29

51 40 0
                                    

Nagising ako sa isang hindi pamilyar na kwarto kaya agad akong bumangon mula sa pagkakahiga ko.


Maya maya ay pumasok si Everett dito kaya naman napakunot ang noo ko.

"Asan ako? Anong ginagawa ko dito? Anong kailangan mo sakin? Bakit moko kinidnap?? Kidnapper ka noh?! Sumagot ka!" Sunod sunod na tanong ko pero ngumiti lang sya sakin.

"Chill babe. I won't hurt you. I'm not a kidnapper either. In fact may surprise pa nga ako sayo" natutuwang sabi nya.

Deja vu? Diba nangyari na to kani kanina lang?

Pero parang kinabahan ako sa kung paano nya sabihin iyon. parang may hindi magandang mangyayari..

"Anong s-surprise???" Kinakabahang saad ko.

But instead of answering me he asked me too.

"Shall we go now? " nakangiting saad nya pa din sakin kaya sumunod nalang ako sa kanya.

Lumabas kami ng kwartong ito at may mga dinaanan pa kami na paliko liko hanggang sa makarating kami sa isang malaking pinto.

Para syang bodega pero parang maayos naman ata ang loob kase wala namang mga kalat sa labas.

Bumukas ang pinto at para akong naestatwa dahil sa nakita ko.. Si Marcus, nakatali sa upuan at... May bomba sa ulo nya.

Nanubig bigla ang mga mata ko ng makita kong puro pasa din sya sa buong katawan nya..

"A-ano to?? Bat mo ginagawa to??" Tanong ko ng makaharap ako kay Everett.

"It's a surprise! Don't you like it? Saka I said na I'll make you mine in any way diba? so it's either by hook or by crook" nakangising sabi nya sakin.

"Hayop ka! Anong ginawa ko sayo ha! Hindi ka namin inaano! Wala kaming ginagawang masama sayo!" sigaw ko ng akmang sasampalin sya ng may inilabas sya sa bulsa nya.

"Subukan mo lang.. Baka gusto mong sumalangit yang pinakamamahal mong kasintahan" nakangising sabi nya sabay kaway kaway ng controller.

Controller ata yon nung bomba.. At kapag pinindot nya yon... Sasabog ang ulo ni Marcus..

"Saka may ginawa sya sakin.. Inagaw ka nya sakin!! Alam mo ba yon! Inagaw. Ka. Nya. Sakin." Sigaw nya.

"H-hindi.. Hindi maaari! Ano bang kailangan mo samin ha?! Bat mo ba kami ginugulo!" Sigaw ko sa harapan nya pero nag kibit balikat lang sya.

"Hindi mo ba naintindihan ang sinabi ko? Inagaw ka nya sakin! Ni Hindi nga sya nanligaw sayo pero sinagot ko na agad??!" Patuloy na pag sigaw nya.

"Hindi nya ako inagaw mula sayo kase kahit kelan hindi naman naging tayo!" Pabalik kong sigaw sa kanya pero ngumisi lang sya sakin.

"Magiging akin ka na ngayon" nakangising saad nya.

"Magiging akin ka o pasasabugin ko tong ulo nitong lalaking to? " hindi ko na alam ang gagawin ko dahil kanina pa nya iyan tina tanong.

Nanlumo ako sa mga nangyayari ngayon. It's real but it feels like a dream. Susubukan ko nalang ibaba ang pride ko kahit ngayon lang.. Para sa Mahal ko.. gagawin ko ang lahat para sa kanya..

"Everett please d-don't do this.. I'm b-begging you. W-wag mo naman kaming p-paghiwalayin" lumuhod na ako sa harapan nya pero nanatili pa din syang nakangisi.

I never do this. I never begged in front of anyone. I never get down on my knees on anyone but here I am begging and kneeling in front of him.. just to spare my love's life.

Taste of Hell ( Hell Series #1 ) COMPLETE✔️Where stories live. Discover now