XXII: Drugged

273 133 20
                                    

"Are you sure you're okay, baby? You doesn't sound like it," may pag-aalala na tanong ni Nathan. Magkausap ang magkasintahan sa telepono at napapansin ng binata ang tamlay sa boses ng nobya.

"Yeah, I'm good. Don't worry. Inaantok lang ako. I think I have to hit the bed early."

"Oh, okay." Past 9 pa lamang ng gabi at medyo unusual 'yun para sa nobya na matulog ng ganito kaaga. "Go ahead, baby."


Around 11 PM ng magising si Capricorn. Nakatulog kaagad siya kanina pagkatapos makausap ang nobyo. Naghahanap ng pagkain ang kanyang sikmura kung kaya't napilitan siyang bumangon. Tumungo siya sa kanyang refrigerator at doon naghagilap ng makakain. Walang leftover na makakain ang dalaga at ubos na rin ang kanyang stock na groceries. Mabuti at may natira pang isang apple. Kailangan niyang isingit sa schedule ang paggo-grocery kundi wala siyang makakain 'pag ganitong nagugutom siya sa kalaliman ng gabi. Tuesday pa lamang at malayo-layo pa ang weekend.

Paubos na ang kinakain na apple ng dalaga nang biglang tumunog ang kanyang front door at bumukas. Ang gwapong mukha ng boyfriend ang bumungad sa kanya. Napako na ang dalaga sa pagkakaupo sa sofa at minamasdan na lamang ang nobyo na naghuhubad ng shoes and socks. Hindi na  siya tumayo para salubungin ito. Kagat-kagat niya ang natitirang hiwa ng apple nang lumapit sa kanya si Nathan at kumagat din sa prutas. Actually, excuse lang 'yun ng binata para mahalikan ang nobya.

"Hey, that was my food," reklamo ni Capricorn pagkatapos lunukin ang huling chunk ng apple. Hindi na nagtaka ang dalaga kung nandito man ang nobyo. Madalas na itong ginagawa ni Nathan. Basta-basta na lamang ito dumadating. Minsan nga'y nagigising na lamang ang dalaga na yakap-yakap siya ng nobyo. May mga damit na rin ang binata sa kanyang closet.

"Hi, baby." Muling hinalikan ni Nathan ang labi ng nobya. "I thought you were sleeping."

"I did, but I woke up hungry."

"Hindi ka ba nag-dinner?" tanong ni Nathan habang naghuhubad ng suit jacket. Galing pa sa opisina ang binata.

"I had," naka-pout na sagot ng dalaga.

"Okay, I'll get you some food."

"I'm out of groceries. Bukas pa ako mamimili."

"I'll order then. Do you want something in particular?"

"Hmm... I want some korean cream cheese garlic bread."

"Oh, yeah? Well, that's weirdly specific."

"It's not weird, it's delicious," Capricorn huffs.

"Sorry, baby. I didn't mean it that way. It's usually you want some garlic bread, some pizza, some pasta... but not really that particular, especially during this hour. Are you, by chance, PMS-ing?" Nathan enquired.

"I'm not. I'm just craving for it," nakayuko na sagot ng dalaga.

"Aww, baby. Sure, let me check if I can find a store nearby that is still open for delivery."

Fortunately, Nathan was able to find a store na bukas 24/7 and delivers fresh bread, including that korean cream cheese garlic bread. While waiting for the delivery, which will take longer than usual given the time of the day, inaaliw muna ng binata ang sarili sa panonood ng romantic-comedy film na While You Were Sleeping (starring Sandra Bullock and Bill Pullman). Kasama niya ang nobya sa umpisa, but ten minutes into the movie, nakatulog ito. Umusog ang binata hanggang sa dulo ng sofa para maihiga niya ng maayos ang girlfriend. At ngayon nga ay mahimbing na itong natutulog habang nakaunan sa kanyang hita.

The Zodiac Series: CapricornTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon