XVII: Grief

439 150 33
                                    

Around the 2nd week of November.

Isang tawag ang bumulahaw sa mahimbing na tulog ni Capricorn. Dahan-dahan niyang idinilat ang mga mata para sipatin ang digital clock na nakapatong sa nightstand. 02:27 AM. Sino ang tatawag sa kanya ng ganitong oras? Maingat niyang inaabot ang hindi pa rin tumitigil sa pagri-ring na mobile phone. Nakalimutan niyang i-switch ito sa silent mode. Limitado ang kanyang galaw dahil may matipunong braso na nakayakap sa hubad niyang katawan. Si Nathan. Sa condo niya natulog ang binata. Kauuwi lamang nito galing sa business trip sa Cebu at bilang nakagawian tuwing may out of town trip, sa condo ng dalaga ito tumutuloy.

Nang mahawakan ang telepono agad niya itong sinagot para matigil na sa pagri-ring. Binuksan niya na rin ang bedside lamp na abot-kamay lang niya. And because she was in a daze, huli na nang marealize niyang kay Andrew galing ang tawag. Kasalukuyang nasa France ang binata para bisitahin ang ina na naka-admit doon. First week of November nang umalis ito.

"H-hello..." pabulong na bungad ng dalaga. Hagulgol ang unang narinig ni Capricorn mula sa kabilang linya. "Andrew, what's wrong?" Naramdaman ng dalaga na mas isiniksik pa ni Nathan ang mukha nito sa kanyang leeg. She softly pats his head para bumalik ang binata sa pagtulog.

"She's gone, Cap. My mom... she's gone."

Napasinghap ang dalaga. Tuloy ang hagulgol ng binata. "Oh, my God. Andrew... I'm so sorry to hear that. My condolences." She feels sad for him. "How's your Dad?"

"Hindi ko pa siya makausap, Cap. It hit him hard too."

"Of course, yeah... Oh, my. I— I don't know what more to say. I know that this will be very hard for you, but please stay strong, okay?"

"I wish you're here with me, Cap." He whispered.

Oh. She hopes that Nathan is sleeping and didn't catch that. Tahimik ang paligid kung kaya't hindi imposible na marinig ni Nathan ang sinasabi ng nasa kabilang linya. "Please be strong. Your dad needs you more than ever."

"I'll do my best, Cap. Aayusin lang namin ang mga kailangang documents, then we'll bring her home."

"Okay, I'll see you when you get back."

"Please do... Thank you for taking my call, Cap. Alam kong madaling-araw na d'yan sa atin. It's just that the pain is too much and I wanted to hear your voice for comfort."

Capricorn is really hoping that Nathan is fast asleep. "Don't mention it. It's perfectly fine."

Maya-maya pa ay nagpaalam na rin si Andrew. Maingat na ibinalik ng dalaga ang mobile phone sa nightstand. Tumagilid ang dalaga paharap sa gawi ni Nathan para mayakap niya ito ng maayos. Hinalikan niya ang tuktok ng ulo nito. God, he smells amazing. She took in his scent as much as she could. Just when she thought she could finally go back to sleep, Nathan spoke.

"It wasn't perfectly fine." He spoke in a raspy voice.

Oh my. Nag-angat ng ulo ang binata para makita ang mukha ng dalaga. Capricorn forgot to turn off the bedside lamp kung kaya't kitang-kita niya ang selos na nakarehistro sa mukha ng binata. "I'm sorry. I didn't mean to wake you up," apologetic na wika ni Capricorn.

"Why does he keep on calling you? May fiancée naman siya bakit hindi 'yun ang tawagan niya? Actually, I find it weird na hindi niya isinama si Cate sa France."

"I don't want us to fight," naka-pout na wika ng dalaga. Iniiwasan ni Capricorn na pahabain pa ang usapan. She wants Nathan to take his needed rest.

"We are not fighting, baby. Medyo naiinis lang ako."

"Pwede ba na intindihin na lang muna natin siya? He's grieving."

The Zodiac Series: CapricornTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon