Kabanata 2

211 14 58
                                    

[Kabanata 2]

"Nasa kaharian ka ng Carnelian," saad ng Prinsipe sa malamig na tono ng boses dahilan para mapatayo ang balahibo ng dalaga. Naka suot ang Prinsipe ng isang napaka eleganteng kasuotan na may kulay bughaw na kapa sa kanyang kanang bahagi ng katawan at may mga gintong naka palibot pa rito.

"Ha?"

"Bingi ka ba o ano? Ang sabi ko nasa kaharian ka ng Carnelian!"

"Hatdog!" Mas inilapit ng prinsipe ang kanyang espada sa leeg ni Athena dahilan para mapasogaw si Athena sa takot.

"Ahhhh! Hoy joke lang," sigaw ng dalaga. Habang papalapit ang espada sa leeg ni Athena ay may biglang lumipad na palaso at tinamaan ang dalawang guwardiya ng prinsipe dahilan para bumagsak ang mga ito sa lupa. Nag si-takbohan ang ang mga tao at nag si pasok sa kanilang mga tirahan. Inilabas ng ibang guwardiya ang kanilang mga espada at pana upang protektahan ang prinsipe.

Agad na tumayo si Athena at hinila ang prinsipe papasok sa isang bahay na wala ng nakatira at punong puno ng sapot. Nanatili silang naka tago sa isang sulok nang mapatingin sakanaya ang prinsipe. Hindi mapigilan ng prinsipe na mapatitig sa mukha ng dalaga dahil napaka ganda nito.

"Pst! Nakikinig ka ba mahal na prinsipe?" sarkastikong tanong ni Athena sa prinsipe dahilan para matauhan ito at mapataas ang kanyang kilay.

"A-anong sabi mo?" nauutal na tanong ng prinsipe.

"Ang sabi ko, bingi ka," saad ni Athena at tinulak ang prinsipe palayo sakanya. Lumapit sakanya ang prinsipe at agad nitong kinuha ang kanyang dalawang kamay at itinali iyon.

"Anong ginagawa mo? Tanggalin mo toh!" inis na saad ni Athena at sinusubukang tanggalin ang pagkatali sa kanayang kamay.

"Sigurado akong isa ka sa nag tatangkang patayin ako," saad ni Prinsipe Mizra at pilit na pinapaupo si Athena sa sahig.

"Niligtas nga kita kanina tapos sasabihin mong isa ako sakanila?! Bit*h!" saad ng dalaga dahilan para mag salubong ang dalawag kilay ng prinsipe.

"Bi-bits? Sino yon?!" nauutal na tanong ng prinsipe.

"Wala!" saad ni Athena at inirapan ito.

Nanatili silang dalawa sa sulok at walang kahit isa sakanila ang nag tangkang mag salita, hanggang sa may pumasok na isang babae at agad nilapitan si Athena. Lumaki ang mga mata ni Athena nang makita kung sino ang babaeng iyon. Naka suot ito ng body armor at may espada rin ito na nakasabit sa kanyang bewang.

"Gwen! Buti dumating ka nandito ka rin?" Dahan-dahan na inalis ng babae ang pagkatali sa kamay ni Athena habang naka tingin naman si Prinsipe Mizra dito.

"Anong ginagawa mo? Bakit mo siya pinapakawalan?!" pigil ni Prinsipe Mizra sa babae.

"Ako po si Naya, inutusan po ako ng hari ng 'Garnet' upang protektahan ang prinsesa," paliwanag ni Naya at patuloy parin sa pag alis ng tali sa kamay ni Athena.

"Bakit po ganyan ang inyong suot Prinsesa Amalia?" Agad na nanlaki ang mata ni Prinsipe Mizra at ni Athena nang tawagin siya ni Naya na Prinsesa.

"Prinsesa? Ito si Prinsesa Amalia ng Garnet?" gulat na tanong ng Prinsipe at mukhang hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig.

"Ako? prinsesa ako?" tanong ni Athena. Tumango si Naya at lumuhod ito sa harap niya.

Out of this world (The Magical Quill)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon