Kabanata 8

123 13 22
                                    

[Kabanata 8]

Athena's point of view...

Hindi ko alam kung bakit ba ako nagagalit kay Prinsipe Mizra, e. Alam ko naman saaking sarili na ako ang kusang nag hintay sakanya kahit alam kong hindi na siya darating. Kasalanan ko rin naman lahat. Sobrang over reacting ko lang talaga.

Malapit na rin ang kasal namin ni Prinsipe Mizra. Ngayon ko lang naalala na ilang araw nalang pala ay ikakasal na kaming dalawa at no choice na ako kundi maging maganda at mabait niyang asawa. Tumawa ako ng kaunti dahil sa mga naiisip ko.

"Makati ba?" Na tauhan ako nang biglang mag salita si Gwen dito saaking tabi. Kanina pa ako naka tunganga saaking malaking bintana habang iniisip ang katangahang nagawa ko. Una sa lahat, ba't pa kasi ako nag hintay? Pangalawa, ba't ko pa inaway si Prinsipe Mizra ngayong may katanggap-tangap naman siyang dahilan.

"Ano ba sa tingin mo? Ikaw kaya ang kagatin ng napakaraming lamok! Sa tingin mo 'di makati?" Inis na sambit ko at umirap kay Gwen. Wala ako sa mood ngayon at sobrang nangangati ang aking balat.

"Eh ba't ka ba kasi sa hardin ka natulog?" tanong saakin ni Gwen at pinahiran ng gamot sa pangangati ang mga kagat ng lamok saaking leeg at balikat.

"Pishh! Wag na nga nating pag usapan." Tumalikod ako sa malaking bintana dito saaking silid at lumakad patungo saaking higaan. Ibinagsak ko ang aking katawan at isinubsob ang aking mukha sa unan.

"Ahhh!" sigaw ko rito.

Knock* knock*

Agad na napa-angat ang aking ulo nang makarinig ako ng malakas na katok mula saaking pintuan.

"Gwen, paki buksan nga yong pinto," tamad na utos ko sa naka upo na nasi Gwen. Tamad na tumayo siya sa sofa at naglakad para buksan ang pintuan.

"Prinsipe Gabriel?" Agad na pumagilid si Gwen sa pintuan at yumuko kay Prinsipe Gabriel. Tumayo ako sa pag kakahiga at kinuha ang isang puting balbal na naka sabit sa gilid ng aking higaan at itinakip iyon saaking leeg at balikat.

"Tuloy po kayo Prinsipe Gabriel," nakangiting saad ko at yumuko. May hawak itong puting rosas at ibinigay iyon saakin.

"Para sayo nga pala," saad ni Prinsipe Gabriel.

"Puting bulaklak?" Tanong ko at tumingin kay Gwen.

"Gusto niya daw po kayong maging matalik na kaibigan. Yan po ang ibig sabihin ng puting bulaklak," singit ni Gwen kaya napangiti ako at inamoy ang bulaklak.

"Malapit na ang kasal niyo ni Prinsipe Mizra, nawa'y maging masaya kayong dalawa at mag karoon ng magaganda at  gwapong mga supling." Agad kong pinalo ang braso ni Prinsipe Gabriel at umiling-iling.

"Yan ba ang dahilan kung bakit ka pumunta rito?" tanong ko kay Prinsipe Gabriel na ngayon ay naka ngiti na parang aso.

"Oo, isa iyon sa dahilan. Pero ang tunay na dahilan kung bakit ako nandito ay, gusto sana kitang yayain na mag pinta o gumawa ng parol bukas, bilang isang kaibigan lamang." Kinamot ko ang aking leeg at tiyaka tumingin kay Gwen. Napangiti ako nang may idea na pumasok sa isip ko. Since may gusto si Gwen kay Prinsipe Gabriel at baka natatakot lang siyang sabihin ang kanyang nararamdaman... Ako na! Ako na ang gagawa ng paraan para mapalapit silang dalawa sa isa't-isa at balang araw papasalamatan nila ako dahil don wahahahah.

Out of this world (The Magical Quill)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon