[Treinta Y Dos] VERIFIED

26 1 0
                                    

EMMANUELA'S POV

"Nice to meet you."

Hindi sa nasusuka ako pero nararamdaman kong bumaliktad ang sikmura ko nang makita siya. Maganda siya, halatang mestiza. Nakatako pero halatang ang tangkad niya. Ang alam ko ay twenty years old si Sheryl. Mas matanda sakin, mas may silbi sa lipunan at sa pagkakaalam ko ay she's doing well in her studies. 'Di man ako nakafollow sa mga social media accounts niya ay dumadaan pa rin siya sa newsfeed ko. I'm not surprised, sikat naman talaga siya as an influencer. Nakikita kong pinopost niya ang mga achievements niya sa social media at yung mga ine-endorse niyang products at kahit na bihira ko lang makitang dumadaan ang post niya sa feed ko ay 'di ko mapigilang mainggit sa kung ano meron siya.

Maganda, may trabaho, matalino, at may kompletong pamilya. Sino ba ang hindi maiinggit d'yan?

"Uhm.." napaghalataan ata ni Lucius na tahimik lang ako. 'Di ko naman masis sarili ko, lalo na't nakita ko siya sa isa sa mga post ni Lucius sa instagram. Mas lalong bumigat ang loob ko.

"Mukhang kilala mo na siya si Liene," ani Lucius. Napatingin naman ako sa kanya nang bumanggit siya ng ibang pangalan at saka kumunot ang noo ko. Liene? Eh diba si Sheryl 'yan?

"My name is Sheryliene Hermosa Marco." Bumalik ang tingin ko kay Sheryl nang magsalita ito.

Napakurap ako sa narinig ko. Marco? Porkchop, don't tell me-

"Ha?"

"She's my little sister." Nakangiting tugon ni Lucius. Napalaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya.

Si Sheryl?! Kapatid niya?! Kaya pala pareho ang kutis nila! Tinikom ko na lamang ang bibig ko sa nalaman ko. Nakakahiya lang, kapatid pa niya si Sheryl tapos pinagseselosan ko. Eh sino ba kasi ang hindi magseselos sa mukha na 'yan?! Ang ganda ganda kasi niya porkchop, kung itabi kaming dalawa malamang isa lang akong basura na nasa kanto.

"Liene, this is Emmanuela." Pagpapakilala ni Lucius sakin. Nginitian ako ni Sheryl, mas lalo kong kinasusuklaman ang sarili ko. Bakit ba kasi sa lahat nang pwede kong pagselosan ay ang kapatid niya pa?!

"N-Nice to meet you," ani ko kahit na hindi ko kayang magsalita ngayon dahil sa kahihiyan na nararamdaman ko. Napayuko nalang ako, for sure hindi alam ni Lucius kung bakit ganito ako kung umasta ngayon.

Buti na nga lang at 'di ko sinabi sa kanya na nagseselos ako kay Sheryl. Na kapatid niya!

Sheryl chuckled. "She seems shy. Girlfriend mo?" tanong niya. Agad naman akong napatingin kay Lucius para kunin ang reaksyon niya.

Pero, "Why are you here?" he asked her. Just like what happened on the ground floor with Perry, iniiwasan niyang sagutin ang tanong na iyon.

I'm not gonna lie. It feels off. Alam kong wala akong karapatan because in the first place, alam ko ang pinasok ko. Pero, I don't know, something inside of me that wants more that just what we have now. I am not certain what but it sure hurts a bit to know that he's not interested in answering that question.

Sheryl seems oblivious as she just answered Lucius' question, "Pinatawag ako ni dad," she paused to sigh. "He badly wants me to sign the contract." Napanguso ito pagkatapos magsalita.

Geez, ang ganda talaga niya.

"And? Did you?" dagdag pang tanong ni Lucius.

"No, kuya. Ayoko," ani Sheryl. Halatang nagpipigil siya sa pagpapaliwanag. Siguro dahil andito ako? I subtly froze on my spot when she looked at me again.

"What are you guys doing here pala?" tanong niya bago niya binalin ang tingin niya pabalik kay Lucius.

"We're here to see dad."

THE LOVER : Lucius Marco Where stories live. Discover now