Chapter 6: Where Am I?

113 3 0
                                    


(Yara's POV)

Nagising ako dahil sa ingay at sinag ng araw na tumama sa mukha ko. Sumakit naman ang ulo ko ng bigla akong bumangon, ang sakit parang hindi ko kaya.

Humiga akong muli baka mabawasan ang sakit ng aking ulo at binuka ang mata at nilibot ang paningin sa buong lugar. Napakunot naman ang noo ko ng makita ang buong kwarto, hindi to sa akin. Nasaan na ba ako at bakit ang ingay din sa labas.

Wait someone get me by force yesterday and I didn't fight back, let's say they bring me somewhere that I don't know. But I'm still confused why the heck they so that?

Tumingin ako sa may bintana para makita ang tanawin sa labas. Nanlaki naman ang mata ko sa nakita ko, puro puno at bundok lang ang nakita ko. Nasaan ba ako at bakit ako nandito? Ughh sumasakit na ang ulo ko kakaisip kung nasaan na ba ako.

Gusto kung matulog pero ang ingay ng mga manok, may mga kambing pa at baboy. Mukhang farm ata ang napuntahan ko, at hindi ko ito gusto. Patay talaga ako sa kambal ko nito pati na din kay Mom at Dad, hindi ko din naman ginusto na mapunta dito.

Pero bakit may malaking bahay dito sa lugar na ito, may nagmamay-ari ba sa lugar na ito? Sino at bakit ako nandito wala naman akong ginawa na mali diba?

"Mas lalo atang sasakit ang ulo ko." Inis kung saad.

Kinuha nila ako kahapon pero bakit wala akong tali? Diba dapat pag kinidnap ka itatali ka? Bakit nasa magarang higaan ako at wala sa lapag? Hay Yara tigil-tigilan mo yan pasalamat ka na lang.

Gusto kung lumabas pero natatakot ako baka biglang papatayin ako nako ayaw ko pang mamatay wala pa akong jowa. Ayy wait lang paano ako magpaliwang nito? Sigurado akong patay talaga ako hayss sana hindi na lang ako lumabas kahapon baka safe pa ang buhay ko.

Nabored na ako at nagugutom kaya napagpasyahan ko na lumabas muna, dahan-dahan kung binuksan ko ang pinto at lumingon-lingon. Ng may narinig akong kalabog ay bumalik ako sa kwarto ko, padabog akong umupo dahil hindi natuloy ang misyon ko na tumakas.

Tumingin ako sa side table at nakita ko ang bag ko na dala ko kahapon kanya dali-dali akong lumapit at kinuha ang cellphone ko pero mukhang minalas ako ngayon dahil walang internet connection at malapit na ding ma lowbat ang phone ko.

"Ang malas ko naman." Napabuntong-hininga naman ako.

Biglang bumukas ang pinto at napatayo ako kaagad at nakita ko ang gulat sa mukha niya.

"Gising ka na pala halika kumain ka muna baka nagugutom ka na." Mahinahong saad niya at napatingin lang ako sa kanya.

"Sino ho kayo?" Hindi ko mapigilang tanong sa kanya.

"Ako si Maricris." Pakilala niya sa akin at ngumiti ng matamis, siya kaya ang may-ari ng bahay na ito? "Matagal na akong nagbabantay sa bahay na ito, wala kasi dito ang may-ari." Dagdag niya and that answer my question.

Tumango lang ako sa sinagot niya at hindi ko din alam anong unang itanong sa kanya.

"Sinong nagdala sa akin dito?" Tanong ko sa kanya.

"Yan ang hindi ko alam basta nagising lang ako ng letter sa lamisa at sinabi na maghanda daw ako ng pagkain para sa bisita." Kwento nito.

"Hindi mo ba nakita?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi at baka gabi na din kayo dumating." Sagot nito.

"Ewan ko ba bakit nandito ako." Nakasimangot kung sambit.

"Hindi mo alam?" Tanong niya at tumango lang ako.

"Dapat ka ding mag-ingat." Biglang saad niya kaya nangunot ang aking noo.

"Bakit naman po?" Tanong ko sa kanya.

"Maraming masamang tao sa lugar na ito." Sagot niya masamang tao well not bad kaya ko naman silang patayin. "Mamamatay tao sila ay wala silang sinasanto. Kaya mag-ingat ka di hamak na mayaman ka at baka mapatay ka nila." Paalala nito sa akin.

"Salamat po sa impormasyon." Pasalamat ko at ngumiti sa kanya.

"Sige aalis muna ako kasi may gagawin pa ako." Paalam niya.

"Tawagin niyo lang po akong Yara." Ani ko at ngumiti siya sa akin.

"Sige Yara mauna na ako sa iyo." Paalam niya at tumango lang ako.

Nang makalabas siya ay kumain na ako dahil nagutom na ako. Napa-isip ako sa sinabi ni Ate Maricris, maraming masamang tao dito. Buti hindi sila napahamak o namatay, baka kagaya lang namin na dumayo sa lugar nila.

Baka nga naman pero bakit nga ba ako nandito, hindi kaya pinapadala ako nola Mommy dito para mag-ensayo? Pwede naman per bakit wala ang kambal ko? Nasaan siya kung ganoon, dapat ba hindi ako mabahala dahil hindi natin alam kung kailan lalabas ang mga kaaway namin.

I need to be careful especially my twin isn't around. Walang magtatanggol sa akin kung may kaaway kami, alam kung kaya ko to pero may part sa akin na nagtatanong na kakayanin ko ba? Anong manyari sa akin? Wala dito ang kambal ko so I need to be strong physically dapat hindi ko hahayaan na matalo ako sa laban na ito.

Alam ko naman na maraming kaaway ang parents ko per hindi ko alam na aabot sa point na pupunta kami sa teretoryo nila. Hindi ko alam kung sa kanila ba ito pero parang ganoon na nga.

"I need to be strong." I mumbled.

Pagkatapos kung kumain ay pumunta ako sa may closet at nagulat ako nang makita na may madaming mga damit dito. Kasya naman to sa akin diba?

"Mukhang kailangan kung malaman ano ang kanilang araw-araw na ginagawa dito para naman may ambag tayo." Sabi ko sa sarili.

Pumasok ako sa loob ng banyo para maligo at magbihis na din pagkatapos. Hindi na ako gumamit ng skin care dahil wala naman ako no'n dito. Wala din tayong make-up so bare face lang tayo nito, okay lang maganda naman ako.

May kasama kaya ako dito? Like a heiress from the other company, or anak ba ng isang Mafia Boss okay na sa akin yun basta hindi niya ako ipapatay sa ama niya. Dahil naku patay talaga siya sa parents ko kung sakali.

Bumalik si Ate Maricris sa kwarto at kinuha ang pinagkainan ko.

"Ate wala ba tagalang internet connection dito?" Tanong ko sa kanya at natawa naman siya.

"Wala hija nasa bayan lang meron." Sagot niya at sumimangot naman ako sa sinabi niya.

"Ahh ganoon ba salamat po." Sagot ko sa kanya.

"Sabihin mo lang sa akin hija kung may kailangan ka." Sabi niya at tumango ako.

"Opo." Sagot ko at umalis na siya kaya napahiga ako ulit sa kama.

Gusto kung lumabas pero ang aga pa dahil alas otso pa sa umaga. Grabe ang aga ah well maaga ka talagang magising dito dahil may alarm clock ka na hindi mo mapatay.

Hindi ito titigil hangganang hindi ka gigising at hindi mo sila bigyan ng pagkain. Well I think I need to know what should I do while I'm here. Dapat hindi tayo tatanga-tanga dahil baka ma deads na tayo niyan. Kailangan ko din magtraining habang nandito ako para challenging. Marami akong matutunan dito kaya why not try. Hindi ko muna iisipin ang kambal ko sarili ko muna ang iisipin ko. Mamatay ako niyan pag siya lang ang iniisip ko, hindi ko alam kung nasaan siya but I hope she is fine and doing well.

Hot Headed | Gallardo Series#3Where stories live. Discover now