Kabanata 13

76 5 13
                                    

[Kabanata 13]

Gaya ng sabi ni Prinsipe Alister, nahuli na kami sa pag gawa ng parol. Malapit ng matapos ang iba sa paggawa habang kami ay nag sisimula palang. Naupo kami sa bermuda grass at binigyan kami ng mga matiryales para sa aming gagawin na parol. Nakaupo ang Hari ng Carnelian sa isnag upuan na gawa sa bamboo habang masayang pinapanood ang mga tao.

Kasalukuyang nasa parang field kami ngayon at may mgandang lawa sa aming harapan.

"Nasan yong gunting?" tanong ni Prinsipe Alister at nag kamot ng kanyang ulo. Tumayo ito at lumakad palikod dahilan para masagi niya ang ginagawang parol nung isang guwardiya sa kanyang likod. Nailapit ito sa kandilang ginagamit sa pandikit at tuluyang nilamon ng apoy.

"Ahhh!" Sigaw ni Prinsipe Alister at pilit na nginitian ang guwardiya. Nang makita niyang medyo kumunot ang noo nito ay agad niya itong nginitian na para bang bata.

"Hehe, gagawhan nalang kita" saad niya at tinapik ang balikat nito. Halata sa mukha nung guwardiya na malungkot siya dahil sa nangyari.

"Ano ba ang gusto mong iguhit ko? Gusto mo ba ng mansanas? O... Aha! Alam ko na! Gusto mo ng Dragon? O siya guguhitan ko ang iyong parol," saad ni Prinsipe Alister sa guwardiya para pagaanin ang kanyang loob at gumuhit sa isang parol na kagagawa lang.

"Oh ayan na ang dragon!" Masayang saad ni Prinsipe Alister at ipinakita sa guwardiya ang kanyang naguhit. Agad na ngumiti ang guwardiya hanggang sa unti-unti na itong natawa. Agad na nag taka ang aking itura at tumayo saaking kinauupuan tiyaka hinablot sa guwardiya ang parol.

"Ahahahhahaha!" Tawa ko nang makita ko ang iginuhit ng Prinsipe. Ang tinatawag niyang dragon ay mukha lang palang uod! Yong earth worm! Ganon ang kanyang iginuhit ngunit, meron itong mga ngipin.

Lumapit ako muli kay Prinsipe Mizra at ipinakita ang iginuhit ng kanyang kapatid. Tumawa ito ng napaka lakas kaya agad na hinablot ni Prinsipe Alister ang parol at ibinalik iyon sa guwardiya.

"Yan na ang ipalipad mo, isa yan sa pinaka magandang naiguhit ko," mayabang na saad ni Prinsipe Alister dahilan para mas matawa kami ni Prinsipe Mizra kasama na yong guwardiya.

Gosh!

"Ano ang iyong iginuhit?" Nabaling ang aking tingin kay Prinsipe Mizra nang tanongin niya ako.

"Hindi ako marunong gumuhit kaya ang iginuhit ko nalang ay puso," saad ko at akmang titignan sana ang kanyang parol ngunit agad niya itong tinakpan.

"Ang daya mo, ano ba ang iyong ginuhit?" tanong ko sakanya dahilan para umiling ito at ngumiti.

"Makikita mo ito bukas pag ipapalipad na natin ang mga parol," saad niya kaya tumango nalang ako. Ang unang araw kasi ng pagdiriwang ng parol ay ang pag gawa, at ang pangalawang araw naman ay ang pag papalipad at pag wiwish o pag hahangad habang lumilipad ang iyong ginawang parol.

Bukas ang pag papalipad mg mga parol at sa susunod na araw ay uuwi na rin kami ng Garnet. Naalala ko rin ang sulat ng aking kapatid at nais niyang mag kita kami sa gilid ng ilog. Muntik ko na palang makalimutan ang bagay na iyon.

Lumipas ang ilang oras at natapos na din kami sa pag gawa ng aming mga parol. Malapit ng gumabi dahil ilang oras din kaming nag pahinga ni Prinsipe Mizra nang makarating kami rito. Nag prisinta si Prinsipe Mizra na hawakan ang aking parol habang pabalik kami sa karwahe. Dalawa ang gamit naming karwahe. Mag kasama kami nila Prinsipe Alister at Prinsipe Mizra sa isang karwahe habang ang Hari naman ang naka sakay sa kabila.

Out of this world (The Magical Quill)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon