Chapter 9: Certain Place

79 3 0
                                    

(Yara's POV)

Wala talaga kaming nagawa buong araw palagi lang kaming naglakad-lakad sa buong lugar. At masaya dahil wala kang p-problemahin dahil wala namang deadline. Wala kaming mga papeles na dapat asikasuhin o di kaya aayusin.

"Hey sasama ka ba?" Tanong sa'kin ni Dash.

"Saan?" Tanong ko at nangunot ang noo.

"Pupunta si Ate Maricris sa bayan mamaya." Saad niya at nanlaki ang mata ko.

"Oo sasama ako." Sagot ko sa kanya.

"Okay bilisan mo magbihis ka na." Tumango ako sa sinabi niya at dali-daling tumakbo papunta sa kwarto ko.

Nagsuot ako ng black sweatpants at cropped hoodie, tapos nagsuot ako ng crocs dahil baka madumihan pa ang sapatos kung yun ang susuotin ko.

Dala ko ang phone ko dahil baka may internet connection doon gusto kung ma contact ang kambal ko.

"Ano tara na ba?" Tanong ni Ate Maricris at tumango naman ako.

Sabay na kaming tatlo na lumabas sa bahay, nauna si Ate Maricris sa amin dahil hindi pa naman namin alam ang daan dito. Kasabay ko si Dash ayaw ni daw akong maiwan kaya hinayaan ko na lang siya.

Sumakay kami ng motor nang makarating kami sa may kanto, grabi ang layo nang nilakaran namin. Sumakay kami ng tricycle for the first time in my life to ride this kind of vehicle, but it's good though.

"It's your first time right?" Bulong sa akin ni Dash at tumango naman ako, narinig ko ang mahina niyang tawa at hinawakan niya ako sa bewang kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Hawakan lang kita para hindi ka mahulog." Dagdag niya at hindi na lang ako sumagot.

I mean bakit naman ako mahulog eh ang layo lang naman ng parang pintuan ng tricycle sa akin, siya ata ang nas mahulog sa aming dalawa. Hindi ko na lang ito pinansin at tumingin-tingin sa labas nasa gilid lang ako ng driver eh kaya makita lang.

Nang makarating kami sa bayan ay bumungad sa amin ang mga paninda. Ang daming tao dito mukhang namimili din sila ng supply.

"Hija doon tayo mamili tayo ng gulay." Saad ni Ate Maricris sa akin at tumango lang ako.  

Naka kawit ang kamay ni Dash sa aking balikat habang tumingin sa mga paninda. May mga babae din na pasimpleng tumingin sa katabi ko at ngumiti pero mawawala ang ngiti nito pag nakita nila ako at umirap pa.

Bumili na ako ng mga kakailanganin sa bahay, naubusan na din kami ng mga gulay dahil palagi kaming kumakain pag gutom kami. Sana nga lang talaga hindi nagbago ang aking katawan, well I feel like hindi naman dahil palagi kaming nagtraining at palagi din kaming nilalabasan ng pawis.

"Beh ang gwapo ng lalaki."

"Oo nga ano kaya ang pangalan."

"Shit kahit anakan na ako nyan masaya na ako."

"Disgusting." Bulong ko sa sarili. Ganyan na ba kababa nag tingin nila sa sarili nila. Dahil lang ba nakakita na sila ng lalaki na gwapo ay gusto na nilang magpabuntis nito?

"Sayang lang bebs may girlfriend na."

"Oo nga ang ganda din niya at mabait."

"Hindi natin alam baka may tinatago din yan."

"Oo nga baka gold digger yan."

"Yan din ang isip ko baka taga dito lang yan siya tapos nagparetoke kaya gumanda."

Hot Headed | Gallardo Series#3Where stories live. Discover now