31

53 37 0
                                    

Casper's POV:


Nandito ako sa labas nagpapahangin at nagiisip isip na din.

Mahal na mahal talaga ang isa't isa kaso hindi talaga sila pinagsasama ng tadhana.

Pumasok na lang ako sa dorm at nakita kong kalalabas nya lng ng kwarto.

Napansin kong kinakabahan ngunit medyo excited na si Cassandra dahil ikakasal na sya kay Marcus ngayon ding araw.

Tinawagan na din nila Lawrence ung pari para papuntahin sa may ospital.

Ilalagay muna daw ulit ang katawan ni Marcus sa hospital bed kase alangan namang ikasal sila sa morgue noh.

Maya maya lang ay lumabas na si Cass sa isang kwarto dito sa baba at tinutulungan sya ni Ali sa gown nya.

"Let's go now.. I.. I wanna be married to him right now" nagmamadali nyang sabi.

Kukutusan ko kakautos lng gusto agad agad.. hayst.

Mayamaya lang ay tumawag na si Lawrence na ayos na daw ang pari kaya pinapapunta na kaming lahat don.

Ako na ang nag drive at si Cass naman ay nasa tabi ko lang.

______________________________________________________________________

Andito na kami sa van ngayon pero nasa passenger's seat na lang ako umupo.

Mas maaalala ko lang si Marcus kung doon ako sa likod uupo.

Si Casper ang nagd drive ngayon papuntang ospital ng may nakita akong parang sumusunod samin..

Kinalabit ko sya at nagsalita.

"Tig.. Tignan nyo. Parang may sumusunod satin" dahan dahan kong sabi sa kanila at nagsitinginan naman sila sa likod.

"Parang sinusundan nga nila tayo.. Dre itigil mo muna.. " sabi ni Ali kay Casper kaya naman dahan dahan nya itong tinigil.

Mayamaya lang ay nilampasan na kami nung mga naka motor kaya naman nakahinga na kami ng maluwag.

"Tara start mo na.. Hindi naman yata tayo ung sinusundan eh" sabi ni Kael kay Casper kaya naman pinaandar nya na ulit ito.

Mayamaya lang ay tumawag si Lawrence kaya agad ko na itong sinagot.

"Asan na kayo? Kanina pa naghihintay ung pari. Dalian nyo. Room 143" bulong nya sa kabilang linya.

"Eto na malapit na naman kami" sabi ko sabay patay ng tawag.

Nakarating na kami kaya agad na kaming bumaba ng sasakyan.

Dali dali kaming tumakbo paakyat kung nasaan ang kwartong sinasabi ni Lawrence.

Hinihingal kong binuksan ang pinto dahil naghagdanan lang kami kasi puno na ang elevator.

Hindi na naman ako makakapaghintay kaya tinakbo ko na lang ito habang sila Kael ay nandoon sa ibaba at inaantay ung elevator.

Nang makapasok ay agad akong tumabi kay Marcus ko... which is in the hospital bed.. laying lifeless..

Yumuko na lang ako ng mapansin ko ung singsing sa kamay ko.

Shit! Wala akong dalang isa pang singsing..

Agad akong napatingin sa pintuan ng bigla itong bumukas at iniluwa ang mga kasama ko. Nagkatinginan muna kami ng biglang magsalita ang pari.

"Shall we start? May appointment pa din kasi ako sa kabila" pasingit na sabi ng pari kaya umayos na kami ng tayo.

"Mabilis lang din ito dahil late na late na din talaga ako. Pasensya na" pahabol nya pa.

"Okay let's start with your wedding vows" sabi nya kaya napatingin ako sa kanya para sabihing wala akong dalang singsing ng biglang lumapit si Ethan sakin at may inabot na singsing.

Kinuha ko ang kamay nya bago nagsalita.

"With this hand,
I will lift your sorrows.
Your cup will never be empty,
For I will be your wine.
With this candle,
I will light your way in darkness.
With this ring,
I ask you to be mine, Lance Marcus Ramos. " I finally said it as I put the ring on his finger.

"You're now husband and wife. You can't kiss your groom kaya congratulations nalang" sabi ng pari bago ako kinamayan.

Hinalikan ko na lang ang kamay nya na may singsing bago sya niyakap.

Lumabas na ang pari kaya naman nagsalita na silang lahat ng may biglang pumasok dito.

Sila ung mga naka motor na sumusunod samin diba.. Ganyang ganyan din ang mga suot nila.

Agad nilang tinanggal ang helmet nila kaya nanlaki ang mga mata namin ng makita kung sino sila.

Bakit sila nandito?

"Hunter? Atticus? Dash? A-anong ginagawa nyo dito?" Nauutal na tanong ni Ali.

bat sya nauutal? Anong meron?

"Hi love miss me?" Nakangising saad ni Dash sa kanya.

"hey honey why'd you run away yesterday?" sabat naman ni Hunter na nakatingin lang kay... Ethan?

"After I confessed my love for you, you just ran away? Dont you think what you did yesterday was kinda rude, honey? " pagtutuloy ni Hunter sa sinabi nya.

"Stop! I said stop! Hindi nga kita gusto kaya pwedeng tigilan mo na ko!!!" Sigaw ni Ethan sa kanya.

"Nah. That's the least I would do in this world." Umiiling iling na sabi nya.

May kakaibang pakiramdam ako dito.. Kinakabahan ako sa mga mangyayari..

"Babe.. I said don't run away right? Why did you disobey me hm?" Sabi naman ni Atticus at unti unting lumapit kay Seph.

"Don't! Wag kang lalapit! Just fucking don't!" sigaw nya at umatras ng umatras.

Na corner naman sya ni Atticus sa pader kaya Hindi na sya makalis. Ngumisi naman silang lahat bago sabay sabay na nagsalita.

"Hm. If you can't be ours.. Then you should go after with your friend too" sabi nilang tatlo bago naglabas ng baril mula sa bulsa nila.

"Say goodbye to your love first, honey" sabi ni Hunter sabay tuluyang pinaputukan si Kael.

Umubo ito ng dugo at ng akmang lalapitan ko na sila ng pinagpatuloy nila ang pagbaril sa isa't isa.

Wala na akong magawa kaya nagtago nalang ako sa ilalim ng hospital bed at inantay na matapos ito.

Naiiyak nalang ako dahil sa mga nangyayari.

Eto na ba ang kabayaran sa mga buhay na kinuha namin? Eto na ba? Ha! Gusto lang naman namin maghiganti sa mga ginawa nila samin.. Bakit kailangan pa na ganito ang kapalit ha!

Mayamaya ay narinig ko nalang na sumara ang pinto kaya lumabas na ako.

Bigla akong nahilo at parang gumuguho na ang mga nasa paligid ko at tuluyan na akong nawalan ng malay.

Taste of Hell ( Hell Series #1 ) COMPLETE✔️Onde histórias criam vida. Descubra agora