14

79 53 1
                                    

Iniluto ko na ang mga laman loob nila at ang iba naman ay itinago ko na sa ref.

Pagkatapos ko magluto ay naghain na kami bago kumain.

Habang nakain ay bigla nanamang may pumasok na idea sa utak ko. 💡

"Since malapit na mag halloween bakit di kaya tayo mag costume mga pre?" Suhestiyon ko kaya napatingin silang lahat sakin.

Oo malapit na mag halloween dito kaya mas maganda kung dun namin itutuloy ang pagpatay.

"Titigil muna tayo ng ilang araw sa pagpatay at itutuloy na lang natin sa halloween. Ano game? Challenge yan ahh" nakangising sabi ko.

"Dali naaaa!! Limang araw lang naman tayong hindi mantitrip ehh!" Pangungumbinsi ko sa kanila ng hindi sila nagsalita. Mamaya ko na kukumbimsihin ung sarili ko.

"Cge game ako" sabi nila Lawrence, Ethan at Seph.

Napipilitan naman na tumango sila Satsu.

"Yan. Teka maga-announce lang ako sa kanila. Kung hindi sila maniwala edi wag" sabi ko sabay tayo at agad na nagpunta sa Dean's office.

"Good afternoon everyone. I just want to say na ipopostpone muna namin ang patay nyo kase may mga gagawin kami this weeks so kung ayaw nyong maniwala edi don't sino ba kayo?" sabi ko sa speaker bago umalis.

May nakasalubong akong mga studyante kaya nginitian ko lang sila. HAHAHAHAH.

Nawiwirduhan naman nila akong tinignan pero nginitian ko lang sila. omg! ang plastic ko dun.

Naestatwa naman ako sa kinatatayuan ko ng makita ko syang naglalakad sa labas ng school.. May kahawak kamay..

Dali dali akong tumakbo pabalik sa dorm at agad na inilock ung pinto bago nagsisigaw.

"Talagang sinusubok ako ni Lord ngayon ahh. Putangina nakita ko sya ngayon ngayon lang. Pwede naman sa dulo nalang sya. Bat kailangan pa magpakita saken. BAT KASE SYA NAGPAKITA. SINISIRA NYA UNG SELPLAB KO PUNYETA. Gago oo galit na galit ako sa kanya. ano to lokohan?? Bat kailangan magpakita?? "

Lumapit naman si Kael sakin at binuhos sakin ung hawak nyang baso ng tubig.

"Akala ko ba hindi ka na affected? Akala ko ba nakamove on kana? Tss may masasaktan ka kamo kung sasabihin mo na di ka pa den nakamove on. " naiiling na sabi nya

"Nakamove on na nga ako pero bigla lang bumalik ung alaala nung iniwan nyako gago sya!" sigaw ko

"Saka sinong masasaktan?" Tanong ko

"Tsk tsk ang manhid mo talaga pre. " umiiling iling na den na sabi ni Ali the kabute.

"I didn't intend to hurt anyone but I like someone okay?" Sabi ko at sinisipat sa peripheral vision ng mata ko.

Oo I like one of my friends pero I don't have a courage to admit it to him because he likes someone.. I guess.

Bumaba si Marcus habang nagsisisigaw.

"Gago nilooban tayo! Nilooban tayooo!" Sigaw nya ng makalapit sa amin.

"Tanga dapat nilabasan, kase sa labas dumaan. Bobo mo naman" naiiling na saad ni Ethan na nakasunod sa kanya.

"Nakuha mo pang magbiro kingina ka! Nilabasan- este nilooban na nga tayo eh" sabi ni Marcus at binatukan sya.

"Nahawa ka na sa kanya" sulpot ni Casper sa likuran nila.

"Oo ikaw naman nahawa ka na sa pagka kabute ni Ali" sabat naman ni Steve.

Umiiling iling habang natatawa na lang akong umalis doon dahil nagtatalo nanaman sila at ayoko ng makisali dahil napakaingay nila pag nag tatalo jusko.

Sino ba namang magtatalo ng tahimik diba? Common sense naman.

Pahapon na at nakita ko namang nasa labas ang lahat ng estudyante at naguusap habang ang iba ay nagkakasiyahan.

Lumabas din kami at lumapit sa kanila pero umatras lang sila.

"Don't run away. Hindi naman kami mantitrip eh. Anyways pwede sumali sa inyo?" Tanong ko at tuluyang lumapit sa kanila.

Napipilitan naman silang tumango kaya nakipaglaro na kami sa kanila.

Nakita kong lumapit sya kay Mara at nakipag kwentuhan. Nawalan na ako ng gana makipaglaro at parang gusto ko ng pumatay.

I thought I was special until I saw him treating others the same way. Umiiyak akong tumakbo pabalik sa dorm namin at agad na pumasok sa kwarto ko bago inilock ang pinto.

Doon tuluyang tumulo ang luha ko ng walang tigil pero hindi ko ito pinupunasan at hinahayaan lang itong umagos na parang gripo.

Hindi na ako lumabas ng kwarto ko kahit gusto kong magluto at kumain pero may mini ref naman ako dito kaya kinain ko na lang ang natipuhan ko doon.

Humanda ka sakin Mara. Sisiguraduhin kong pagsapit ng October 31. May limang araw ka na lang na nalalabi sa mundong ito kaya sulit sulitin mo nang tangina ka.

Totoo nga talagang makakapatay ako kapag nagseselos ako.

Maya maya pa ay may kumatok sa kwarto ko pero hindi ko ito pinagbuksan. Pero bigla namang nagsalita si Lawrence kaya lumapit ako sa may pinto.

"Sandra buksan mo ung pinto.. Mag isa lang ako.. " sabi nya kaya binuksan ko ung pinto na dapat ay hindi ko pa la ginawa.

Nandoon silang kaya dali dali kong sinarado ung pinto.

"Sorry pinilit nila ako eh! Kanina ka pa daw kase jan tas di ka nalabas. Sabi din nung iba na bigla ka na lang daw tumakbo papasok sa dorm kaya sinundan ka namin.. Ano bang problema? Andito lang kami. " mahabang lintaya nya pero hindi ko iyon pinansin bago nagsalita.

"Ayos lang ako. Umalis na muna kayo. Iwan nyo muna ako dito mag isa. Gusto ko lang mapagisa ngayon.." sabi ko habang pinipilit na hindi umiyak ng malakas.

"I can hear you sniffing ms. I know you're not okay. What's the problem? Andito nga lang kami. Magkakaibigan tayo diba?" sabi nya.

Oo kaibigan. Kaibigan lang din ang turing ng taong gusto ko sakin.

"Umalis na sabi muna kayo eh!" Sigaw ko habang pinipigilang umiyak.

"Sige. Maiwan ka na muna namin.." narinig kong papalayo na ang tunog ng lakad nila kaya naman napaupo na lang ako sa lapag habang humahagulgol.

Ilang oras din akong umiyak ng umiyak hanggang sa naramdaman kong pagod na ang mga mata ko.

Hindi ko namalayan na unti unting nakatulog na pala ako sa lapag habang may mga luha saking mga mata at may mabigat na nararamdaman sa puso ko.

Taste of Hell ( Hell Series #1 ) COMPLETE✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon