27

62 42 0
                                    

Nagising ako ng mga hapon na ulit. Parang nagc crave ako pumatay ngayon kaso sino?

Bigla namang naputol ang pagiisip ko ng bigla silang nagsipasukan bago nagsalita.

"Tumayo ka na jan. Walang tubig dito. Balik na tayo sa dorm" sabi ni Casper.

"Ikaw kase eh. Di mo muna tinitignan kung may tubig o wala eh" sabi ni Steve kay Casper kaya inambahan nya ito.

Nag ayos na kami at sumakay na sa van bago ito pinaandar.

Maya maya lang ay biglang nagsalita si Seph.

"Cass what if ipagpalit ka ni Marcus sa mas madaling puntahan at hindi boring tapos mas maganda at mabait na inosente tapos sexy pa? Anong gagawin mo?" Biglang tanong nya kaya naman napakunot ang noo ko.

"What if lang ha" pagtutuloy nya kaya agad akong tumingin kay Marcus.

"So sinasabi mo bang may babae ka? Tas dinadaan daan nyo lang ako sa what if what if na yan ha?" Naka poker face kong saad pero agad silang tumawa.

"Wala mahal HAHAHAHAH tinitignan lang namin kung anong gagawin mo. Ikaw lang kaya ung mahal ko" sabi ni Marcus sabay halik sa labi ko.

Napansin ko namang tahimik lang si Lawrence sa cellphone nya kaya nagsalita ako.

"Tahimik mo ah. Ano meron?" Pagtutukoy ko kay Lawrence kaya napatingin silang lahat sa kanya.

"Wag kayong magulo may kausap ung tao eh" sabi nya kaya nagkatinginan kaming lahat.

"Alam mo nagugulat ako sayo lagi, bigla ka nalang nabobroken wala ka namang shota." Biglang sabi ni Kael.

"Narinig ko kami syang nagwawala kaninang madaling araw. Sabi mo pa nya LUH AKALA KO MAHAL MOKO? tanga ang assuming mo masyado dre. Hindi ka nga mahal eh" sabat ni Seph dahil magkatabi lang ata ung kwarto nila.

"EHHHH? hoy akala ko soundproof ung kwarto don!" Sigaw nya kay Casper pero tatawa tawa lang ang loko.

"Putangina mo talaga Casper! Ibibitin kita patiwarik mamaya sa puno pagod balik natin tamo" tinignan nya ito ng masama pero mas lalo lang syang tinawanan ni Casper.. HAHAHAHAH

"Shot puno. inom na tayo dre, hindi ka na mahal non." tatawa tawang sabi ni Steve kaya mas lalong kumunot ang noo nya.

"Ako na nga lang magpapasaya sa sarili ko, kanya-kanya na 'to. Mag seself love nalang ako" Naiinis na sabi nya kaya mas lalo ko syang iinisin.

"Aww kawawa ka naman. Walang nagpapasaya sayo.. Buti pa kami nila Ethan at Ali may nagpapasaya. Hindi na namin kailangang magself love kasi may nagmamahal na samin diba, Than?" Pang aasar ko sa kanya.

"Edi wow. Kinginamo wag kang manginggit jan. Stop the van Casper. Stop the van! I said stop the van!" sigaw nya kaya naman itinigil ni Casper ang van.

"Anong gagawin mo? Bababa ka? Gagayahin mo ung nababasa mo?" Tanong nya.

"Wala lang. Bakit masama bang ipatigil ung van?? May pusa oh" pagturo nya kung saan kahit wala naman.

"Tarantado wala naman eh" Napailing iling nalang sya bago ipinagpatuloy ang pagd drive.

Mabilis kaming naka rating dahil hindi naman traffic pero nagulat kami ng may umiilaw ilaw sa loob.

Kaagad kaming bumaba ng maipark nito ang sasakyan kaya naman nagulat sila ng makita kami.

Gago nagpaparty amputa. Di man lang tumawag.

"Hehe hi sa inyo.. " kaway nila samin at agad na tumakbo pero naunahan namin sila.

"Medyo matagal na din nung huli akong pumatay at kumain ng fresh na laman loob" pasigaw kong pagkausap sa kanila.

Hinila ni Marcus ang hawak nyang estudyante sa tabi ko at hinawakan ako sa kamay.

Sinimulan namin silang tanggalan ng ulo at sinunod ang mga laman loob.

"Look oh may star! Kumikinangina nyong mga animal kayo! Pati talaga dito kinareer nyo pumatay ng magkaholding hands mga gago!" Sigaw nila Lawrence kaya tinignan ko sila.

"Hoy gago kinakawawa nyo yan!" Pasigaw ko ng sabi ng makita kong sinasaksak nila ito ng mabilis.

"Nakakairita kase! Kayo may partner kami wala! Putangina talaga!!" Sigaw nila Steve at tuluyang pinagsasaksak ito.

Lamog na ang mga mata nila ng tignan namin ito nila Marcus dahil Tapos na kami at nakuha na namin ang mga laman loob nila.

Natapos na kaming lahat at agad na dumiretso sa dorm

Finally! I'm home" sigaw ko at naginat inat.

"Hi my home." Biglang Saad ni Marcus kaya napatingin ako sa kanya.

"Sanaol po home. Ano ako dito? Homeless? Mga gago tabi nga. Papasok na ko. I can't stand your flirtiness anymore. Kung gusto nyo tutal home nyo naman ang isa't isa jan na kayo matulog sa labas at dito na kami kase mga homeless nga kami" sabi ni Casper sabay hila kina Steve, Seph at Lawrence.

"Goodbye jan na lang kayo magbebe time kingina nyo" padabog na isinara ni Steve ung pinto kaya nagkatinginan na lang kaming lahat.

Naupo kami dito sa may gilid at niyakap ang isa't isa.

Maya maya lang ay biglang bumukas ang pinto pero hindi namin ito pinansin.

"Aba mga punyeta dito nga talaga nag bebetime puta!"sigaw ni Lawrence ata.

"Magsipasukan na kayo. Nakakahiya naman sa dadaan jan. Baka mainggit din sa inyo." Sabi ni Seph bago binuksan ng malaki ung pinto.

Tumayo na sila Marcus, Kael at Kai bago inabot ang kamay namin para itayo kami.

"Wow naman talaga. Pati sa pagtayo kailangan may kasama. Huhuhu magrereklamo na ko kay Bro. Bro bat wala akong kapartner sa ganyan.. Huhuhu iiyak na ko" na iiyak na saad nya.

Pumasok nalang kami sa loob at doon pinagpatuloy ang pagyayakapan pero agad din ulit nila itong pinutol.

"Excuse me lang ha. Hindi na pwedeng maligo muna kayo bago kayo mag yakapan jan. O kaya dun kayo sa kwarto nyo magyakapan kase you know.. Manonood kami noh" sabi ni Casper.

"Okay. Let's go darlin'... " sabi ni Kael kay Ali bago hinila ito papasok ng cr.

"Let's go honey " sabi naman ni Kai kay Ethan bago ito hinila papasok ng kwarto nya.

"Tara na mahal" sabi naman ni Marcus sakin bago ako hinila paakyat sa kwarto nya.

"PUTANGINA NYO TALAGA! KAHIT SA PAGLIGO MAG KAKASAMA KAYO! ARRGGHHH!!" Narinig naming sigaw nila Lawrence.

"Syempre para tipid sa tubig" pabalik na sigaw ni Marcus at hindi na namin ito pinansin bago pinagpatuloy ang pagakyat.

Taste of Hell ( Hell Series #1 ) COMPLETE✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon