XV: She's Mine. All Mine.

465 150 25
                                    

Excited na binuksan ni Capricorn ang pinto sa pag-aakalang si Nathan ang nag-doorbell. Ngunit laking gulat niya na ang namumulang pisngi ni Andrew ang bumungad sa kanya.

"Capricorn..." Umiiyak ito. Halata sa hitsura at tindig ni Andrew na nakainom ito.

"A-Andrew?"

"Cap... my m-mom..." Tuloy sa paghikbi ang binata.

"W-what happened to your mom?" tanong ng dalaga. Capricorn flinched nang biglang humawak sa kanyang braso ang binata. Hindi siya sanay na makita ito na lasing. Sa buong duration ng kanilang relasyon, first time niyang makita ito na ganito.

"She's critical, Cap. W-what do I do?" Tuloy-tuloy ang pagbuhos ng luha ni Andrew.

Nakaramdam ng pagkahabag ang dalaga. Andrew loves his parents deeply. Ito ang isa sa katangian ni Andrew na sobrang na-appreciate ni Capricorn. Nabasa ng dalaga sa isang article na dinala sa France ang mother ni Andrew noong nakaraang buwan para magpagamot. Umaasa ang pamilya Sandoval na madugtungan pa ang buhay ng ginang sa tulong ng mga espesyalista doon.


Samantala...

Lakad-takbo ang ginagawa ni Nathan para marating agad ang condo unit ng dalaga. Bukas pa rin ang linya ni Capricorn pero hindi na niya ito makausap. Dinig na dinig ng binata ang pagbigkas nito sa pangalan ni Andrew. Agad siyang binalot ng kaba. Base sa kanyang narinig kanina, mukhang lasing ang ex-fiancé ng dalaga.


◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇


"I feel so useless, Cap. I w-want to ease her pain, but... there's n-nothing I can do."

Kasalukuyan na nakapatong ang noo ni Andrew sa balikat ni Capricorn. Langhap ng dalaga ang amoy-alak na hininga ng binata. Hindi niya ito makuhang itulak dahil tiyak na masusubsob ito. Walang tigil pa rin ito sa pag-iyak. 

"Come inside. Maupo ka muna," anyaya ng dalaga. 

Hindi kayang ipagtabuyan ni Capricorn ang binata na nasa kasalukuyang sitwasyon. Inalalayan niya ito papasok. Hindi pa rin inaangat ni Andrew ang nakapatong na noo sa balikat ng dalaga kung kaya't patalikod ito na humahakbang patungo sa kinaroroonan ng sofa. May kabigatan si Andrew para sa build na kagaya ng kay Capricorn. Matangkad din ito—6'1. Almost similar ang body build nito kay Nathan. At dahil patalikod ang ginawang paghakbang ng dalaga, huli na nang mapansin niyang tatama na pala ang kanyang sakong sa paanan ng sofa. Sa bigat ni Andrew hindi na nakuhang agapan ng dalaga ang pagkabuwal sa nasabing upuan. Kasama sa pagbagsak niya ang katawan ni Andrew na ngayo'y nakapaibabaw sa kanya. Ito ang eksenang naabutan ni Nathan.

"What the fuck?!!" Marahas na inalis ni Nathan ang katawan ni Andrew na nakapatong kay Capricorn at ibinalibag ito. Parang sinapian ang binata sa lakas ng pwersa nito. Sa kabutihang-palad, bumagsak ang katawan ni Andrew sa pang-isahang upuan. Nilapitan ni Nathan ang lasing na binata at akmang ambahan ng suntok kung kaya't agad na pumagitna si Capricorn.

"Nathan, stop!"

"Capricorn. Move." madiin ang pagbigkas ni Nathan ng mga kataga. Kitang-kita sa mukha nito na nagngingitngit ito sa galit.

"He's drunk," paliwanag ng dalaga.

"And because he's drunk, I should let him touch my woman?!" nanggagalaiti na tanong ng binata.

My woman. Napakasarap pakinggan nun sa tenga ng dalaga.

"Or am I being too bold in calling you my woman?" This time may pait na sa tono ni Nathan.

The Zodiac Series: CapricornTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon