Kabanata 10

125 11 18
                                    

[Kabanata 10]
.
.
.

Athena's point of view...

Ipinagpaliban ng Hari ng Garnet ang kasal namin ni Prinsipe Mizra dahil hindi pa natutukoy kung sino ang aleng nag bibigay ng lason sa kanyang mga biktima. Hindi rin kasi ligtas dahil marami ang dadalo saaming kasal. Hindi kami nakakasiguro dahil baka umatake muli ang Hari ng Ruby at lagyan ang mga ihahandang pagkain ng lason na tinatawag na Venom oak. Masyadong matalino ang Hari ng Ruby at makakagawa ito ng paraan para maging magulo ang kasal, maslalo na't napaka espesyal ng kasal namin ni Prinsipe Mizra at ito lang ang tanging paraan para matalo ang kasamaan niya.

"Kuya, mag iingat ka." Kasalukuyang nakatayo ako sa pintuan ni Prinsipe Adelio habang pinag mamasdan siyang mag empake ng kanyang gamit. Lalabas siya ng aming kaharian para gamutin ng libre ang mga nabiktima nung ale sa nayon ng Garnet at sa iba pang mga nayon na malapit dito.

"Wag kang mag alala Amalia, mag iingat ako para sainyo ni ama." Binitbit niya ang kanyang bagahe at lumapit saakin. Ginulo niya ang aking buhok at ngumiti.

"Alagaan mo si Amalia para saakin, Prinsipe Mizra." Lumingon ako saaking likod at nakita ko nga doon si Prinsipe Mizra. Tumango si Prinsipe Mizra at lumapit saakin.

"Mag iingat ka, Prinsipe Adelio." Pagkatapos mag paalam ni Prinsipe Adelio saamin ni Prinsipe Mizra ay tuluyan na siyang Lumakad paalis kasama ang dalawang guwardiya.

"Wag kang mag alala, kaya na ni Prinsipe Adelio ang kanyang sarili," pag basag ni Prinsipe Mizra sa katahimikan. Tumingin ako sakanya at hinawakan niya ang aking dalawang kamay.

"Hayaan mo akong alagaan ka habang abala si Prinsipe Adelio sa kanyang misyon." Nanatili akong naka tingin sakanya. Mukha siyang anghel pag ganyan siya kalumanay mag salita.

"Kung ganon, aalagaan mo lang ako kung kinakailangan?" Inalis ko ang pagkahawak niya saakin kamay.

"Hindi! Hindi sa ganon," nagpapanic na tugon niya at kinuha muli ang aking dalawang kamay.

"Hayaan mo akong alagaan ka habang buhay. Nandito man ang iyong kapatid o wala, mananatili ako sa iyong tabi."

****

Lumipas ang ilang oras at nandito na ako sa silid ni Gwen. Nag papahinga parin siya hanggang ngayon at medyo gumanda na ang kanyang pakiramdam. Pagkatapos ng pag uusap namin ni Prinsipe Mizra kanina ay nag paalam siya saakin na tutulong siya sa pag hahanap sa ale na nag bibigay ng lason sa mga taong nakatira dito sa nayon ng Garnet.

*Knock*knock*

"Sino yan?" tanong ko at lumapit sa pintuan.

"Ahmm, si Prinsipe Gabriel po ito." Mabilis na binuksan ko ang pinto at bumungad saakin si Prinsipe Gabriel na naka hawak ng dilaw na rosas.

(Dilaw na rosas ang ibinibigay kapag may sakit ang isang tao at bumibisita sa taong may sakit)

"Mabuti naman at dumating ka, si Prinsipe Mizra?" tanong ko. Inilapag niya ang dilaw na rosas sa tabing lamesa at umupo sa gilid ng kama ni Gwen.

"Kasalukuyang nasa labas parin siya ng inyong kaharian at tumutulong sa pag hahanap," tugon naman ni Prinsipe Gabriel. Ugh! Akala ko ba aalagaan niya ako? Hay, may nalalaman pa siyang 'Hayaan mo akong alagaan ka habang buhay'.

Out of this world (The Magical Quill)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon