Chapter 10: Knowing the Place

72 3 0
                                    


(Yara's POV)

"Yara saan naman pupunta?" Tanong ni Dash habang nakataas ng kilay.

"Aalis lang ako saglit, bakit ba." Iritadong sagot ko sa kanya.

"Wala natanong ko lang." Kibit-balikat niyang sagot at sinamaan ko siya ng tingin.

Pandabog akong umalis sa bahay at pumunta sa labas. May nakita akong isang matanda na nahihirapan kaya lumapit ako sa kanya.

"Manang ako na po mukhang nahihirapan po kayo." Saad ko at tumingin siya sa akin.

"Naku hija wag na baka madumihan ka pa." Sagot nito at ngumiti lang ako.

"Manang okay lang po, kaysa naman tingnan lang kitang nahihirapan." Sambit ko at napatawa lang siya.

"Napakabait mong bata." Natatawang sagot nito sa akin at kinuha ang dala niya.

Hindi naman gaano kabigat pero alam kung mabigat para sa kanya. Matanda na din siya at mahina na din siyang lumakad.

"Hija galing ka ba sa syudad?" Tanong nito sa akin.

"Ahh opo, galing po ako doon." Sagot ko sa kanya.

"Sabi ng apo ko hija palagi daw kayong nag-away ng nobyo mo?" Nagulat ako sa sinabi niya pero nakabawi agad ako.

"Hindi naman po kami nag-aaway nagbibiro-an lang kami." Sagot ko at malapad na ngumiti.

Hindi naman kami magjowa ah bakit ba yan ang palaging tinatawag sa amin. Pero ayaw kung sabihin sa kanya dahil mukhang nasiyahan siya sa amin.

"Alam mo na sa lugar na ito hija napakadelikado." Umiling-iling pa ito kaya napatingin ako sa kanya.

"Bakit po?" Tanong ko dahil curious din ako.

"Maraming rebelde sa lugar na ito hija, maraming tao mag namatay dito gaya niyo. Hindi namin alam bakit palagi nila iyong ginawa." Malungkot niyang saad at napatingin lang ako sa kanya.

Why? Yan ang tanong ko na hindi masagot. At isa pa bakit naman ipapadala kami dito kung papatayin lang kami? Ang weird pero for sure parents ko ang dahilan kung bakit kami nandito.

"Wag kayong mag-alala Manang, hindi po kami mamatay." I assured.

"Sana nga hija, sana nga hija hindi nila malaman na nandito kayo." Napabuntong-hininga ito, alam na nila na may bago silang papatayin.

Kung kaya nilang patayin kami baka sila pa ang mamatay at hindi kami. Hindi kami takot lumaban, sanay na kami at mas sasanayin pa namin ang sarili namin na lumaban pa.

Nang makarating kami sa bahay nila ay nagpasalamat siya sa akin gusto niyang pumasok ako sa bahay niya pero sabi ko hindi na dahil may gagawin pa ako. 

As much as I want to talk to her for a long while, I don't want too. Cause you don't know what happens next, I'm just being careful. Buhay ko ang nakasalalay doon eh I don't want to fully trust someone here.  Kita ko naman ang na totoo sila pero ayoko lang talaga.

"Hija halika kain tayo." Aya ng isang lalaki na medyo matanda na din habang kumakain sila sa labas kasama ang pamilya niya. Ngumiti lang ako sa kanila a umiling.

"Salamat na lang po pero busog pa ako." Ngiting sagot ko. "Baka sa susunod na lang po." Dagdag ko at tumango ito.

"Sige sa susunod na lang hija." Tumango-tango ito at ngumiti ako.

"Sige po Manong aalis muna ako." Paalam ko nito at tumango naman siya at umalis na ako sa lugar.

I don't want to stay so I run away and went to a safe place. I saw a lot of people having fun drinking, how can they really have fun if there is danger waiting for them? Oh I forgot they are kro the target so it's okay for them to do what they want.

Hot Headed | Gallardo Series#3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon