21

56 45 0
                                    

Pagkagising ko ay nagulat ako dahil andito si Marcus sa harapan ko, nakatitig sakin..

"dre anong ginagawa mo dito? Kanina ka pa ba? May kailangan ka?" Tanong ko habang kinukusot ang mata ko.

Hindi naman sya nagsalita at tumayo bago inilagay ang mga kamay sa bulsa at lumabas.

Luh gago? Problema non?

Lumabas na ako at agad ko silang naabutan na naguusap kaya naman umupo ako sa tabi nila bago nagsalita.

"May chismis kayo? Spill nyo naman jan oh" humihikab na saad ko.

"Wala wala" sabay sabay nilang sabi sabay tayo at agad na lumabas.

Potangina ang weird nila ngayon.

Wala akong magawa ngayon kaya naman naisipan kong sumulat ng letter para sa kanya. Oo para sa crush ko.

Mahal kita, I love you, Te Amo, Je t'aime, Ich liebe dich, Ashiteru, Wo ain ni, no matter how many languages it is, it only means one thing. I love you so damn much... I don't know kung ginayuma mo ako o ano pero mahal kita. I don't know isang araw bigla nalang akong nagising na mahal na kita. I don't just love you to the moon and back, I love you more than all the stars and planets combined. Pero isa lang ang alam ko. Ito ay hindi mo kayang suklian ang pagmamahal ko sayo. Pasensya na dahil nagustuhan kita kahit kaibigan lang ang turing mo sakin. You're always on my mind. Like literally everytime. I do hate peoples cause why not? the do fucking enter you life without your permission and then poof their gone but I don't hate you. In fact I love you.. Ikaw pa din ang palagi kong pipiliin kahit hindi ako ang piliin mo... Pasensya na sa abala..I'm so tired to pretend that everything's okay even tho it's not. I can't pretend to not like you anymore:( "

-written by someone who love you.

Hindi nya mare recognize ang handwriting ko dahil marunong ako mag bago ng sulat.

Agad ko itong tinupi bago inilagay sa isang sobre at inilagay sa mailbox namin dito sa may pintuan.

Maya maya pa ay magsibalikan na silang lahat kaya naman dumiretso na ko sa kusina para magluto ng tanghalian.

Wala akong ibang naisip na ulam ngayon kundi pork steak. Dinamihan ko ang sibuyas dahil yon lang naman madalas ang inuulam nila.

Wala nga pa lang baboy kaya naman naghanap ako ng pwedeng isahog sa ref pero wala din akong nahanap kaya kinuha ko muna ang lagari ko sa taas bago lumabas.

Naghanap ako ng pwedeng isahog at tamang tama. Nakita ko ung roommate nung Drew ba yon? Ah basta. Alam kong kasabwat din sya doon pero hindi sya pinatay ni ano. Ung student gago.

Nilapitan ko sya at kinawayan. Kumaway naman sya pabalik at maya maya lang ay nagulat syang tumingin sakin bago nagsimulang tumakbo.

Oh tanga. Lutang amputa.

Hinabol ko sya at ibinato sa kanya ang hawak kong lagari kaya tumama ito sa paa nya.

Napasigaw naman sya sa sakit pero hindi ko sya tinantanan hanggang sa mawalan na sya ng buhay.

Pinag sasaksak ko sya sa parte ng katawan nya at hinati ko din ang nasa gitna nya.

Kinuha ko lang ang mga laman loob nya at pagkatapos ay dumiretso na ko sa dorm bago itinuloy ang pagluluto.

Natapos na ko sa pagluluto kaya naman tinawag ko na sila para mananghalian.

Napapansin kong kanina pa sila nag sesenyasan gamit ang mga mata nila kaya naman nagsalita na ako.

"So ano ba talagang meron? Umayos kayo sa sagot nyo putangina!" pa sigaw kong sabi. Kanina pa kase ako naiirita dahil sila lang naman ung naguusap usap tas di nila ako sinasama.

Agad naman silang nag iwas ng tingin. Sila Lawrence ay yumuko nalang at tumingin sa pagkain, sila Kael naman ay luminga linga na parang may hinahanap at sila Ethan naman ay tumingin nalang sa pader.

"Nakakaputangina na kayo ha! Hindi na ko natutuwa." Naiiritang saad ko. Bumuntong hininga naman si Lawrence bago nagsalita.

"hayst. May pinaguusapan lang kami na importante. Okay? I mean not really important but a total secret" Sabi nya sabay patuloy na kumain.

Hindi nalang ako nagsalita at tinapos nalang ang pagkain ko. Sila na din ang naghugas dahil iniwan ko sila doon pagkatapos ko kumain.


______________________________________________________________________

Hapon na at kanina pa nila ako hindi kinakausap o pinupuntahan man lang dito sa kwarto ko.

Hindi nalang din ako bumaba dahil nagtatampo ako sa kanilang lahat.

Hindi sila nagsh-share. Nakakairita kaya. Magta tanong tanong ka sa kanila tapos ang isasagot lang sayo puro "secret" "basta" "mamaya nalang". Putangina nakakairita ung ganyan.

Kahit nagugutom ako ay hindi na ko bumaba. Natulog nalang ako ng maaga dahil ayoko silang kausapin dahil hindi naman sila nagsasabi.

Taste of Hell ( Hell Series #1 ) COMPLETE✔️Where stories live. Discover now