Kabanata 1

222 14 35
                                    

[Kabanata 1]

Nag unat ng katawan si Athena nang marinig niya ang kanyang alarm clock sa side table ng kanyang higaan. Agad niya itong pinatay at nag madali siyang pumasok sa kanyang banyo. Maaga ang kanyang klase ngayon at napakasungit pa naman ng kanyang professor kapag may na late sa kanyang klase.

Nag madaling naligo si Athena at nagpalit ng kanyang uniporme. Natural ang kagandahan ni Athena kaya hindi niya na kailangang mag lagay ng kolorete sa kanyang mukha upang maging maayos tignan. May kumikislap siyang mga mata, mahahabang pilik mata, makapal at mahabang buhok, matangos na ilong, makinis na balat, makakapal na kilay, at higit sa lahat, may mapupulang labi.

Bahagya niyang sinuklay ang kanyang itim at mahabang buhok at nilagyan ito ng maliit na kulay gintong ipit sa buhok. Ngumiti siya sa salamin at inilagay na ang kanyang loptop at iba pang libro sa kanyang bag.

"Laura! Wag mong kalimutan na i-lock yong pintuan at gate, mauna na ako," bilin ni Athena kay Laura na kumakain nanaman sa kusina. Alam ni Athena na maagang umaalis ang kanyang ina papunta sa kanyang trabaho kaya hindi na siya nag abalang mag paalam dito.

Lumabas si Athena sa kanilang gate at tiyaka nag lakad patungo sa labas ng kanilang village. May sasakyan naman si Athena kaya lang, tinatamad siyang mag maneho at mas gugustohin niya nalang mag taxi.

"Taxi!" Kumaway ang dalaga sa paparating na taxi. Tumigil naman yon sa tapat niya kaya agad siyang pumasok dito.

"Saan po kayo?" tanong nong driver dahilan para mapa buntong hininga ang dalaga. Iniisip ng dalaga na obvious naman na sa UST siya pupunta dahil sa kanyang suot na uniporme.

"UST po," tipid na saad ng dalaga at itinuon ang atensyon sa daan.

Lumipas ang ilang minuto nakarating na rin siya sa harap ng kanyang paaralan. Hindi naman masyadong malayo ang UST sa bahay nila kaya madali lang siyang nakarating doon habang naka taxi.

Nag abot siya ng limampung piso sa driver at nag madaling lumabas ng sasakyan. Sinalubong siya ng kanyang nag iisang kaibigan na si Gweneth.

"Jaden! Jaden! Jad---"

"Shhh, ang aga aga napaka ingay mo," putol sakanya ni Athena. Madalas siya nitong tawagin na Jaden dahil mag bagay daw niya yong pangalan niyang iyon.

"Hoy! Parang hindi ka naman nasanay sa 'kin," tugon naman ng kanyang kaibigan at siniko siya ng mahina.

"Kailangan ko ng peace of mind ngayon okay?" saad naman ni Athena at umirap pa. Nag simula na silang mag lakad patungo sa room nila habang nag uusap.

"Ah oo nga pala, naumpisahan mo na ba yong novel mo?" tanong sakanya ni Gweneth kaya napailing ang dalaga.

"Sa ngayon, wala pa akong naiisip. Madalas kasing pinapagawa saakin ni Mr. Chan ay romance o kaya teen-fiction kaya nagulat ako nang fantasy ang ipagawa saakin." Si Gweneth lang ang nakakaalam na si Athena ang nag sulat ng mga sikat na nobela na pinapanood at binabasa ng mga tao.

"Hay nako! Thegreat/author." Agad na tinakpan ni Athena ang bunganga ng kanyang kaibigan nang sabihin ni Gweneth ang username niya. Walang nakakaalam na si Athena ang Thegreat/author na nag sulat ng mga sikat na nobela, tanging si Gweneth, Laura, Mr. Chan, at ang kanyang ina lang ang nakakaalam na siya ang taong iyon.

"Shhh ano ka ba, baka marinig ka nila," inis na saad ni Athena kay Gweneth na ngayon ay naka ngiti habang nagagalit sakanya si Athena.

"Oo na, titigil na ako," Suko naman ni Gweneth at itinaas pa ang kanyang dalawang kamay.

Lumipas ang ilang minuto, nakarating na rin sila sa kanilang classroom. Pareho sila ng kursong kinukuha kaya halos lahat ng klase nila ay magkasama sila. Nag madaling umupo si Athena sa pinaka likod na upuan at sumunod naman dito si Gweneth.

Out of this world (The Magical Quill)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon