Chapter 40:

94 9 27
                                    

Malalim ang paghinga ni Sara nang sumalang siya patungo sa kaniyang lalabanan, saglit na takbuhan lamang iyon kumpara sa nilabanan ni Leni kanina. She’s competing on the fifty-meter dash and she’s determined enough to win.

“Participants of the girl’s fifty-meter dash, please proceed to the tracks now.” Anunsiyo ng announcer, huminga nang malalim si Sara at nagtungo na nga siya sa tracks kasama ang kaniyang mga kalaban sa kompetisyon.

Kiko, Leni, Pia, and the other members of the track and field club is cheering for her and she can totally hear it. Napangiti siya nang malaman niyang maraming sumosoporta sa kaniya, handa na siyang kuhanin muli ang ginto.

“Ready... get set...” Sara once again took a deep breath and she closed her eyes. The smile on her face switched into a fierce look.

“Go!” Kaagad siyang kumaripas ng takbo nang marinig niyang tumunog ang pito, pero... may mali. She slowed down and down making someone surpass the position she’s currently in. Sara couldn’t make it to surpass that one who just passed her.

She couldn’t think straight, she kept hearing Leni’s voice all over her head saying; “I’m in a relationship with him.” It echoes all over her head, hindi niya maiwasang hindi isipin iyon habang tumatakbo siya.

Kung kanina ay pangiti-ngiti lang siya, ngayon ay hindi niya na alam ang gagawin niya. Hindi niya matanggap, ayaw din niyang tanggapin. Ayaw niyang tanggapin na ganoon na lang iyon, na mababalewala na lang ang nararamdaman niya

Kung isnabi niyang ayos lang iyon kanina, nagsinungaling siya kay Leni at sa kaniyang sarili.

Pagod na pagod siya.

“Sara! Go faster! Kaya mo ’yan, Sara!” The members of the track and field club cheered her, they kept shouting and chanting her name but it’s useless—Sara can’t go any further.

Kahit ano pang gawin niyang takbo, kahit ano pang gawin niyang hakbang at kahit gaano pa kahaba ito ay hindi niya maiwasang isiping may kasintahan na ang lalaking gusto niya.

Bongbong already has Leni.

Hindi niya alam ang gagawin, Hindi niya alam kung ano ang kaniyang aabutin, nawala ang kaniyang focus sa pagtakbo hanggang sa matapos ang laban—hindi niya naabot ang ginto.

Pero... naabot niya ang pangalawang puwesto.

Hapong-hapo siyang naglalakad patungo sa direksiyon ng kaniyang mga kasama at nang makakapit siya rito ay kaagad nila siyang niyakap. Kahit na ganoon ang nangyari ay masaya pa rin ang lahat sa nakamit niya dahil mataas na iyon.

Tiyak na isa rin siya sa mga aabante sa Nationals.

“Okay lang ’yan, Sara! Makaka-abante ka naman sa Nationals, kami nga hindi eh. Bagsak nanaman kami sa third place.” Tawa nila Robin, Lito, at Bong.

“Ako naman, silver lang ulit ang nakuha ko, atleast may karamay ka sa second place, ’di ba?” Pia also encouraged Sara to cheer her up.

“Yeah, sometimes it’a not for us. Baka sa Nationals ang muling pagtatagpo niyo ng ginto.” Saad naman ni Koko na nakakuha ng ginto kagaya ni Leni at Kiko sa kaniyang karera.

“Salamat sa inyo, magpapahinga na muna ako. Gusto ko lang mapag-isa muna.” Huminga nang malalim si Sara at matamlay siyang naglakad patungo sa mga upuan sa kabilang ibayo ng stadium upang mapag-isa.

Nang pagmasdan ni Kiko si Sara kanina ay may naramdaman ang binatang mali sa mga ikinikilos nito, Kiko can definitely tell that Sara was distracted. Hindi nito alam pero nais niyang makasiguro.

Dito na rin napag-isip-isip ni Leni na dapat ay hindi niya na muna sinabi kay Sara ang estado nila ni Bongbong, na dapat pala ay pinatapos na muna ni Leni ang karera bago niya sabihin iyon. Naisip niyang ang tanga niya sa bagay na iyon, hindi niya naisip ang magiging resulta ng pagsasabi niya ng totoo.

HatsukoiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon