Kabanata 11

67 11 5
                                    

[Kabanata 11]

Third person's point of view...

Maagang nagising si Athena dahil may magandang ibinalita si Prinsipe Mizra sakanya. Nahuli na ang ale at kasalukuyang naka kulong na ito sa kulungan ng kanilang palasyo. Wala pang inilalahad ang ale ukol sa kung sino ang nag utos sakanyang gawin ang mga bagay na iyon ngunit, may bumabagabag sa isipan ni Prinsipe Mizra.

"Hindi sa pinagbibintangan ko ang iyong ama ngunit, sa pag kakaalam ko ay ang sinomang magtangka o pumatay ng isang tao ay may haharaping parusa, pero bakit parang walang ginagawang aksyon ang iyong ama?" Napatingin si Athena sa Prinsipe at bahagyang nag isip.

"Baka nag hihintay lang ng tamang oras si ama para parusahan ang aleng iyon. Gaya nga ng sabi ni kuya Adelio, baka ang hari ng Ruby ang siyang may utos nito. Kung paparusahan agad ang ale, malamang sasabog sa galit ang hari ng Ruby," paliwanag ng dalaga. Tumango ang Prinsipe at ngumiti. Tila ba napaka bilis mag bago ng kanyang expresyon.

"Nahuli na ang ale. Kung ganon, pwede na ba tayong magpakasal Amalia?" marahan na lumakad si Prinsipe Mizra palapit kay Athena. Agad naman na ngumiti si Athena at tumango.

***

"Oh, Naya? Wag ka munang tatayo kung hindi mo pa kaya," agad na itinapon ni Prinsipe Gabriel ang kanyang hawak na libro nang makita niya na sinusubukan ni Naya na tumayo sa kanyang kama. Agad na tumayo si Prinsipe Gabriel at inalalayan si Naya.

"Gusto ko po sanang pumunta sa banyo, may mga katulong po ba diyan na pwede akong samahan?" tanong ni Naya sa Prinsipe. Lumingon si Prinsipe Gabriel sa paligid at marahan na pinaupo si Naya sa kanyang kama.

"Saglit lang at mag tatawag ako," saad niya at nag paalam sa dalaga. Nanatiling naka upo si Naya sa kanyang kama nang mapansin niya ang kulay kahel na rosas. Agad na tumaas ang dalawang kilay ni Naya dahil sa pag kakaalam niya ay tanging ang mga manliligaw lamang ang nag bibigay ng kulay kahel na rosas sa kanilang nililigawan.

"Abala ang mga katulong kaya kung gusto mo ako nalang ang sasama sayo." Nang makabalik si Prinsipe Gabriel ay naabutan niya si Naya na naka tingin sa rosas na kanyang ibinigay. Agad na naka ramdam siya ng kaba kaya kinamot niya nalang ang kanyang ulo at nag salita.

"Ah, wala na kasing kulay dilaw na rosas kaya yan na ang binili ko," pagsisinungaling ni Prinsipe Gabriel kaya malungkot na tumango si Naya.

"Gwen!" Agad na napa tingin si Naya at Prinsipe Gabriel nang marinig nila ang malakas na boses ni Athena. Kumatok si Athena ng tatlong beses bago niya binuksan ang pintuan ng silid ni Naya.

"Oww, nakakaistorbo ba ako? Sige babalik nalang ako mamaya," salaysay ni Athena nang makita niyang nasa loob si Prinsipe Gabriel. Aalis na sana ang dalaga nang pigilan siya ni Prinsipe Gabriel.

"Teka lang Prinsesa Amalia, maari mo bang samahan si Naya sa banyo?" pagpigil ni Prinsipe Gabriel sa paalis na si Athena.

"Ah, o sige." Nag lakad pabalik si Athena at dahan-dahan na inalalayan si Naya papunta sa kanyang banyo.

"Ba't malungkot ka ata, anong nangyari?" Bulong ni Athena nang makapasok sila sa loob ng banyo. Umiling si Naya at pilit na ngumiti.

"Wala," saad ni Naya dahilan para tumaas ang isang kilay ni Athena. Alam ni Athena na nag sisinungaling lamang siya at alam niyang may mali sa timpla ng kanyang mukha.

Out of this world (The Magical Quill)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon