Kabanata 7

125 14 23
                                    

[Kabanata 7]

Athena's point of view...

Malapit ng sumapit ang gabi at sobrang saya ko. Kahit na may kaunting pagkainis pa ako sa asungot na Prinsipeng iyon, hindi parin yon sapat na dahilan para hindi ako sumama sakanya ngayong gabi. Ayos na ako at medyo wala na rin ang aking ubo. Kanina pa ako nandito saaking silid at nag hahanap ng maisusuot. Kanina ko pa isinusukat ang mga bestidang nasa harap ko at kahit isa sa mga ito ay wala akong nagustohan.

"Ayoko na! Hindi na ako pupunta!" inis na sambit ko saaking sarili at itinapon ang aking katawan sa aking higaan.

"Hay nako, wag mong sayangin ang pagkakataong ito!" Inangat ko ang aking ulo upang tumingin kay Gwen na naka halukipkip sa gilid ng kama ko. Umupo ako at sumimangot sakanya.

"Tutal, gabi naman kayo mag kikita ni Prinsipe Mizra, hindi na niya mapapansin kung ano man ang isuot mo!" sermon saakin ni Gwen dahilan para lumaki ang aking mga mata. Matalino aking tao pero bakit 'di ko naisip ang bagay na iyon?

"Oo nga no'," nakangiting saad ko at agad na tumayo. Lumapit muli ako sa mga bestida na naka kalat sa sofa at kinuha ang isa sa mga iyon.

"Nako nako! Wag yan! Gabi na nga, mag iitim na bestida ka pa. Mamili ka ng iba," saad ni Gwen kaya binitawan ko ang itim na bestida at kunuha ang puting bestida na katabi nito kanina. Simple lang ito at hindi siya masyadong makapal. May mga naka burda din na mga bulaklak dito at kitang kita ang shape ng aking katawan.

"Yan! Ganyan dapat para mag mukha kang anghel sa paningin ni Prinsipe Mizra," biro ni Gwen saakin nang ipakita ko ang hawak kong gown sakanya. Umirap ako sakanya at dumiretso saaking banyo. Syempre, maliligo muna ako bago ako mag palit no'! Para fresh.

Makalipas ang tatlumpung minuto ay agad din akong natapos maligo. Agad akong nag palit ng puting bestida at pinakiusapan si Gwen na ayusin ang aking buhok. Sinuklay niya ang aking mahabang buhok at ipinusod ito.

"Maraming salamat," saad ko at ngumiti kay Gwen. Pinagmasdan ko ang aking mukha sa salamin at nag blow pa ng kiss doon. Ngayon ko nalang napansin na napakakinis pala ng mukha ko sa mundong ito, parang mas gusto ko ng manatili rito. Puro kasi stress ang nakukuha ko sa pag aaral ng abogasya kaya minsan sobrang daming tumutubong pimples sa mukha ko.

"Anong oras ka babalik dito? Gusto mo bang samahan nalang kita?" tanong ni Gwen saakin dahilan para mapailing ako.

"Wag na, sa aming hardin lang naman kami mag kikita at babalik rin ako agad," tugon ko kaya tumango ito. Matapos kong pag masdan ang aking sarili sa salamin ay lumakad na ako papunta sa pintuan ng aking silid.

"Pupunta na ako," paalam ko habang naka ngiti.

"Mag i-ingat ka dahil ako ang mananagot kapag may nangyaring masama sayo," babala saakin ni Gwen kaya tumango ako at tuluyan ng lumabas ng pinto. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ngunit, sa palagay ko ay nasasabik akong manood ng bulalakaw kasama ang asungot na Prinsipe ng Carnelian.

"O, saan ang punta mo?" Tumigil ang tibok ng aking puso at para bang naalis ang aking kaluluwa saaking katawan nang biglang lumitaw si Prinsipe Adelio saaking harapan.

"Hay! Ginulat mo naman ako," inis na sambit ko ngunit agad din na bumalik ang mga ngiti saaking mga labi.

"E, saan ba ang iyong punta? Gabi na ba't nasa labas ka pa?" sermon saakin ni Prinsipe Adelio at itinaas-taas pa ang kanyang dalawang kilay.

Out of this world (The Magical Quill)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon