28

57 39 0
                                    

One month later...

Nagising ako dahil sa mga halik sakin ni Marcus.

Nagmulat na ako ng mata bago ako umupo sa kama.

"Gising na lalove ko! May surprise ako sayo mamaya. I love you" nakangiting saad nya.

"Akala mo nakalimutan ko noh.. Happy 1st monthsary langga. I love you too" pagbati ko sa kanya sabay halik ng mabilis sa kanyang labi.

"Masyadong mabilis. Hindi ko man lang nalasahan ung labi mo" sabi nya at agad na hinila ang batok ko at hinalikan. mas lalo nya itong pinalalim pero maya maya lang ay naitulak ko sya dahil kinakapos nako sa hininga.

"Happy 1st monthsary din lalove ko. Bangon ka na jan naghahanda na sila sa baba" sabi nya at inalalayan akong tumayo.

I'm so damn lucky to have a man like him. Sa nagdaang isang buwan ay hindi sya pumalyang pangitiin ako o pakiligin. Kahit mga corny ung banat nya sakin, kinikilig pa rin ako dahil sya ung bumanat.

Bumangon na ako at dumiretso sa cr bago naligo.

Pagkatapos ko ay agad na akong bumaba at nakita kong may mga handa na sila dito.

"Happy 1st monthsary sa inyo. Hindi muna ako magsasanaol kahit nakakasanaol to" pagbati ni Lawrence.

"Nasan na ung tinawagan mo? Hindi ba kayo magkikita?" Bigla ko namang naisip ung mga kagaguhan namin nung nakaraang buwan.

"Gago wag mo na ipaalala. ghinost ako amputa! Ansarap sakalin tangina" sigaw nya at nag walk out.

Maya maya lang ay mag naramdaman akong malamig na bagay sa may leeg ko kaya tinignan ko ito.

Isang necklace, na may pangalan ni Marcus. Ang ganda!

"Happy monthsary mahal. Couple necklace tayo tignan mo oh" sabi nya sabay pa kita ng necklace nya na may pangalan ko.

"Bagay talaga gold sayo... Pero may K sa gitna" pagtutuloy nya sa sinabi.

gokld? Dejoke

"Alam ko. Bagay talaga tayo" sabi ko sabay yakap sa kanya.

"Kundi nyo lang monthsary ngayon baka kanina ko pa kayo nasakal kaka landian nyo jan. Please naman wag kayong manginggit kitang wala nga kaming kalandian oh" biglang pasulpot na sabi ni Seph bago umalis ulit.

Biglang sumakit ung tiyan ko kaya dali dali akong nagpunta sa cr pero nakasarado ito.

"Teka tangina naliligo kami eh!" Sigaw ni Kael...?

Kami? Omg! Sabay ulit sila naliligo ni Ali!

Shet hihimatayin ata ako sa kanila.

Dali dali akong umakyat sa kwarto ko at agad na dumiretso sa cr pero bago ako maka pasok ay may nakita akong papel sa ilalim ng kama ko kaya naman agad ko itong kinuha bago ako tuluyang pumasok sa cr.

If I smile it doesn't mean I'm happy
If I cry would you be there for me?
Could you stay for a little while?
I don't wanna be alone for the rest of my life

Even if I'm nobody in your life
Please bear with me for a while
I knew I was wasting your time
But I'll love you for the rest of my life

Eh? Sino nagsulat nito? Sino din naglagay dito? Umiling iling nalang ako at tinupi ulit ito. Mamaya ko nalang itatanong sa kanilang lahat.

Pag labas ko ay may nakita akong sulat sa papel na nakalagay sa may pintuan kaya binasa ko ito.

"I have a surprise for you baby love ko. Go outside and someone's gonna guide you. Magdala ka na din ng tray ha. I love you " ito ang nakalagay sa sulat kaya naman agad na akong lumabas ng kwarto ko.

Pagbaba ko ay wala na sila doon. Wala ng mga tao dito at kahit sa cr ay wala na sila Kael kaya dumiretso muna ako sa kusina at kumuha ng tray dito bago lumabas ng dorm.

Nagantay lang ako sa labas at maya maya lang ay may biglang lumapit sakin na isang babae at binigyan ako ng isang cupcake bago ako iginaya patungo kung saan.

May dalawang estudyante dito at agad itong lumapit sakin at may inabot din na dalawang cupcake.

Pinagsunod sunod nila ang mga letrang naka lagay sa ibabaw nito at ang nakalagay pa lang ay "ILO"

Ilo?

Maya maya ay isa nalang ang sumama sakin papunta sa susunod na destinasyon.

May dalawang estudyante ulit ang nagaantay sa amin don bago inilagay ang cupcake sa tray na to.

Hindi ko makita dahil nakatalikod kaya hinayaan ko nalang muna.

Maya maya ay iginaya nila ako papuntang garden at umalis na sila.

Nagantay lang ako don at maya maya biglang sumulpot sila Lawrence at Casper na may dalang tig isang cupcake ulit kaya tinanong ko na sila.

"Para saan ba to? Anong meron?" nagtatakang tanong ko sa kanila pero nginitian lang nila ako bago tumingin sa likuran ko.

"Here's the last one" nakangiti nyang sabi.

Kaya naman binasa ko na nag naka sulat sa bawat cupcake.

I love you..

"Aw I love you too langga!" Sabi ko sabay halik sa kanyang labi.

"Asan na sila?" Biglang tanong nya kay Lawrence pero nagkibit balikat lang ito.

Kinapa kapa naman nya ang bulsa nya at biglang napatingin ulit kina Lawrence bago mahinang bumulong.

"gago naiwan ko ata sa kwarto ko" hindi ko masyadong marinig pero may naintindihan naman ako ng konti.

Anong naiwan nya?

"Love wait lang ha may kukunin lang kami" sabi nya kaya tumango na lang ako kaya hinila nya sila Lawrence at Casper palayo.

Naupo nalang ako don at naghintay sa kanilang bumalik.
Maya maya ay may biglang nagtakip ng panyo sa ilong ko kaya bigla akong nahilo at tuluyan na akong nakatulog.

Taste of Hell ( Hell Series #1 ) COMPLETE✔️Where stories live. Discover now