Kabanata 9

123 11 9
                                    

[Kabanata 9]

Athena's point of view...

Kasalukuyang nasa silid ako ni Prinsipe Adelio at naka upo siya ngayon sa kanyang higaan habang naka hawak ng notebook na gawa sa balat ng hayop.

"Sabi ni ama na hari ng Carnelian, tanongin daw kita kung ano ang mga gusto mong mga bulaklak, kulay, programa, at iba pa sa inyong kasal ni Prinsipe Mizra." Agad na kumunot ang noo ko at tumingin sa paligid.

"Teka, hindi ba dapat kasama ko si Prinsipe Mizra para sa mga iyan?" tanong ko.

"Ikaw ang babae, kaya ikaw ang masusunod sa mga bulaklak, kulay, at programa ng inyong kasal," paliwanag ni Prinsipe Adelio saakin ngunit umiling ako. Hindi naman pwedeng yong gusto ko lang ang sundin sa kasal na ito, may karapatan din si Prinsipe Mizra dito.

"Hindi, kailangan ko rin si Prinsipe Mizra sa mga bagay na iyan." Lumingon ako sa isang guwardiya na nakatayo sa pintuan ni Prinsipe Adelio at agad ko itong inutusan na tawagin si Prinsipe Mizra. Agad itong yumuko at nag paalam na umalis.

"O siya, kung ganon umpisahan na natin habang hinihintay natin ang Prinsipe. Saan mo gustong ganapin ang inyong kasal?" tanong niya saakin kaya napaisip ako. Malaki ang aming palasyo at okay na rin na dito na ganapin.

"Dito nalang sa palasyo. Malaki ang ating sala at may ballroom pa tayo kaya ayos na rito," saad ko kaya tumango ito at nag sulat sa notebook na hawak niya.

"Sabi ni ama, pula ang inyong tema sa kasal. Ang ibig sabihin nito ay pag-iibigang wagas at itinadhana ngayon, at sa susunod na kabilang buhay." Umupo ako sa kanyang tabi at kinamot ang aking leeg.

"O siya, pula kung pula," saad ko.

"Hindi parin ba nawawala ang iyong pangangati?" tanong niya saakin dahilan para mapangiti ako.

"Medyo makati pa ang aking leeg pero, hindi na kumakati ang aking balikat." Itinaas ko ng kaunti ang balbal na suot ko dahil nakatingin siya rito. Naiirita kasi ako!

"Wag mong takpan," saad niya at inalis ang balbal na naka takip saaking leeg at balikat ko. Lumaki ang kanyang mga mata nang makita niya ang namumula at bumubukol kong balat.

"Amalia?! Hindi ito ordinaryong kagat ng lamok!" saad niya at lumapit saakin para makita ng mabuti ang aking leeg.

"Humiga ka nga!" dagdag niya pa kaya humiga ako sa kanyang kama. Tumawag siya ng isang katulong at inutusan niya ito na kumuha ng maligamgam na tubig at labakara.

May kinuha siyang parang maliit na papel sa kanyang drawer at agad na tinusok ang isa sa mga kagat ng lamok saaking balikat gamit ang maliit at manipis na karayom.

"Aray!" saad ko nang tusukin niya ito at pinisil ng napaka lakas. May lumabas dito na parang kaunting tubig kaya idinikit niya ang papel rito.

"Sensitibo ang iyong balat. May alerhiya ka sa kagat ng lamok," saad niya pagkatapos niyang pag masdan ang papel. Yumuko ang katulong at inilapag ang palanggana na may laman na maligamgam na tubig sa tabi ni Prinsipe Adelio.

"Ha? Wala naman akong allergy- este alerhiya sa kagat ng lamok," saad ko. Tumayo ito sa pag kakaupo at pumunta ulit sa tapat ng kanyang drawer. Kumuha siya ng maliit na dahon na kulay pula at ibinabad ito sa maligamgam na tubig.

Out of this world (The Magical Quill)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon