Chapter 12: Catch Feelings

59 2 0
                                    

(Yara's POV)

Pupunta sana ako sa ilog para maligo ng biglang may humila sa'kin kaya naalerto ako. Pero paglingon ko si Dash lang pala na nakangiti sa akin, sinamaan ko siya ng tingin.

"Walang hiya ka, akala ko sino." Sigaw ko at tumawa lang siya.

"Saan ka pupunta?" Tanong niya sa akin.

"Sa lugar na wala ka." Inis kung saad.

"Really you don't want me around." He whispered and wrapped his hands around my waist. Suddenly my chest went wild it beats faster.

"Ewan ko sayo." Inis kung saad at nilayo ang sarili ko sa kanya. Buti na lang talaga lumayo ako sa kanya dahil ang bilis nang tibok ng dibdib ko.

Pumunta ako sa ilog at hinubad ang suot kung damit, shorts na lang at tank top ang natira sa katawan ko. Malalim din tong ilog na ito, dito nanyari yung ginulat ako ni Dash. Ang lamig bagay ang kambal ko dito gusto niya ng lamig eh. Habang lumalangoy ako at masayang tinitingnan ang kung ano ang nasa ilalim ay may naramdaman akong may humawak sa paa ko.

Sinipa ko ito pero biglang nawala lumingon ako pero wala namang tao kaya doble ang kaba ko, binaliwala ko na lang kahit sobrang lakas na nang pintig ng puso ko. May naramdaman akong humawak sa bewang ko at bigla kung naibuka ang bibig ko kaya naka-inom ako ng tubig. Sabay kaming umangat at napa-ubo ako dahil sa pag-inom ko ng tubig.

"Gago ka." Mangiyak-iyak kung mura sa kanya. Nakaharap ako sa kanya at hawak niya ang bewang ko.

"Inano kita?" Walang hiyang tanong nito sa akin kaya pinalo ko siya sa dibdib.

I just realized na nakapatong yung dalawa kung kamay sa kanyang dibdib, kaya agad ko itong binaba pero muntikan pa akong masobsob sa dibdib nito.

"Malapit na akong mamatay dahil sayo." Inis kung tugon sa kanya.

"Kaya naman kitang buhayin." Tinaas baba nito ang kilay niya kaya hinampas ko ulit siya.

"Buhayin mo sarili mo." Sagot ko at umalis sa yakap niya na dapat kanina ko pa ginawa.

Ba't ba kasi ako nagpapadala sa mga ginagawa niya baka mamaya niloko na pala ako nito. Lalangoy na sana ako palayo ng hapitin niyang muli ang bewang ko at niyakap ng mahigpit, nilagay niya ang kanyang ulo sa balikat ko.

"Umayos ka diyan Dash nasa tubig pa tayo." Paalala ko sa kanya.

"Mamaya na giniginaw pa ako." Saad niya sa akin at umirap ako.

"Edi umalis na tayo at umuwi sa bahay." Sabi ko sa kanya at tumango naman siya.

Kanina pa talaga itong puso ko tumitibok nang mabilis hindi ko alam pero grabi ang nagawang epekto niya sa akin. Una akong umalis sa tubig at sumunod siya, lumingon ako sa kanya pero mukhang mali ang ginawa ko. Nakita ko ang maganda niyang katawan sh*t Yara matigil ka diyan.

"Don't stare to much my love." Hindi ko alam na nasa harapan ko na siya, kaya nauna akong naglakad ng dahil sa hiya. Narinig ko siyang tumawa pero hindi ko ito pinansin at nauna ng umuwi sa bahay. Nakakahiya sobra Yara tumino ka na!

-----

Nasa bahay ako ngayon nakahiga sa sofa dahil nabored ako at hindi din kami makalabas dahil sobrang lakas ng ulan. Kaya ayon na stuck lang kami dito sa bahay ng walang ginagawa.

Umupo ako dahil malamig at agad kung niyakap ang sarili ko sino ba kasing nagsabi na magsuot ka ng short habang umuulan. Wala ako lang naman tangang-tanga hindi ko din naman kasi alam na uulan ngayon.

Hot Headed | Gallardo Series#3Where stories live. Discover now