naman silang bumaba at nagsiupuan na sa mga pwesto nila bago kumain.

"Hmm. Ang sarap, pero mas masarap to kung may iced coffee noh" pagpaparinig mi Ethan kaya naman nagsitanguan silang lahat.

Umiiling iling nalang akong tumayo kaya naman napapalakpak sila sa tuwa.

Maya maya lang ay natapos nakong gumawa ng iced coffee kaya naman dinala ko na ito sa lamesa.

"Oh iced coffee, para sa relasyon nyong malamig" sabi ko pagkalagay ko ng iced coffee sa harap ni Ethan.

"Anong malamig, Hindi kaya" sabi nya sabay higop sa straw nito.

"Malamang hindi mainit, hindi din malamig kase wala naman kayong relasyon. Ang kapal naman ng mukha mo." Umiiling iling na sabi ni Marcus sa kanya kaya napaubo ito.

Sinamaan nya ito ng tingin pero patuloy pa din ito sa pag tawa kaya naman binugahan na nya ito ng kape.

Gulat na gulat naman sya nitong tinignan bago humigop din sa kape nya at binugahan si Lawrence bago nagsalita.

"Damay damay na to" sabi nya kaya naman nagsihigupan na sila sa sariling kape at binugahan ang isa't isa. jusko mga isip bata talaga.

Patayo na ako pero binugahan ako ni Marcus sa mukha kaya dali dali akong uminom bago ibinuga ito sa kanya.

Gago basang basa na ung damit namin at amoy kape na din kami. Kaya naman dumiretso na kami sa sari sariling kwarto at naligo na.

Ung dapat bukas kami mag gegeneral cleaning namin nangyari ngayon dahil sa mga kagaguhan nito.

Taste of Hell ( Hell Series #1 ) COMPLETE✔️حيث تعيش القصص. اكتشف الآن