Kabanata 4

192 14 42
                                    

[Kabanata 4]

Athena's point of view...

Sa susunod na linggo na ang kasal namin ni Prinsipe Mizra at naging abala na rin sila ama sa pag hahanda upang maging maayos ang takbo ng kasal. Plano ni ama na pagkatapos ng kasal namin ni Prinsipe Mizra ay isusunod naman nila ang kasal nila Prinsipe Adelio at Prinsesa Lianna.

Kasalukuyang nasa labas ako ng palasyo kasama si Gwen. Niyaya ko kasi siyang mag lakad lakad muna dito sa gilid ng ilog. Nasa palasyo ngayon si Prinsipe Mizra. Doon daw muna siya maninirahan hanggang sa maikasal kaming dalawa at pagkatapos daw ng kasal ay isasama na niya ako sa kanilang kaharian.

Napatingin ako kay Gwen na ngayon ay nag tatapon ng mga bato sa ilong. Pumulot ako ng dalawang maliliit na bato at ginaya ang kanyang ginagawa.

"Sigurado ka na bang mag papakasal ka kay Prinsipe Mizra?" tanong ni Gwen saakin kaya tumango ako. 

"Wala na akong magagawa. Naka takda na ang aming kasal," saad ko at muling namulot ng mga bato. Iyon lang ang tangging paraan para maligtas ang tatlong kaharian.

Hindi ko parin talaga alam kung totoo ba ang lahat ng nangyayari. Hanggang ngayon ay naguguluhan parin ako kung totoo ba o panaginip lang ang lahat. Hindi ko alam kung kailan ako magigising sa panaginip na ito o babalik sa tunay na mundo kung saan ako nararapat pero sisiguradohin kong magiging maayos ang kalagayan ng tatlong kaharian bago ako bumalik o magising sa dati kong mundo.

"Matututunan mo rin siyang mahalin mahal na Prinsesa. Mukhang masungit at pilyo si Prinsipe Mizra ngunit, mabait siya," sambit ni Gwen. Napatingin ako kay Gwen at tiyaka tumawa. Mabait ba yong asungot na yon?

"Paano mo naman nasabi yon?" tanong ko kay Gwen na ngayon ay naka upo na sa isang malaking bato sa gilid ng ilog.

"Nalaman ko kay Prinsipe Gabriel..."

"Matalik na magkaibigan si Prinsipe Mizra at Prinsipe Gabriel dahil dating kasintahan ni Prinsipe Mizra si Prinsesa Lianna na kanyang kapatid" paliwanag ni Gwen. Natigil ako sa pag bato sa ilog at gulat na napatingin kay Gwen. Ibig sabihin may namamagitan kay Prinsipe Mizra at sa Prinsesa ng Citrine?

"Talaga?" tanong ko at lumapit ito kay Gwen. Tumango si Gwen saakin at nag salita ulit...

"Oo ngunit, matagal na silang nag hiwalay. Mga isang taon na siguro," sambit pa ni Gwen.

"Bakit sila nag hiwalay?" tanong ko dahilan para mapangiti si Gwen ng nakakaasar.

"Nag seselos ka ba mahal na Prinsesa?" pilyong saad ni Gwen saakin kaya tinaasan ko siya ng isang kilay. Bakit naman ako mag seselos ha aber?

"Pwede ba sagutin mo nalang yong tanong ko," inis na sabi ko sakanya at umirap.

"Hmmm, base kay Prinsipe Gabriel, nag hiwalay ang dalawa dahil kinakailangang mag-aral ni Prinsipe Mizra ng iba't-ibang uri ng mga armas sa malayong lugar," saad ni Gwen. Ako'y nag tataka dahil pwede naman silang mag padala ng mga letter o sulat sa isa't-isa. Ganon lang kadali!

"Huh? Hindi ba't uso naman ang pag papadala ng sulat dito? Bakit hindi nila tinuloy ang kanilang relasyon?" tanong ko pa.

"Dahil ayaw ni Prinsesa Lianna na umalis si Prinsipe Mizra nung mga panahong iyon, pero mas pinili ni Prinsipe Mizra ang mag-aral kaysa sa manatili kay Prinsesa Lianna." Napa tango ako at napa iling-iling. Hindi ko talag inakalang may namamagitan sa dalawang iyon. Tila ba may kaunting kirot saakin dibdib at hindi ko alam kung ano ang dahilan.

Out of this world (The Magical Quill)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon