Prologo

230 13 29
                                    




[Prologo]

Nabalot ng dilim ang buong silid. Wala kang makikita kundi ang isang computer na naka bukas sa tapat ng malaking bintana. Malakas ang buhos ng ulan sa labas. Sa tapat ng bintana naka upo ang isang babae na nag ngangalang Athena.

Si Athena ang nag iisang anak ni Grace na isang kilalang journalist sa buong bansa. Simula nang mamatay ang kanyang ama, mag isa na ni Grace na itinaguyod ang kanyang anak ba babae. Bukod sa matalino ang dalaga, marami din itong talento gaya ng pag susulat ng mga nobela.

Maliit palang si Athena ay pangarap na nitong sumunod sa yapak ng kanyang lola at ina ngunit, habang lumalaki siya, sinabi niya sa kanyang sarili na hindi siya ganon katalino upang maging mamamahayag. Kasalukuyang nag-aaral ngayon si Athena ng kolehiyo sa Unibersidad ng Santo Tomas at nag tratrabaho din siya sa isang malaking kumpanya bilang manunulat ng kilalang mga nobela na ginawhan na rin ng mga palabas upang mapanood ng mga tao sa telebisyon.

Pinag sasabay niya ang kanyang pagtratrabaho at pag-aaral dahil napamahal na rin ito sa pag susulat ng mga nobela.

Lumakas ang bugso ng hangin dahilan para mabuksan ang malaking bintana ng kwarto ni Athena. Simple lang ang buhay nilang mag ina kahit malaki ang kinikita ni Grace (ina ni Athena) sa kanyang trabaho bilang mamamahayag.

"Ahh!" sigaw ng dalaga nang makita niyang pumapasok na ang tubig ulan sa kanyang silid. Agad siyang tumayo para isara ang kanyang bintana ng mabuti. Isinindi niya ang kanyang ilaw at tumingin ito sa orasan na naka sabit sa kanyang ding-ding.

"Laura!" inis na sigaw ng dalaga. Si Laura ang kanyang pinsan na nag babakasyon sa kanilang bahay at magkasing edad lang sila. Galing ito sa probinsya ng Isabela at ngayon lang ulit ito naka bakasyon sa manila.

"Oh bakit? Ano bang problema mo?" nag mamadaling tanong ni Laura sa kanyang pinsan na si Athena.

"Nakalimutan mo nanamang isara ng mabuti yong bintana ko! Hindi ba't ilang beses ko ng sinasabi sayo na kapag gagamitin mo yong computer ko at ibubukas mo yong bintana, siguradohin mong naka sara iyon ng mabuti pagkatapos mo dahil pag umuulan mababasa yong computer ko! At may mga libro din ako doon paano kung nabasa?!" inis na sermon ng dalaga kay Laura habang si Laura naman ay nakangiti lang habang nag susubo ng hotdog sa kanyang bunganga.

"Sorry na," saad ni Laura. Gustong-gustong asarin ni Laura ang kanyang pinsan dahil nakakatawa daw ito pag nagagalit.

"Sa susunod na gagamit ka ng computer ko, hindi mo na pwedeng ibukas ang bintana!" inis na sambit ni Athena at tinuro pa ang mukha ni Laura dahilan para matawa ito. Nag salubong ang kilay ni Athena.

"Ang init kaya! Ayaw mo namang ipa-gamit saakin yong aircon mo!" tugon naman ni Laura.

"Fine! Pwede mo ng gamitin!" Napa irap si Athena kay Laura at akmang babalik na sana sa kanyang silid nang tawagin siya ng kanyang ina.

"Athena, Laura halina kayo at kakain na," sigaw ng kanyang ina kaya napakamot ito sa kanyang ulo.

"Ma! Hindi ako kakain, may kailangan pa akong tapusin," sagot ni Athena sa kanyang ina na ngayon ay nag hahanda ng mga pagkain sa hapag. Nakasuot pa ito ng kanyang uniporme sa kanyang trabaho at mukhang kararating niya lang dala ang mga pagkain na hinahain niya sa lamesa.

"Anong hindi kakain? Halika nga ditong bata ka!" saad ng kanyang ina kaya napabuntong hininga ang dalaga at inis na bumaba papunta sa kusina.

Naabutan niya ang kanyang ina na nakaupo na sa hapag at hinihintay na sila ni Laura. Ngumuso ang dalaga at umupo sa harap ng kanyang ina.

"Ba't ganyan ang mukha mo?" tanong sakanya ni Grace na ngayon ay nag lalagay na ng kanin sa kanyang plato.

"Kailangan na ni Mr. Chan ang novel ko pero hanggang ngayon ay wala pa akong naumpisahan. Sumabay pa ang p*tang inang thesis ko," inis na saad ng dalaga dahilan para lumaki ang mata ng kanyang ina.

"Athena Jaden Ramos! Watch your language!" Pilit na napangiti ang dalaga habang namamatay na sa katatawa si Laura sa gilid niya.

"Sorry,"

"Puputulin ko yang dila mo sa susunod na marinig pa kitang mag mumura," banta sakanya ni Grace kaya napa tango ang dalaga at siniko si Laura dahilan para mapatigil ito sa katatawa.

Tahimik silang kumain ng pang gabihan hanggang sa matapos na sila. Nag paalam si Laura na pumunta na sa kanyang silid habang naiwan naman si Athena at ang kanyang ina sa kusina. Kasalukuyang nag huhugas ng pinag kainan si Athena nang may inabot sakanya ang kanyang ina. Nag taka ang mukha ng dalaga at hinugasan ang kanyang kamay.

"Ano to'? Ma, madami pa akong ballpen sa kwarto ko." Binatukan ni Grace ang kanyang anak at ibinigay ang magic pen sakanya.

"Hindi yan isang ordinaryong panulat! Makakatulong yan sa pag susulat mo ng nobela," paliwanag ng kanyang ina sakanya kaya nag salubong ang kilay ng dalaga. Para itong balahibo ng ibon o manok na kulay ginto.

"Wag na wag mong iwawala yan! Ingatan mo yan ng mabuti dahil pinamana pa saakin yan ng lola mo," dagdag pa ni Grace sakanyang anak. Tinitigan ni Athena ang magic pen at tumango ito sakanyang ina.

"Umakyat ka na doon, at ako na ang mag huhugas diyan." Tumango ang dalaga at sinunod naman ang sabi ng kanyang ina. Umakyat si Athena sa kanyang silid at kumuha ng notebook. Gusto niya itong subukan kung paano nga ba siya matutulungan ng panulat na binigay sakanya ng kanyang ina.

~Phone ringing ~

Napatingin si Athena sa kanyang cellphone nang mag ring ito ng napakalakas. Inilagay niya sa kanyang bag ang magic pen at agad na inabot ang kanyang cellphone.

"Hello?" saad niya rito.

"Hello my favorite writer!" saad ni Mr. Chan. Napangiti si Athena nang marinig niya ang boses ng kanyang baklang boss sa kabilang linya.

"Ba't po kayo napatawag Mr. Chan?" Mahinhin na tanong ni Athena kay Mr. Chan.

"Do you have classes tomorrow?" tanong ni Mr. Chan sa dalaga. Tumayo si Athena at kinuha ang kanyang schedule sa tabi ng kanyang computer.

"Uhmm, bukas po, may klase po ako ng eight o'clock ng umaga hanggang one o'clock ng hapon," saad ni Athena.

"Oh okay, bukas kung wala ka ng gagawin go to my office," saad ng kanyang boss.

"Okay po," saad ng dalaga at ibinaba na ang kanyang telepono.

Bumuntong hininga ang dalaga at isinubsob ang kanyang katawan sa kanyang kama.

*************

Out of this world (The Magical Quill)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon