25

58 38 0
                                    

Nagising nalang ako dahil kinalabit ako ni Marcus.

pagmulat ko ng mga mata ko ay nasa carnival pala kami. Ang ganda.

"Tara na?" Tanong nya sakin sabay hila ng kamay ko palabas ng van.

Wala na pala ang mga gamit namin dito dahil naibaba na daw nila kanina doon sa tutuluyan namin bago dumiretso dito.

Ang ganda dito. Nandito kami ngayon sa may parang tulay dito sa may gitna ng carnival dahil may aantayin daw kami sabi ni Marcus.

"Ang ganda" namamanghang sabi ko at mas lalong tumingin sa kalangitan dahil biglang nagpa fireworks ngayon.

"Oo nga.. Ang ganda" sabi nya kaya naman napatingin ako sa kanya. Naka tingin pala sya sakin..

"Sobrang ganda" pagtutuloy nya sabay yakap sakin mula sa likuran ko.

"Sanaol landian sa ilalim ng fireworks" biglang sulpot nila Seph sa likuran namin.

"Bago yon ah. Cge add ko yan sa list ko." biglang sabi naman ni Steve ng sumulpot sya dito.

"Nahawaan na ba kayo ni Ali? Para kayong mga kabute. Dun na nga kayo. Nagmo moment pa kami dito eh" pagpapaalis ni Marcus sa kanila kaya naman wala na silang nagawa kundi umalis. Napangiti nalang ako kay Marcus.

"You know that smile of yours, means a lot saka mas lalo kang gumaganda kapag nakangiti ka kaya smile more often for me. I love you langga" shet hihimatayin ata ako dito.

Wait eto na. 1, 2, 3 go.

"Mahal!" Sigaw nya ng muntikan na akong tumumba pero joke lang.

"Dejoke lang. " sabi ko at nag peace sign sa kanya.

Kumunot naman ang noo nya kaya hinalikan ko sya sa labi.

"You really know how to make my anger melt." Umiiling iling na sabi nya.

"Tara sakay tayo sa rides" nagaayang sabi ko sa kanya.

"Bakit ka pa sasakay sa rides kung pwede namang ako nalang sakyan mo" nakangising sabi nya kaya hinampas ko ang braso nya.

"Bastos gago! Tara na nga" sabi ko sabay hila sa kanya papuntang ferris wheel.

Naka rating na kami dito at pumila muna kami hanggang sa kami na ang huling sasakay.

Malaki ang mga rides nila dito kaya madami kami ngayon dito sa ferris wheel.

Nang makarating na kami sa pinakataas ay bigla itong tumigil.

"Ma'am! Pasensya na po nagkaproblema lang. Aayusin po namin ito agad!" Sigaw ng nagaasist sa speaker.

Kinuha ko nalang ang cellphone ko bago inakbayan si Marcus.

"Langga smile!" Sabi ko sabay click ng camera nung tumingin sya dito.

"Tss hindi ganyan" sabi naman nya sabay kuha sakin ng cellphone ko at hinawakan ako sa batok ko bago hinalikan.

Narinig ko ang sunod sunod na pag click ng camera kaya humiwalay na agad ako.

"Ako naman" sabi nya ulet sabay labas ng cellphone nya at akmang hahalikan ulet ako ng pigilan ko sya.

"Shhhh! Tama na. Isesend ko nalang to sayo. " sabi ko pero agad nyang hinablot ang cellphone ko bago itinago sa bulsa nya.

"I want a new one" at pagkasabi nya non ay hinalikan nya ulet ako bago nag click ng sunod sunod ang camera ng cellphone nya.

Bigla naman nyang hinila ang buhok ko at bumaba ang mga halik nya sa aking leeg.

Narinig kong nag click ulit ung camera kaya alam kong nagpipicture pa din sya.

Maya maya pa ay bigla ng umandar ang ferris wheel kaya naman napa ayos agad kami ng upo.

I'll never forget that. Shet.

Pagkababa namin ay nakasalubong namin sila Kai kaya lumapit sila sa amin.

"San kayo galing?" Nakataas kilay na saad nila.

"Sa ferris wheel bakit?" Sagot ni Marcus sa kanilang dalawa.

"Sus. Nagtukaan lang kayo don eh" nangaasar na sabi ni Ethan kaya naman namula ako pero hindi ko lang pinahalata.

"A-anong pinagsasabi mong nagtukaan? H-hindi kaya noh!" Pinipilit kong wag mautal.

"Sus wag ako dre. Kita naman sa leeg mo eh. Tanong pa natin dun sa cctv" umiiling iling na sabi nya kaya naman agad na sinuot ko ang hood ng jacket ko.

"Tara dun sa ferris wheel. Tutukain din kita don" sabi ni Kai kay Ethan at kinindatan ito bago hinila patungong ferris wheel.

Pagkaalis naman nila ay agad kong sinapak si Marcus sa braso dahil sa kahihiyan.

"Gago ka! Tangina mo! Nakakahiya! Siraulo ka! Tarantado! Punyeta! Bwiset! Lahat na!" Patuloy ko syang pinaghahampas at sya naman ay patuloy na umiiwas.

"Tama na! A-aahh aray naman! Aray ko sabi eh! Titigil ka o tutukain kita dito sa harapan ng maraming tao"sabi nya kaya napatigil ako.

Ngumisi naman sya kaya agad ko sana itong hahampasin ulit ng bigla nyang hawakan ang dalawa kong kamay bago ito inilagay sa batok nya.

"Isa pa talaga! Hindi ako manok pero matitikman mo ulit kung pano ako manuka." Sabi nya sakin.

"Wow naman mga pare. Pati ba naman dito naglalandian kayo? Konting konsiderasyon naman. May mga single din oh, Hindi lang kayo ung tao dito. " biglang pasulpot na sabi ni Lawrence kaya agad akong napabitaw kay Marcus pero hinawakan nya lang ang kamay ko at mas lalong idiniin sa may balikat nya.

"Wow talaga. Salamat sa pakikinig mga dre. Anlaki ng naitulong nyo sa bansa." pilit ngiting saad nya.

"Mga bwiset na magjowa lagi nalang naglalandian kung saan saan. Hay nako nakakaputangina na talaga" pabulong na sabi nya bago umalis.

Sinamaan ko sya ng tingin pero tinawanan nya lang ako.

"Tara na. Uwi na tayo maguumaga na oh" sabi nila Kael sa likuran namin kaya naman tuluyan na nya akong binitawan.

Nakita kong kabababa lang nila Ethan sa ferris wheel at puro pula na din ang leeg nya. Nagtukaan nga ang mga gago.

Sinensyasan ko syang aalis na kami kaya naman sumunod na sila sa amin.

Sumakay na kaming lahat sa van ng magsalita si Lawrence.

"Ako na magd drive" sabi nya at akmang papasok ng driver's seat ng unahan sya ni Steve.

"Ako na"

"Oo nga sya na muna. Ayoko pang mamatay. Kilala kita gago." Sabat ni Casper kaya naman umikot nalang sya sa passenger's seat.

Nandoon si Seph pero agad nya itong hinila pababa at pinasakay sa may tabi namin.

"Jan ka na muna" Sabi nya kaya wala ng nagawa si Seph kundi maupo nalang doon.

Nakarating kami sa harapan ng isang magarang bahay at agad naman kaming pinagbuksan.

"Kanino to?" Tanong ko sa kanila at nag taas naman ng kamay si Steve.

Ininuro nya sa amin kung saan ang kwarto namin kaya nakapagpahinga na kami.

Naligo muna ako bago sumunod naman si Marcus sakin at pagkatapos ay nahiga na kami.

"I love you my love" bulong nya sakin sabay na mabilis akong hinalikan at saka pinatay ang ilaw sa side table.

Taste of Hell ( Hell Series #1 ) COMPLETE✔️Where stories live. Discover now