Kabanata 14

61 3 5
                                    

{Kabanata 14}

Third person's point of view...

Agad na iminulat ni Prinsesa Amalia ang kanyang mga mata. Nilibot niya ang kanyang tingin at halos lumaki na ang kanyang mga mata sa pagka mangha sa kanyang mga nakikita. Malaking aranya, malambot na kama, malalaking bintana, at kulay gintong mga desenyo ang kanyang nakikita sa loob ng silid kung nasaan man siya ngayon.

Wala siyang maalala kung ano ang nangyari at kung bakit siya napunta sa salid na ito. Tumayo siya sa pag kakahiga at akmang bubuksan na sana ang pinto ng silid ngunit, bago pa siya makalapit dito ay bumukas na ito.

"Kuya Adelio? Anong ginagawa natin dito? Nasaan tayo?" nag tatakang tanong ng dalaga nang makita niya ang isang lalaking naka ngiti at kamukhang kamukha ni Prinsipe Adelio.

"Mabuti at nagising ka na. Ako nga pala si Neo, Prinsipe Neo ng Ruby at masaya ako dahil sa wakas ay nakita na rin kita, aking kapatid." Agad na nakaramdam ng pagkalito ang dalaga at tumawa pa ito ng kaunti.

"Hay nako kuya Adelio, wag mo na nga akong lokohin," saad ng dalaga habang naka ngiti. 

"Hindi ako si Adelio, Amalia. Kakambal ako ni Adelio at ako ang nag dala sayo rito. Nasa kaharian ka ng Ruby." Hindi alam ni Athena kung dapat ba siyang maniwala sa pinag sasasabi ng lalaking kaharap niya. Lumayo siya ng kaunti kay Prinsipe Neo at tila ba wala siyang masabi dahil sa kanyang mga narinig.

"K-kung ganon, bakit mo ako dinala rito?" sambit ni Athena habang pinapakalma niya ang kanyang sarili. Napansin niya na mas mataba ng kaunti ang kanyang kaharap kaysa kay Prinsipe Adelio at hindi niya mapigilang matakot. 

Naririnig palang niya ang salitang Pulang Bundok ay tumatayo na ang kanyang mga balahibo, paano pa kaya ngayong nasa loob na siya ng palasyo ng Ruby?

"Wag kang matakot Prinsesa Amalia, hindi ako masamang tao. Ilang beses akong nag tangkang kausapin ang aking kakambal na si Adelio ngunit, napaka higpit ng kanyang mga bantay. Sigurado rin akong magugulat siya kapag nakita niya ako at pag nalaman niyang may kakambal siya. Pumasok ako sa inyong kaharian at nag panggap ako bilang si Adelio para makausap kita at masabi ko sayo ang lahat," saad ni Prinsipe Neo at lumapit kay Athena. Pinaupo niya ito sa kama at bahagya niya itong niyakap.

"Hayaan mo munang yakapin kita. Nagagalak akong makilala ka, aking kapatid." Hindi umimik si Athena dahil hindi niya parin maintindihan ang mga nangyayari. Gulong gulo ang kanyang isipan.

"Ano ba ang iyong nais sabihin saakin?" tanong ni Athena habang naka yakap sakanya si Prinsipe Neo.

Lumipas ang ilang segundo at kumawalas na rin si Prinsipe Neo sa yakap niya kay Athena at nag simula nang mag paliwanag.

"Mahal kita, at ayaw kong madamay ka ngunit, kailangan ko ng sabihin ang lahat para maging ligtas kayo ni Adelio, maslalo na ang dalawang kaharian," saad ni Prinsipe Neo at umupo sa tabi ni Athena. Kumunot ang noo ni Athena at nag salita.

"Ano ba talaga ang nangyayari? Ilang araw na ako rito? Baka nag aalala na sila ama saakin," sambit ni Athena. Alam niyang nag aalala na sakanya sila Prinsipe Mizra maslalo na ang kanyang ama.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 17, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Out of this world (The Magical Quill)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon