Chapter 20:

87 3 15
                                    

“Okay, guys! We still have four days until the track meet, we must improve within a week so that we’ll win rest assured!” Kiko encouraged the other club members to be the best that they can be for the incoming track meet on Sunday. Ngayong tapos na ang kanilang midterms ay mas makakapag-ensayo na sila.

“Mananalo tayo, claim it!” he smiled. Nhumiti naman din ang lahat at tumugon sa kanilang club president.

“Viva, Epiphany!” They all yelled and they started their session for that afternoon. Hindi sila magkamayaw sa pag-eensayo, they wanted their speed to be perfect and precise.

At first, they tried to warm up by jogging. Nang mainat na nila ang kanilang mga buto ay nagsubok muna sila ng jumping exercises bago sila nag-ensayo sa kanilang bilis sa pagtakbo. After a while, they continued to practice-race where a clubmate challenges one another to a match.

Nang sumapit ang alas kuwatro ng hapon ay saglit muna silang tumigil sa pag-eensayo para huminga at uminom ng tubig. Sa mga pagkakataong iyon ay dito na rin hinila ni Sara sila Pia at Leni upang makipag-kuwentuhan.

“Huy alam niyo ba, ang daming humahabol na nagiging mag-jowa ngayon?” Sara mentioned while they are in the middle of their break.

“Humahabol siguro sa pasko—” Kaagad naman kinontra ni Sara ang opinyon ni Pia sa biglaang pagtugon.

“Para sa school trip, Pia. Sigurado ako do’n! Pustahan pa tayo.” she insisted. Nagkatinginan naman sila Leni at Pia at kapuwa sila napatango, somewhat that makes sense.

“Pero ’yon lang ba talaga ’yon?” Pia then followed by asking.

“Parang ang childish, kakailanganin pa ng jowa para sa school trip. Parang ang simple lang naman no’n, ’di na ba uso ngayon ’yong magkakagusto ka dahil somewhat may espesyal kang hinahanggan sa taong ’yon?” Napatingin sila Sara at Pia kay Leni na ngayon ay ngumunguya na sa kinakain niyang sandwich.

“I agree with her. For some reason, parang nawawala na ang emphasis ng pag-ibig. Imagine, just for a certain event?” Bahagya silang napaisip, napabuga naman ng hangin si Sara at uminom muna ng juice bago siya tumugon sa kanilang dalawa.

“Napaka-radikal niyo namang dalawa, maging praktikal nga kayo ’no? Eh baka kasi itinaon lang, or nagkataon lang. ’Yong gusto kong itaon sa school trip ’yong pag-confess sa taong matagal mo nang gusto.” Sara lent her hands.

“Sabagay, it does change the fact that it’s not just for a certain event. Itinaon lang sa event, hindi lang para sa event.” Pia realized what Sara was point about.

“Saka ano namang mali ’don? Kung ako gusto ko nang magka-jowa para may ka-lambingan ako sa school trip eh. Kayo ba?” Sara reciprocated the topic, saglit pang napaisip si Pia at Leni at tumugon.

“Maybe?” Si Pia.

“Not specially.” Nag-aalangang tumugon si Leni, pinanliitan naman siya ni Sara nang mata at itinugon niya ang kaniyang paningin sa mga kalalakihan ilang metro ang layo sa kanilang likuran.

“Eh si Kiko?” she teased Leni.

“Ano?!” Nanlaki ang mga mata ni Leni sa kaniyang narinig, she replied in extreme surprise.

“Narinig ko ’yong pangalan ko, ano ’yon, ha?!” Saglit pa ay napabaling silang tatlo sa mga kalalakihan sa kanilang likod, doon ay nakita nila si Kiko na nakatingin sa kanila habang nakakunot ang noo nito.

“Wala, we’re just talking about the track meet. Nagkataon lang na nadawit ’yong pangalan mo.” Sara smiled, her excuse brought the boys to be on their thing again, bumalik na rin silang tatlo sa pag-uusap.

HatsukoiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon